Warning: OA masyado itong chapter 16 actually yung whole story talaga haha pero ...pero sana pag tyagaan nyo pa rin po. Enjoy your reading !
Continuation......
Thomas' POV
"Ano thomas magsasalita ka ba o magsasalita ka?", maawtoridad na tanong sa akin ni kim. Sabay pakita sa akin ng kamao nya.
Napalunok nalang ako sa sobrang kaba. "S-Sandali lang , baka pwedeng pumasok muna tayo sa loob, umuulan na oh", pakiusap ko dito. She glared at me tsaka nag pati-unang mag-lakad papasok sa loob ng bahay ko,kasunod naman ni kim sa likod nya ang bullies na masasama din ang mga tinging ipinupukol sa akin.
Napalingon naman ako ng may mag-tap sa right shoulder ko. Pagtingin ko si avo pala. "Bro, good luck! Mukang mapapasabak ka sa mga bullies", pang-aasar nya sa akin.
I just rolled my eyes at him."Shut up bro.", i said, na sya namang tinawanan nilang lima.
"Relak bro napaghahalatang tiklop ka sa bullies eh.", singit ni kib.
"Kaya nga eh. Asan ba kasi si ara? Bakit hindi mo nga sya kasama?", segunda ni almond.
Hindi naman ako nakasagot kaagad sa tanong ni almond. Baka kasi pag sinabi ko na iniwan ko si ara sa h-way kanina eh sa kanila palang makatikim na ko ng sunod-sunod na batok.
"Oy bimbs natameme ka na dyan, ano yun lost connection lang ang peg?", pag-agaw ni gab sa atensyon ko. Tss carol's boy version lang ?
"Ewan ko sayo, teka nga bakit ba lahat kayo hinahanap si ara ha? Eh maid ko lang naman sya dito.", inis na sabi ko. Nakakaasar kasi eh lahat nalang sila tanong ng tanong kung nasaan si ara.
Leche nakukonsensya tuloy ako sa ginawa ko.
"Kahit na maid mo lang siya bro, mabait naman si ara eh tsaka tignan mo close na siya ng bullies,so parang part na rin siya ng barkada natin, di na sya iba. Kaya normal lang siguro na hanapin namin siya sayo,especially ng bullies.", komento ni kiefer na nakatayo sa tabi ni avo.
I just heaved a deep sigh. Wala na-speechless talaga ako, kasi hindi ko alam kung paano 'ko ie-explain sa kanila na iniwan ko si ara sa h-way. Wrong move thomas, feeling ko tuloy sobrang bad ko sa ginawa 'ko.
Mag-sasalita na sana ako ng sakto naman ay pag-dating ng kotse ni jeron. Mabilis nyang pinark yung car nya sa likod ng auto ni avo.
Lahat kami naka-focus lang dito. Pare-pareho kaming nagulat ng mabilis na lumabas si jeron sa loob ng kotse nya,wet look pa nga eh. Paano ba nabasa 'to? Umuulan din ba sa loob ng kotse nya? Amazing!
"Bro, what happened ? Bakit parang basang-basa ka?", kiefer asked but jeron was just ignored him. "Huh. Anong problema jeron?", kib's added. Sinundan lang nito ng tinggin si jeron na hindi rin sinagot ang tanong nya..
I shifted my gaze to jeron then i realized na papunta sya sa direksyon 'ko habang nakatitig sa akin ng masama. Teka problema nito sa akin?
I was about to ask him, pero nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang malakas na pagsapak nya sa left cheek 'ko. Di pa man ako nakakabawi sa pagkabigla sa una nyang suntok, ay sinundan na naman nya ng isa pa. This time sa right side ng upper lips 'ko.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
RomansPaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...