Ara's POV
Naipiling ko nalang ang ulo ko dahil sa naiisip ko ."Hindi.. hindi pwede .wala lang 'to. pagod lang ako. oo tama pagod lang ito kailangan ko na sigurong mag-pahinga. bukas wala na 'to.", nag-tungo na lamang ako sa kwarto ko para matulog. pag-pasok ko ay pabagsak akong nahiga sa kamang naroon. pinagmamasdan ko lang ang kisame, at pilit na iwinawaksi sa aking isipan ang mga nangyari kanina.
Sinubukan kong ipikit na ang aking mga mata, pero tanging mukha ni thomas ang aking nakikita kasabay nun ay ang pag-ulit sa aking gunita ng ginawang pag-yakap sa akin nito. muli ko na naman naramdaman ang mabilis na pag-pintig ng aking puso.napahawak na lamang ako sa aking dibdib. "Eto na naman. nag-wawala na naman ang puso ko . ang kulit naman kasi eh ilang beses ko ba na dapat sabihin na wala nga lang yung kanina eh .wala lang yun .", sinasabunut-sabunutan ko ang aking sarili. nababaliw na nga yata ako ng tuluyan. grabe naman kasi maka-pag patuliro ang nararamdaman kong ito. ayoko nito. hindi tama ito.
"Hayss ara tigilan mo na kasi kaka-isip dyan matulog ka na kasi.", para akong baliw na pinapagalitan ang aking sarili. pinikit ko nalang muli ang aking mga mata at pilit na iniiba ang tumatakbo sa aking isipan hanggang sa sumuko na ang diwa ko at tuluyang nakatulog ........................
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Door Bell*
Booogggsss!....................
"Aray! yung balakang ko huhu", daing ko .kasi naman nahulog ako dito sa higaan ko. kaasar kasi yung maingay na yun eh nakakagulat. san ba yun nagmumula? bakit parang ayaw tumigil ?"Ano ba? bakit ang ingay inaantok pa ko huhu. saan ba kasi nanggagaling ang tunog na yun ?", pagrereklamo ko sa sarili ko . hinanap ko naman ang tunog sa ilalim ng kama, pero wala, sunod sa upuan, wala din dun , sa banyo wala parin, sa aparador wala talaga saan ba yun? lumabas na ako ng kwarto dahil parang sa labas nagmumula yung ingay.
*Door Bell*
"Ano ba yan ara , bakit hindi mo pa buksan ang pinto?! kanina pa tunog ng tunog ang doorbell.tsk!", inis na sambit ni thomas habang bumababa ng hagdan. halata sa magulo at pupungas-pungas na mga mata na kagigising lamang din nito. bakit ba kasi tumutunog ang pintuan nya? kakaiba naman yun. napapitlag nalang ako at muntik ng mapatalon ng sigawan ako nito. "Hoy?! ano na wala ka pa rin ba balak buksan ang pinto?", pasigaw na tanong sa akin ni thomas. di naman na ako nakasagot pa, sa halip ay naglakad na ako palapit sa pinto at tsaka ito mabilis na binuksan.
Nabigla naman ako sa mga bumungad sa akin. "Finally! binuksan din, akala namin aabutin pa kami ng lunch dito sa labas kaka-pindot ng doorbell eh.", sabi ni carol habang nagpupunas ng kanyang pawis sa noo. tila natulala naman ako dito sa harapan nila. lahat kasi sila ay narito. bakit naman kaya?
Naagaw naman ni kib ang aking atensyon ng marahan akong tapikin nito sa braso. " Ah eh ara.... baka pwede mo na kaming papasukin maiinit kasi dito sa labas eh tsaka gutom na rin kami.", wika nito . mabilis naman akong gumilid para bigyan sila ng daan papsok sa loob. "Ay p-paumanhin po hehe, sige pasok po kayo.", nahihiyang turan ko sa mga ito.
Napalingon naman ako ng may magsalita mula sa loob. "O anong masamang hanging ang nagtulak sa inyo papunta sa bahay ko?", tanong ni thomas sa mga ito. isa isa namang nag-taasan ang mga kilay ng bullies? at ng kanilang mga nobyo dahil sa tinuran ni thomas.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
RomancePaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...