Chapter 3

869 36 4
                                    

Chapter 3

ARA'S POV

"Oh ate ara bakit nakabusangot po yang mukha nyo? may problema ba?", tanong sa akin ni gabriel.

ngunit di ko gaanong pinansin dahil hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni dianne. di ko mawari kung bakit pumasok sa isip nya ang ganung klaseng bagay. Ganun na ba kasi siya kadesperado? para lang hilingin na maging tao ako? hay grabe, ibang klase nga talaga mag-isip ang mga tao.napa-pitlag na lamang ako at sapilitang bumalik sa reyalidad ng madama ko ang marahang pagtapik ni gabriel sa kanang braso ko. nagtatakang tinapunan ko naman siya ng tingin.

"Kanina pa po kasi kita tinatanong dyan ang kaso lang po sa sobrang lalim yata ng iniisip mo ay hindi mo na nagawa pang tugunan ang tanong ko.", pagpapaliwanag sa akin ni gabriel. iiling-iling na napakamot na lamang ako sa aking batok.

"Pasensya ka na gabriel ah. may iniisip lang kasi ako. ano nga ulit yung tinatanong mo?", pag-papaumanhin ko naman sa kanya. naupo naman ito at tumabi sa akin.

 Hinintay ko lamang ito magsalitang muli.

"Ano ba kasi ang gumugulo sa isipan mo ate ara? at tila nawawala ka sa iyong sarili?", may halong pag-aalalang tanong sa akin ni gabriel. napabuga na lamang ako ng hangin tsaka pinasyang ibahagi dito ang naging pag-uusap namin ni dianne.

"Nagka-usap kami ni dianne kanina sa lupa habang binabantayan ko ang himbing na natutulog na si thomas.", pani-mula kong pagsasaad dito. maigi naman itong nakikinig sa akin at bakas sa mukha nito na interesado itong malaman ang aking sasabihin.

"Marahil ay tungkol kay thomas ang napag-usap nyong dalawa. tama ba ako ate?", pag-papalagay na turan nito. tumango naman ako dito "Tama ka. tungkol nga kay thomas.",  pag-kumpirma ko sa tanong niya.

"Kung ganun bakit po parang hindi nyo nagustuhan ang naging resulta ng pag-uusap nyong iyon?", pag-tatakang sabi ni gabriel. 

Napatungo naman ako.

*sigh* "Gusto niya kasing hilingin sa nakatataas na maging tao ako upang matulungan ko si thomas na malimutan siya at bumalik sa dati nitong buhay.", pag-sasalaysay ko kay gabriel. tila nagitla naman siya sa aking tinuran at hindi kaagad na nakapagsalita.

Napaawang naman ang gilid ng labi nito tsaka pautal-utal na nagsalita. "To-Totoo p-po ba yang sina..sinabi mo ate ara?", di makapaniwalang sambit ni gabriel.

"Oo hindi ako nagbibiro gabriel  totoo ang sinabi ko. kaya nga di ko napagilan ang aking sarili kanina na hindi magalit sa kanya eh.", 

"Marahil siguro'y kaya nya lang nasabi yun ay dahil sa labis na pangungulila nya at pagkahabag sa kalagayan ni thomas ngayon.mabuti pa'y intindihin mo na lamang si dianne ate ara masakit lang kasi para sa kanya ang iwan at makitang ganun si thomas. at isa pa alam naman natin na imposibileng mangyari ang sinasabi nya eh. kaya wag mo nalang isipin pa ang bagay na yun.", may kahabaang pahayag ni gabriel. sa bagay may punto si gabriel sa sinabi nya.

Bakit ko nga ba papagurin ang sarili ko sa kakaisip ng bagay na yun, gayong alam ko naman na hindi maaring matupad kung ano man ang ninanais niyang maganap.

"Tama ka nga siguro gabriel. sige kakalimutan ko nalang ang tungkol sa bagay na iyon.", sabi ko naman dito tsaka nagpaskil nang ngiti sa aking labi.

End of Ara's POV

---------------------------------------

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo dianne? mahigpit na ipinag-babawal sa batas ng langit ang pagbalik ng isang kaluluwa sa pumayapa na niyang katawan. kapangahasan iyang hinihiling mong mangyari dianne.", kalmado ngunit maawtoridad na turan ni saint michael/archangel michael(arkanghel) ang nakakataas na pinuno ng mga anghel kay dianne matapos itong maglakas loob na ipahayag dito ang nais niyang pag-balik sa dati niyang katawan upang makasamang muli ang asawang si thomas.

100 Days with My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon