Chapter 2

997 41 11
                                    

Chapter 2

ARA'S POV

Sumunod ako sa hospital kung saan dinala si thomas.nakupo lang ako dito sa bandang ulunan ni thomas. dalawang oras din siyang walang malay. ngunit ng magising na siya si dianne kaagad ang una niyang hinanap. hay kawawa naman itong si thomas biruin mo wala siyang kaalam-alam na pumanaw na si dianne mula sa insidenteng kinasangkutan nila kanina. nabigla nalang ako ng tinanggal niya ang dextrous na nakakabit sa kamay niya at akma sanang tatayo upang hanapin si dianne ngunit pinigilan siya ng kanyang mga kaibigan na sina jeron at kiefer. grabe hindi pa man din niya nalalaman ang nangyari kay dianne medjo nagwawala na siya pano pa kaya pag sinabi na nila sa kanya na patay na si dianne?

Pilit pa rin siyang kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalawa ngunit di nagtagal ay kumalma na siya at binitawan na din siya ng mga ito. di naman nagtagal ang tatay na mismo ni thomas ang nagsabi sa kanya ng nangyari kay dianne. kitang kita ko naman kung paano nanlumo si thomas nang marinig nito ang masamang balita mula sa kanyang ama.wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak nalang. malungkot ko nalang siyang pinagmamasdan wala din naman akong magagawa eh para tulungan siya. ito ang itinakda ng nasa taas at walang sino man ang maaring makapigil roon.

"Ka-Kasalanan ko 'to eh... kasalanan ko kung ba-bakit na-namatay si dianne! nang dahil sa akin nawala yung babaeng pinakamamahal ko.", paninisi niya sa kanyang sarili sa kabila ng patuloy pa rin niyang pag-iyak. 

"Pare tama na .wala kang kasalanan okay walang may gusto sa nangyari kaya wag mo sanang sisihan ang sarili mo.", ani kiefer sa kay thomas habang pinapat yung likod nito. si kiefer ay kababata ni thomas at matalik na kaibigan niya halos sabay na silang lumaki at nagbinata. lagi silang magkasama nun kumbaga sagang dikit na sila at pareho din silang mahilig maglaro ng larong basketball kung tawagin ng mga tao.kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa't isa. at kung mayroon man na lubos na nakakaintindi sa kanya ngayon dito walang iba yun kundi si kiefer.

 "Oo nga thomas tama si kiefer. wala kang kasalanan. siguro ka-kaya nangyari itong bagay na 'to ay dahil tapos na yung misyon ni dianne dito kaya hanggang dito nalang ang naging buhay niya.alam namin kung gaano kahirap para sa'yo na tanggapin ang sinapit ni dianne.naging malapit na kaibigan na rin namin siya kaya kahit kami man ay nalungkot ng malaman namin ang balita, pero thomas ganun talaga ang buhay hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo tatagal sa mundong ito. ang isipin mo nalang ay masaya na si dianne kung saan man siya naroon ngayon.at sana ay maging payayapa na siya sa feeling ni god", dagdag na pahayag ng isa pa nyang kaibigan na si mika.

Mika Aereen Reyes ang buo niyang pangalan. nagkakilala sila nila thomas noong nasa kolehiyo pa sila. isa siyang sikat at magaling na balibolista nung nasa kolehiyo pa siya at kahit ngayon na naglalaro na siya sa national team. mabait din itong si mika, masayahin at palaging nakangiti. malambing din siya at maalaga .napaka-ganda din niya kaya hindi nakakapagtaka kung lahat nahuhumaling sa kanya .gaya nalang ng kasalukuyang nobyo niya ngayon na si kiefer. napaka swerte ni kiefer dahil ang tulad niya ang napiling gustuhin at ibigin ng isang mika reyes.

Umiling-iling si thomas."Hindi ko kaya mika. mahal na mahal ko si dianne. ang sakit lang kasi kung kailan magkakaroon na kami ng anak, yung bang talagang pamilya na kaming maiituturing dahil buntis na siya tsaka pa... tsaka pa nangyari sa amin ito. bakit sabihin nyo nga sa akin naging masama ba akong tao para parusahan ako ng ganito? bakit niya kailangan kunin sa akin ang asawa ko pati ang magiging baby namin? ha? i don't deserve this.. i don't.", pailing-iling at punong-puno ng sakit na turan ni thomas na hindi pa rin napapatid ang pagluha nito.

100 Days with My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon