Thomas' POVMabilis kong hinihinto sa gilid ng highway ang kotse ko sabay sabing ..."Baba", tipid pero maawtoridad na sabi ko kay ara.
"P-Pero t-thomas---", agad kong pinutol ang sasabihin nya. "Baba sabi !", napalakas na ang pagkakasabi ko sa pagkakataon na ito. Nakita ko namang napapitlag si ara sa kinauupuan nya.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang panggigilid ng mga luha sa kanyang mga mata habang puno ito ng pagmamakaawa. Pero hindi ko pinansin ang mga iyon. "Bumaba ka na ara, wag mo ng hintayin na ako pa mismo ang humila sayo palabas ng sasakyan ko", galit na usal ko sa kanya.
"T-Thomas, w-wag mo naman g-gawin i-ito, p-parang-awa mo na", pakiusap nya.
Tila nagsusmamo pa rin ang mga mata nyang nakatuon sa akin. Pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya tsaka ko in-unlock ang pinto ng kotse ko para mabuksan nya. "Baba na at wag na wag ka na ulit babalik pa sa bahay ko!", sa pangalawang pagkakataon ay napapitlag na naman si ara sa kinauupuan nya.
Kitang kita ko ang panginginig ng katawan at kamay nya ng buksan nya ang pinto ng kotse ko para makalabas.
Pinilit kong tikisin ang konsensyang nadarama ko. Hinayaan ko syang tuluyang makalabas ng kotse ko. Siguro talagang napuno na lamang ako sa mga pinag-gagawa at pinag-sasabi nya kayo ko nagawa syang pababain ng sasakyan ko.
Naiinis na ako at hindi ko na kaya pang makasama ang tulad nya sa bahay ko.Masyado na siyang nakikielam at nag-hihimasok sa akin. Kaya sa tingin ko tama na itong ginawa ko. Wala na akong paki elam kung ano pa ang mangyari sa kanya. Basta bahala na sya sa buhay nya tapos.
Hindi ko na sya tinignan pa at agad ko ng isinara ang pinto ng kotse ko tsaka ito pinaandar ng mabilis.
Habang nasa byahe ako pauwi sa bahay ko. Halos hindi ko maipinta kung ano ba itong nararamdaman ko. Hindi ako gaanong mapakali habang nagda-drive ako. Hindi maalis sa isip ko ang itsura ni ara ng pababain at iwan ko sya sa gilid ng highway kanina.
Ang gulo pakiramdam ko. May part sa isip ko na nagsasabing hindi ko dapat ginawa yun kay ara, na hindi ko sya dapat iniwan mag-isa doon. Baka kung ano ang mangyari sa kanyang masama. Pero may part din sa isip ko ang nagsasabing tama lang ang ginawa ko. Dahil masyado na syang lumalagpsa sa Limitation, Na kahit yung mga bagay na hindi na dapat panghimasukan pa ay pinakikielaman pa nya.
Ang gulo talaga hindi ko na alam kung ang ano ba ang dapat kong maramdaman. Pinilit ko nalang baliwalin ang mga gumugulo sa isipan ko at nag-focus na lang ako sa pagda-drive ko.
++
Pagdating ko sa harap ng bahay ko ay nadtnan ko ang barkada na nakatayo at naghihintay sa akin sa labas ng bahay ko. Mabilis akong nag-park ng kotse ko at agad na bumaba. Nagtatakang mga mukha ng bullies ang bumungad sa akin. Lahat sila ay bahagyang nakataas ang isang kilay habang mga nakahalukipkip ang mga braso sa ibabaw ng kanilang mga dibdib.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
RomancePaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...