Ara's POV
Baby? Tinawag nya akong baby? Ehhhhh...... Bakit ako natutuwa? Bakit parang may mga paro-parong kumikiliti sa tiyan ko? Ano ba ito? Grabe na ito! Di pwede 'to ara tandaan mo ang limitasyon mo. Isaksak mo yan sa utak mo, anghel ka anghel ka di ka tao. Nandito ka para sa misyon mo. Tandaan mo yan...
Ehh kasi naman wahh! "Ugh! Nakakaasar naman eh!", naiinis na sinabunutan ko yung buhok ko. Kung ano-ano kasing kalokohan ang iniisip ko.
"O-Okay ka lang ba ara? May masakit ba sa ulo mo?", napatigil ako sa ginagawa kong pagsabunot sa buhok ko sabay nanlalaking mata akong napatunghay kay thomas. Ay grabe naman nakakahiya sa harap pa talaga nya ako nagkaganito. Kasi naman sya eh. Nililito nya ang isip (at puso) ko. Teka san galing yun? Isip lang dapat eh bakit may sumisingit pang puso puso na yan ?... Hay naku naman.
"Hey? You alright? Bakit parang natulala ka na? Anything wrong?", napapitlag naman ako sa muling pagpukaw ni thomas sa aking atensyon.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko mula sa tanong nya."Naku w-wala, wala ito ano ka ba. A-Ah ma...ma ano.. Makati kasi yung ulo ko, pero wala lang 'to. Hehe.", pagsisinungaling ko. Naku lagot talaga ako nito kay arkanghel.
Tinignan ko naman si thomas, tila nawi-weirdohan yata siya sa akin. Kasi naman sino ba ang hindi diba? Bigla-bigla mo ba naman sabunutan ang sarili mo tas may ibang makakita eh talagang iba iisipin nun.
"Si-Sigurado ka?", may pagdududa nyang tanong.
Pilit ang naging pag-ngiti ko bago ko ito sinagot."OO naman noh. Uhm oo nga pala diba may gamot ka pang ipapa-inom sa akin ?asan na?", sinadya ko nalang ilihis ang usapan para hindi na sya gaanong mag usisa pa. Isa pa tapos naman na nya akong pakainin at kailangan ko naman ngayon ay uminom ng gamot.
Tila nagulat pa sya ng ipaalala ko sa kanya."Ay oo nga pala!eto oh, bio-flu, mas effective 'to para di na lumala yung ubo't sipon mo tsaka para bumaba na rin kaagad ang lagnat mo.", inabot nya sa akin yung asul na kapsula. Kinuha ko yun at ininom sunod naman nyang inabot sa akin ang isang baso ng tubig.
"Salamat", nakangiti kong sambit matapos kong inumin ang tubig na iniabot nya sa akin.
Nginitian din nya ako. "Wala yun ano ka ba. Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit kaya tama lang na alagaan kita hanggang sa gumaling ka.", hindi pa rin nawala sa kay thomas ang ngiting kanina pa nakapaskil sa kanyang mga labi. Di naman kaya mapunit ang labi nito sa kangi-ngiti?
Napabusangot naman ako dito sabay pag-kontra sa kanyang sinabi."Hay naku heto na naman tayo. Sinabi ko na ngang di mo na kailangan pang gawin ito. Ayos naman na ako eh. Tsaka ako nga dapat ang mag alaga sayo dahil yun ang tungkulin ko bilang--", kaagad na pinutol nito ang dapat sanay sasambitin ko.
"Bilang Guardian Angel ko? Alam mo matagal ko ng gustong tanungin ka tungkol dyan. Simula kasi nung dumating ka yan na ang pilit na ipinapakilala mo sa aking pag katao mo. Bagay na mahirap talagang paniwalaan. Ano ba kasi talaga ang totoo?", bakas sa mukha ni thomas ang kagustuhan na makuha ang tunay na sagot sa tanong nya sa akin.
Napabuga nalang ako nang hangin."Hindi ba'y naipaliwanag ko na sayo ang tungkol sa tanong mong iyan? Yan pa nga ang dahilan kung bakit naging mailap ka sa akin nitong mga nakakaraang araw.", sagot ko dito.
Pero tila di pa din talaga sya kuntento sa aking naging sagot."Pero napaka-imposible kasi at tsaka mahirap talagang paniwalaan eh. I mean paanong mangyayari na pabababain ka dito sa lupa at magiging tao for how long nga ulit?",
"100 days meng", sagot ko naman. "In short 3 months and 10 days huh. then you just came here to help me out. Like duh nakapa-imposible talaga diba.", kalurki talaga itong si thomas.ang hirap kumbinsihin, di yata kakayanin ng ganda ko ito. Kaloka to the highest level ng ganda ko!!!!!
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
RomansaPaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...