The start, the new beginning
Mirah's POV
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo at nakanganga sa harap ng gate ng isang school. Sa main gate palang malalaman mo na kung anong class ito. Mula dito sa labas ay masisilip mo na ang 5th floor building na kulay dark blue at puno ng glass window at alam ko pag pumasok ako sa loob nito ay mas malawak ang makikita ko.
I look again at the top of main gate kung saan nakaukit gamit ang silver metal with italic font style ang 'Athena University', the one of the most prestigious University in Philippines. Ang school na tanging mayayaman lang ang nakakapag-aral at kung hindi man ay matatalino at laging nasa top students o kung scholar kaman ang syang pasok para makapag-aral sa A.U.
The owner of this school is the one has the power to choose students who will be scholar.
Ayon sa nabasa at nalaman ko sa google about sa school na 'to ang mga scholar ay para sa mga estudyanteng hindi kaya ang makapag-aral sa A.U. dahil nga sa mahal ng tuition fee nito. Kapag isa ka sa mga Deans lister o scholar ay hindi mo na kailangan pang bayaran ang enrollment fee,miscellaneous fee and also your school uniform as long as you're in a Dean's Lister and when you graduate they can assure you to work in a well company because they will be the one who will find what can fit in your knowledge.
And I'm thankful to God because I'm one of the chosen student.Kaya naman gagawin ko lahat to maintain my grades for my scholar . Ayokong biguin ang nanay at tatay ko, kahit man lang dito makatulong ako sakanila lalo na't lima kaming magkakapatid na binubuhay ni nanay at tatay.
'Kaya nay,tay hwag kayong mag-alala gagawin ko lahat para makapasa at makapag-tapos ng pag-aaral at tutul...'
*Beep!!!*
Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng isang malakas na busina sa likod ko ang syang nagapabalik sa aking katinuan at pagharap ko ay isang mamahalin na kotse ang nasa harapan ko.
"Miss!, tumabi ka dyan kung ayaw mong mabangga!"
Sigaw ng driver sakin at dun ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa dadaanan nya kaya naman agad akong humingi ng pasensya at tumabi para bigyan sya ng daan.
Napayuko nalang ako dahil sa hiya alam ko kasi na medyo naka-agaw ng pansin ang ginawang pagbusina ng sasakyan dahilan para mapatingin samin ang ibang mga estudyanteng naglalakad papasok sa school. May mga narinig pa akong tumatawa dahil sa kagagahan ko, hindi ko naman kasi namalayan na ang tagal ko na palang nakatayo dun at sa gitna pa talaga daan.
'Ano ba naman yan Mirah unang araw mo palang sa school na 'to at hindi kapa tuluyan nakakapasok kahihiyaan na agad nangyari sayo'
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng pumasok sa school gate.
'Good luck to me.'Kanina pa ako naglalakad at umiikot sa school na 'to pero hanggang ngayon hindi ko parin mahanap kung saan ang information office dito para sana makuha at malaman ko ang sched at section ko. Nahihiya naman akong magtanong sa mga nasasalubong kong kapwa ko estudyante dahil nga sa mayayaman sila.Some of them look sophisticated elegant na pakiramdam ko kahit na hindi naman nila ako kilala ay malalaman nila kung gaano kalake ang agwat namin. Sa galaw, sa postura,sa pananamit at pati narin ata sa pananalita. Kaya tuloy parang nakakahiya kung magtatanong ako sakanila. Kung bakit naman kasi hindi ko muna tinanong sa guard kung saan info office bago ako pumasok. I sigh at nagpatuloy na lang ako sa paghahanap.
YOU ARE READING
Chill Princesses (On-going)
Teen FictionFriendship needs no promises, no demand, and no expectation. It just needs sincerity and trust. ------------------------------------------ This is a work of fiction. Names, characters, business, places,events and incidents are either the product of...