The rude Princess
Aisha
Matapos ang pagpakilala samin ni tita ay wala ng nagsalita sa amin ni isa. Si Ainah naman ay kinuha ang tinidor at kutsara at nag-umpisang kumain na para bang wala syang kasama.
"Let's start eating now." - Nagawi ang tingin ko kay dad ng magsalita sya kaya naman nagsimula narin kaming kumain.
Tanging kutsara at tinidor lang ang naririnig sa aming mesa habang kami ay kumakain. Nilingon ko si Ainah at pinagmasdan ang kanyang mukha.
Mukhang hindi sya marunong ngumiti pero kahit ganon masasabi kong ang ganda nya although she has cold eyes and cold aura. Bumagay sa kanya ang kanyang buhok na may bangs, mapula ang kanyang labi pero alam mong wala syang lipstick o kung anuman na gamit sa labi. Napakakinis rin ng kanyang mukha at ang mata-
"Staring is rude and I hope you know that."
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng magsalita sya at hindi ko man lang alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Pakiramdam ko ay namula ang aking mukha dahil sa hiya. Yumuko ako at humingi ng tawad sa kanya.
"I'm sorry."
"Are you really sorry." - she asked and smirk at me.
"Ainah, stop being rude to Aisha." - Tita said with her warning voice.
"What!? But she's the one who's being rude."
"She is just staring at you. "
"And that's rude. "
"Sylvia, that's Okay hayaan mo at pagsasabihan ko si Aisha"
Bago pa man sila tuluyang mag-away ay nagsalita na ako dahil alam ko naman na kasalanan ko 'to.
"Im sorry tita and Ainah I didn't mean to stare at you." - Tinignan ko si Ainah para ipakitang hindi ko naman talaga sinadya at alam na nakatitig lang ako sa kanya pero inirapan lang nya ako.
Nagulat kami ng bigla syang tumayo at tinignan ang mama nya.
"I'm done with this." - with that ay tuluyan na syang umalis at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ni tita.
'Kasalanan ko 'to'
Sa naisip kong 'yon ay agad akong tumayo at nagpaalam na susundan sya.
"I'm sorry Dad, Tita susundan ko po sya."
Hindi ko na hinintay na magsalita sila at sinundan si Ainah palabas.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko syang naglalakad at tila may kausap sa cellphone. Bago paman sya makalayo ay hinabol ko sya at tinawag ang kanyang pangalan dahilan para huminto sya harapin ako.
"I'll call you later Kristoff. " - pagkatapos nun ay binaba nya ang kanyang cellphone.
"What do you want?"
'Why she's always cold and emotionless?'
"G-gusto ko lang sanang mag-sorry sa ginawa kong pagtitig sayo. Dahil don napagalitan ka tuloy ni Tita." - nakayuko kong sabi at hindi sya magawang tignan.
YOU ARE READING
Chill Princesses (On-going)
Teen FictionFriendship needs no promises, no demand, and no expectation. It just needs sincerity and trust. ------------------------------------------ This is a work of fiction. Names, characters, business, places,events and incidents are either the product of...