Decision
Mirah
Habang naglalakad kami pabalik sa room namin ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Pati mga kaibigan ko nadamay sa pagiging clumsy ko.
Napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at ng tignan ko kung sino ito ay si Aisha na may pag-alala sa mukha nito.
"Okay kalang ba? Walang bang masakit sayo. "
I nodded and smiled.
"Ayos lang ako hindi naman nya ako nasaktan eh. " -paliwanag ko sa kanya at mukha naman syang nakahinga ng maluwang sa sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon. Sorry ah, wala man lang ako nagawa ng mangyari yon" - I can see the guilt in her eyes kaya naman hinawakan ko ang kamay nyang naka-angkla sakin.
"Ano kaba, mabuti nga at wala kang ginawa eh. Baka madamay kapa sa katangahan ko. Ako nga dapat ang mag-sorry muntik na kayong mapa-away dahil sakin."
"So, yung ginawa ko kanina hindi pa pang-aaway 'yon? - bigla naman nagsalita si Ashley na nasa kabilang side ko.
"I think yes, kasi hindi naman natuloy ang pagsugod mo sa kanya eh." - biro ko at natawa din si Aisha habang si Ashley naman ay napalabi at tila nagtatampo sa sinabi ko.
"Grabe ka naman. Hindi mo man lang na- appreciate yung pagtatanggol ko sayo dun sa babaeng mukhang 'The Grudge ' na 'yon."
Natawa kami ni Aisha dahil sa pagtawag nya kay Miss Hannie ng 'the Grudge '.
"I appreciated it. It's just that ayaw ko lang talagang ma-involve kayo sa ginawa ko." - paliwanag ko.
Kunwari'y nagtatampo at inirapan ako nito.
"Mirah,naman what are friendship for kung hindi ko magawang ipagtanggol ka? Kahit kay Aisha mangyari 'yon ganon din ang gagawin ko,Okay."
"That's why I'm thankful na kayo ang naging kaibigan ko dito sa A.U na'to. Kaya ikaw...." - pinanggigilan ang kanyang chubby cheek. "Hwag ka nang magtampo dyan, okay friendship? "
"Aray naman!you ouch me." - pagdadrama nya ng bitawan ko ang mukha nya at hinilot nya 'to. Kami naman ni Aisha natawa sa sinabi o expression nyang 'you ouch me' . Yung kasi pinalit nya sa salitang 'sinaktan mo ako.! Kasi mas maganda daw 'yon.
"Pero alam nyo girls, dapat hindi nyo 'ko pinigilan kanina eh. Para naman maranasan kong masabunutan ang buhok nyang ilang beses atang ginastusan para lang kumulot ng ganon."
Sabay kaming napalingon ni Aisha sa sinabi nya.
"Talaga paano mo nalaman na ginastusan ang buhok nya para kumulot ng ganon?"
Ang ganda kasi ng pagkaka-kulot ng buhok ni Hannie parang yung sa mga commercial sa T.V
Tanong ko rito at nagkibit balikat naman sya.
"Wala, hula ko lang. "
"Haha,ikaw talaga Ashley saka diba kanina tinawag mo ang pangalan ko at sabi mo awatin kita kasi susugurin mo si Miss Hannie.Kaya pinigilan kita."
Natigil naman sa paglakad at kunwari'y nag-isip.
"Ah, talaga sinabi ko ba 'yon?"- at nilingon si Aisha.
Tumango naman si Aisha.
"Oo nga narinig ko rin yun eh." - dagdag ko.
"Oh is that so."
Natawa kami ni Aisha dahil alam naman namin na nagkukunwari lang si Ashley na nalimutan ang sinabi kay Aisha.
"Pero yung sinabi ko kanina na mukha syang 'the Grudge ' dahil lumunok at nag pa-inject sya ng gluta, 'yon ang hindi hula at totoo yon. Halata naman eh."
YOU ARE READING
Chill Princesses (On-going)
Teen FictionFriendship needs no promises, no demand, and no expectation. It just needs sincerity and trust. ------------------------------------------ This is a work of fiction. Names, characters, business, places,events and incidents are either the product of...