Meeting my stepsister
Mirah
Pinilit kong kalimutan ang pagtitig ni Monique at ang kakaibang naramdaman ko kanina at mas piniling makinig sa aming professor.
Tinignan ko muli sya at napahinga ako ng malalim ng makitang nakatingin narin sya sa harap. Huminga ako ng malalim at muli narin nakinig kay ma'am.
"That's all for today class. See you tomorrow. " - our professor said and we answered in chorus a "thank you ma'am. "Well except for our classmate who's name is Stephen if I'm not mistaken wala kasi syang ginawa kanina kun'di matulog.
Nililigpit ko ang aking mga gamit sa desk ng biglang naramdaman ko ang pagtayo ni Monique at naglakad palabas. Hindi nakatakas sa aking paningin ng sundan sya ng tingin ng ilan naming kaklase. Ganon nga siguro pag sikat at maganda.
Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang aking pagliligpit. Saktong natapos na ako ng lumapit sakin si Ashley.
"Mirah, samahan mo naman ako mag-c.r,oh" - Ashley
Tumango ako dahil nakaramdam din ako ng pag-ihi ng banggatin nya yon. Bago kami tuluyang lumabas ay tinanong din namin si Aisha kung gusto nya rin mag-c.r kaya naman tatlo na kaming lumabas ng umo-o sya.
Pagdating sa comfort room ay pumasok na kami.Nauna samin si Ashley sunod si Aisha at dahil ako ang nasa hulihan ay ako din huling papasok sa c.r pero bago pa ako makapasok ay nakasalubong ko si Monique.
Ilan segundo nagkatinginan kami. Ako unang nagbaba ng tingin dahil sa binibigay nyang tingin sakin na hindi ko maintindihan. Matalim pero parang may gustong sabihin.
Lalagpasan ko sana sya para tuluyang pumasok ng cr nang marining ko syang magsalita na syang nagpalito sakin.
"We meet again, Mirah"
Bago ko pa sya malingon ay narinig ko na ang yabag nyang paalis.
******
Aisha6:00 pm when our class ended and now I'm walking towards the gate with Mirah and Ashley.
Kung anu-ano lang ang napag-uusapan namin habang naglalakad, I mean kami lang pala ni Ashley si Mirah kasi ay tahimik lang at minsan lang kung umimik at pansin ko rin na para bang may malalim syang iniisip.
Natigil kami ni Ashley sa pagko-kwentuhan ng marinig namin ang malalim na paghinga ni Mirah kaya't napatingin kami sa kanya.
"Ang lalim non besh ,ah?" -si Ashley
"Oo nga may problema ba?"
Agad naman syang umiling nginitian kami bago kami sagutin.
"Wala ayos lang ako don't worry about me ."
Tumango na lang kami ni Ashley.Paglabas namin ng school ay nagpaalam narin kami sa isa't-isa pauwi. Di nagtagal ay dumating narin ang aking sundo.
Sumakay agad ako sa back seat at binati si Mang Isko. Habang nagmamaneho si Mang Isko ay pinaalala nya sakin ang tungkol sa early dinner namin ni Dad together with dad's girlfriend.
Dahil don ay nakaramdam ako ng excitement na makikita ko ng muli ang bagong nagpapasaya at nagpabalik ng dating sigla ng buhay ni dad at alam kong masaya si mom sa nangyayari ngayon kay dad dahil yon daw ang hiniling ni mom bago sya mamatay. Ang ituloy ang buhay ni dad kasama namin at magmahal muli.
YOU ARE READING
Chill Princesses (On-going)
Teen FictionFriendship needs no promises, no demand, and no expectation. It just needs sincerity and trust. ------------------------------------------ This is a work of fiction. Names, characters, business, places,events and incidents are either the product of...