New section, new classmates
Mirah's P.O.V
Habang naglalakad kami ni Ashley papuntang Info Office ay may konti akong nalaman tungkol sa kanya tulad ng dati na syang estudyante dito since Grade 7 at same din kami ng track at nalaman ko rin na kaibigan ng ate nya ang nurse na gumamot kanina sakin sa clinic kaya naman pala ganon sila itrato ng nurse.
Kahit kanina lang kami nagka-kilala masasabi kong mabait sya the way she talk and when she help me a while ago with the boy name, James. Madaldal din sya at masayahin and she is friendlydahil hindi sya nagdalawang isip na tulungan ako.Naikwento nya rin ang pinsan transferee din na bigla na lang daw nawala pag-pasok nila ng school.
"Nandito na tayo." -Ashley
Huminto kami sa isang glass door at doon nga ay nakasulat sa taas nito ang 'Information Office'.
Si Ashley na mismo humawak ng door knob para buksan ito pero hindi nya pa 'to naitutulak ay may humila na nito mula sa loob at lumabas ang isang maputi,may mahabang curly na buhok at magandang babae na may dalang isang papel at isang sa tingin ko ay I.D pero wala nga lang case at I.D lace.
Napasinghap at parang nagulat pa sya dahil sa pag-bukas nya ng pinto, siguro dahil sa bukod sa medyo magkalapit ang katawan nila ni Ashley ay halos sabay sila ng pag bukas sa pinto.
Pero si Ashley ata ang mas nagulat sakanila dahil sa pagsinghap nito at pag-hawak sa dibdib nito at sa paglaki ng mga mata nya.
"Nako naman girl, kagulat ka ah. Bigla ka na lang sumusulpot sa cute and pretty face ko." - Ashley
Natawa na lang ako sa isip ko sa sinabi ni Ashley siguro dahil sa medyo O.A nyang reaction. Yung babae naman ay agad na humingi ng pasensya kahit na alam ko naman na hindi talaga galit si Ashley.
"Ay sorry miss, hindi ko naman alam na-"
"Just kidding girl, alam ko naman yon." -Putol ni Ashley sa sinasabi ng magandang babae at tumawa ng mahina.
Yung babae naman ay ngumiti na lang din at tumango bago nag-excuse samin para umalis ng tuluyan.
"Ganda nya noh?" - Ashley
"H-ha?"
"Yung girl kanina, she's pretty like us."
"Ah, oo nga."
Sang ayon ko na lang sa kanya at pakiramdam ko namula ang mukha ko dahil sa sinabi nyang maganda ang babae tulad namin.
Narinig ko ang pagtawa ulit ng mahina ni Ashley habang papasok kami sa I.O.
Minutes later nakuha ko na ang section at schedule pati narin kung saan ang room ko at yung I.D ko.
Ang I.D sa school na 'to ay hindi katulad sa ibang school na kailangan ay lagi mong suot pero kailangan mo itong dala sa pagpasok mo sa school dahil ito ang nagsisilbing parang attendance mo sa school (not in classrooms ). Ang I.D dito ay may bar code kung saan kailangan mong i-scan sa I.D scanner pagpasok mo sa gate (that explains why it have computer and scanner sa gate) para makapag-log in ka at automatic na mase-send sa guardian mo ang isang text mula sa school na nagsasaad ng kung anong oras ka pumasok sa school ganon din kapag ikaw ay lalabas na.
Si Ashley naman ay nakuha rin ang sa pinsan nya ang section,rooms and schedule pati I.D. Na syang ipinagtaka ko kung bakit sya ang kumuha nito imbis na ang pinsan nya. Gayon paman ay hindi na ako nagtanong sa kanya.
Laking tuwa ko ng malaman kong kaklase ko si Ashley pati narin pala pinsan nya. Siguro dahil hindi lang sa sya ang unang nakilala ko kun'di komportable rin ako sa kanya at kahit papaano hindi ako magiging O.P sa klase.
YOU ARE READING
Chill Princesses (On-going)
Teen FictionFriendship needs no promises, no demand, and no expectation. It just needs sincerity and trust. ------------------------------------------ This is a work of fiction. Names, characters, business, places,events and incidents are either the product of...