Kabanata 12
Napasulyap ako sa dagat habang nakaupo sa dalampasigan. Tirik pa rin ang araw pero hindi na ito masyadong masakit sa balat.
Napangiti ako nang makita si Timothy na nasa tabi ko ngayon nakaupo rin habang may camera na dala at panay ang picture sa kung saan.
Napag-usapan kasi namin kanina na mahilig pala itong si Timothy sa photography. Ipinakita niya rin sa akin kanina iyong mga kuha niya at masasabi kong magaling nga siya.
Nasabi niya rin na gusto niya daw kumuha ng kursong photography pag nakapagtapos na sa Senior High School kaya lang daw ay pinagalitan siya ni Nanay Talia dahil hindi daw siya praktikal mag-isip. Dapat daw ang kunin na kurso ay iyong mapapakinabangan mo at kikita ka sa huli.
Napaisip rin tuloy ako kung ano ang kurso na kukunin ko ngayong papasok na ulit ako sa College. I took Political Science noong nasa Amerika pa ako at natawid ko naman iyon ng maayos kahit puro party lang ang alam ko. Masasabi ko rin naman na may laman ako pagdating sa utak kaya hindi rin ako dehado noong nagsisimula ako ng College sa Amerika. Namana ko yata iyon kay Daddy. He is good in logical thinking and reasoning.
Ngayon, hindi ko alam kong itutuloy ko ba ang pagpo-Political Science dito o mag-iiba ako ng course.
Marami pa kaming napag-usapan nina Mayor Joaquin Caballero pagkatapos naming kumain. Dumating rin kasi iyong asawa niya na si Nanay Talia kaya mas lalo pang nagkatuwaan.
Tinanong pa nila ako kung kamusta daw ang pakiramdam na dito na ako ngayon titira sa Stefanina. I said it was okay kasi alam ko namang makakapag-adjust ako sa tamang panahon.
"Clicko!" Sabay kaming napalingon ni Timothy sa bahay kubo nang makarinig ng isang boses ng babae.
Nakita kong tumatakbo ang isang babae na naka-above the knee pencil cut skirt, kulay lavender iyon. The top she's wearing is a checkered white and lavender blouse. May ID lace rin na nakasabit sa leeg niya. She's carrying a hand bag in her right shoulder, while a thick textbook on her left hand.
I assume na it's a school uniform. Her hair is in a high ponytail at may suot siyang eye glasses. She doesn't look like a nerd, geek student because of her eyeglasses. Like some stereotype.
Lumapit iyong babae sa puwesto nina Clicko. Nagmano siya kay Nanay Talia at Mayor Caballero at bumati na rin kina Jargo at Martin.
"Athena..." pahayag ni Clicko at agad naman siyang niyakap noong babae.
So this is Athena? Jargo and Timothy's sister.
May ibinulong siya kay Clicko at nagtawanan silang dalawa. It's like a little secret between the the two of them.
Tumawa si Clicko.
Tumawa siya.
Kitang kita ko ang paglitaw ng dimples niya sa kanyang magkabilang pisngi.
"Salamat Athena." Nakangiti si Clicko at napatulala na lang ako.
Napansin ni Clicko na kanina pa ako nakatingin sa kanila kaya bumaling siya sa akin at saka tumikhim.
"Ah. Kuya, mauuna na siguro kami ni Heanndra pabalik sa station may gagawin pa siya doon." Agad niyang sabi at saka tumayo. Sumimangot naman iyong si Athena at kumapit sa braso ni Clicko.
"Aalis kana? Eh ilang minuto pa lang tayo nag-uusap eh!" Parang bata na tampo ni Athena.
I raised my eyebrows unconsciously.
Nakita ko sa peripheral vision ko na napasulyap si Timothy sa akin at saka tumayo sa buhanginan at pumunta sa kubo.
"Kanina pa sila nandito Ate. Ikaw iyong nahuli ng dating kaya hayaan mo na si Kuya Clicko." Napakamot siya sa batok habang nagsasalita at saka tumingin ulit sa akin.