Kabanata 40
"Goodluck for the game later, Heanndra." Nakangiti na sabi ni Ate Ciara na kinakarga si Corin. Sinundan ko siya ng tingin habang hinehele niya ito dahil iyak ito ng iyak.
She looks like a super model sa mga fashion magazines na nakikita ko. Kahit magulo ang buhok niya at nakapambahay lang na damit ay maganda pa rin siya. Maputi at maganda ang hubog ng katawan. Kung hindi ko siya kilala iisipin ko na wala siyang anak dahil hindi halata iyon sa itsura at katawan niya. Hindi ko nga maiintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Commulus sa kanya. She's nice and pretty.
Tumigil ako sa pagkain at ngumiti sa kanya.
"Ssshh Corin. Stop crying na." Malambing na sabi niya kay Corin dahil hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Napatingin ako sa sala nang dumating si Kuya Commulus at may dalang mga groceries.
Sinalubong siya ng isang kasambahay at kinuha iyong mga dala niyang supot. Kumaway ako sa kanya nang naglakad na siya papasok sa dining area.
"What are you doing?" Takang tanong niya kay Ate Ciara. Bumaling ng tingin sa kanya si Ate Ciara at mukhang nagulat pa nandito si Kuya Commulus sa dining area.
"Uhm tinatahan ko lang. Kanina pa kasi iyak ng iyak." Sagot ni Ate Ciara. Tumikhim si Kuya Commulus at kinuha si Corin sa kanya.
"Ako na. Binili ko na ang kailangan mo. You can check it out now." He seriously said. Tumango si Ate Ciara at binigay si Corin kay Kuya Commulus.
"Goodluck again, Heann." Ngiti ulit niya sa akin.
"Thanks Ate." Tumango na lang ako at kumaway sa kanya. She then exited the dining area kaya naiwan kaming dalawa ni Kuya Commulus doon.
Tumawa ako nang siya naman ang naghehele kay Corin at tumigil ito sa pag-iyak. Matalim niya akong tingnan kaya mas lalo pa akong natawa.
"Bakit ang badtrip mo kay Ate Ciara?' Natatawang tanong ko habang dinadala sa sink ang pinggan.
"Ciara? Ano? Close na kayo?" Sarcastic na tanong niya kaya napataas ako ng kilay. Bakit Ciara naman pangalan niya ah?
"Ciara naman pangalan niya di ba?" Kunot noong tanong ko.
He smirked at dahan-dahan na nilagay ang ulo ni Corin sa balikat niya dahil tulog na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na siya.
"Just call her CJ." Seryoso na sabi niya kaya umirap ako. It's all the same. Her name is Ciara Janella, pangalan niya pa din iyon.
"So hindi makakanuod si Clicko sa laro mo mamaya?" Tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at kinuha ang toothbrush. Niligyan ko ito ng toothpaste bago siya hinarap.
"Nope. Ngayong araw din ang admin exams niya." Sagot ko at tumango naman siya. Umalis na siya doon sa dining area kaya nagsimula na ako sa pagto-toothbrush.
Tumawag kanina si Clicko sa akin at sinabi na bumabyahe na siya papunta ng Baguio. Ten o'clock pa lang naman ng umaga at mamayang four o'clock pa ang laro namin pero sinabihan na kami ni coach Robbie na pumunta na ng school sa umaga at maglakad lakad sa grounds. Para daw hindi kami mawalan ng energy at makita namin ang mga makakalaban namin mamaya.
Sumali sina Sarah at Felly sa cheer dance competition na gaganapin mamayang hapon. Isa din iyon sa dahilan ko kung bakit ako pupunta doon kahit mamaya pa ang laro ko, manunuod ako sa kanila. Nad and Dexter are both sa chess game at si Kazandra naman ay busy dahil part siya ng council. Lahat yata kami ay may kanya kanyang sinasalihan.
Nagpahatid ako kay Manong June sa school at agad akong sinalubong ni Nad sa gate. I texted him to wait for me dahil sasabay ako sa kanila sa panunuod ng cheer dance competition. Nakita ko rin si Dexter na nakatayo sa gilid ni Nad.