Kabanata 20
Nilibot ko ang paningin sa paligid ng grand ballroom ng hotel. People in their forties, fifties and probably sixties dominates the whole room. May nakikita naman akong mga binata pero hindi kasing dami ng mga kaedad nina Dad ngayon.
Dimunog kanina sina Dad, Tito Jericho, Tito Quing at Tito Niño ng mga media pagpasok pa lang nila. Kasama sina Kuya Commulus at Kuya Stratus. Huli na kami pumasok para maiwasan ang media.
A classic piano music is playing and it's echoing inside the venue. Huminga ako ng malalim habang nakatayo lang sa gilid. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa mirror walls.
I look like a thirty year old woman with my off shoulder champagne dress. It's a cocktail and it's above my knees. Halos nahirapan pa ako maglakad dahil sa kulay silver na cigarette heels na pinasuot ni Tita Regina. My hair is in a messy bun at agad mapapansin ang smokey eye make up na nilagay nila sa akin.
This what I hate about going to elite parties. I once attend a party like this sa isang malapit na kaibigan ni Mommy sa New York. Mabuti na lang kasama ko doon si Neil, iyong bestfriend ko. Tumakas kaming dalawa doon at pareho kaming napagalitan ni Tita Erica at ni Mommy.
"Just tell me if you're not comfortable with that heels of yours" bulong ni Kuya Cirrus sa akin kaya napasulyap ako sa kanya. Kahit naka heels na ako ay mas matangkad pa rin siya sa akin. Silang lahat ay nakasuot ng formal attires. Suite and tie. Si Quinn lang yata ang naka bow tie sa kanila.
"Let's go with that table" turo ni Nixon sa isang table malapit sa stage. Nakita ko sina Kuya Commulus at Kuya Stratus na kasama si Dad at nakikipag-usap sa mga matatandang lalaki at babae.
Naglakad kami doon sa tinuro ni Nixon na table. Flash of cameras are all over the place. May nakikita rin akong mga media na nakatambay lang sa gilid ng venue. Hinila ni Quinn ang isang upuan at pinaupo ako doon.
He looks like a bad, rich boy dahil sa kulay silver niyang buhok at sa kumikinang niyang diamond earring. It's not a permanent hair color. He requested it kay Tita Regina kaya tuwang tuwa naman siya na nagawan ni Tita Regina iyon ng paraan.
"You look like Lucky Blue Smith, alam mo yun?" nakangisi na tanong ko sa kanya. I am talking about that good looking, famous model.
"Sino yun?" nagtataka niyang tanong at umupo na sa tabi ko kaya natawa na lang ako.
"Nevermind"
Napabaling kaming lahat sa pintuan nang may dumating at agad pinagkaguluhan ng media. A dashing Chinese man in his sixties entered the room. Agad siyang dinumog ng media.
"Sir Trucio! Sir!" ani ng mga nag-aagawan na mga media.
Sa likod noong matanda ay lumabas ang isang lalaki na naka formal attire din. His blonde hair is a bit damp at naka brush up. His jaw clenched habang nakatayo sa tabi noong matanda at seryoso na nakatingin sa mga kumukuha ng litrato sa kanila. He didn't even smile.
A chinita girl then appeared sa kabilang side naman noong matanda. Her long emerald flowy gown makes her unique. Siya pa lang ang nakita ko na ganoon ang kulay ng gown. Everyone here wears neutral colors. Her hair is in a loose curl. She's all smile habang nakatingin sa camera. Opposite to the reaction of the guy on the other side of the old man.
"And Trucio Tan with his son Brooklyn" bulong ni Quinn sa kawalan kaya napaayos ako ng upo.
Oh shit. That's Brooklyn? And the girl? Akia Tan? Nang maisip ay sinulyapan ko si Kuya Cirrus. Tumikhim siya at inayos ang sarili bago naglakad sa puwesto nina Daddy.
"Damn Cirrus sure moves fast" natutuwa na sabi ni Quinn na sinundan ng tingin si Kuya Cirrus.
"Mr. Tan, sino po ang kasama ninyo ngayon gabi?" tanong noong isang media.