Kabanata 18
"We will be going to Bacolod City next week. May isang malaking event na idadaos doon ang isa sa may malaking share sa company natin so we need to attend.." Dad announced. Pinapunta niya kami sa library niya sa labas ng bahay at doon kami kinausap.
I stopped from turning the big globe na nakapatong sa side table. Katabi ko si Seaver sa maliit na sofa na nasa harap ni Dad ngayon. Nasa likod namin nakatayo sina Kuya Commulus at Kuya Cirrus. Napabaling ako kay Dad na nakaupo sa kanyang swivel chair.
"I expect you all to be in your best behaviours. It's a dinner party, so I guess nakaprepare na kayo ng susuotin ninyo doon.." dugtong niya kaya napabaling ako sa mga kasama.
Wala pa akong na prepare na damit. Kakatapos pa lang ng term exams namin kaya nagpapahinga pa kami ngayon.
"Madali lang makahanap ng masusuot Dad. I told Tita Regina about that and she agreed na siya ang gagawa ng mga suot natin.." Kuya Commulus said kaya nakahinga ako ng maluwag.
Thank God for Tita Regina! Hindi ko na alam kung ano ang isusuot ko dahil ubos na ubos na ang mga damit ko dito. And Dad also mentioned na silang apat ni Tito Quing are one of the most important guests doon sa event kaya dapat kaming sumama doon to expose us to the public and to let the public know the heirs and heiresses of their companies.
Minsan tuloy, naiisip ko na masyadong mayabang sina Dad kung isasama pa kami nila doon. But then Tito Quing said na nagdadala din daw ng kanilang mga anak iyong iba nilang kasusyo sa negosyo. It's all because of ties and arrange relationship, para hindi na mahirapan. So the money will stay and goes around with the same families.
"And Heanndra, before I forget, I just have to tell you na nandoon si Brooklyn Tan sa event na iyon. You know what to do" pahabol niyang sabi at humilig sa malaki niyang swivel chair.
Napasulyap sa akin si Kuya Cirrus at yumuko na lang. He moved first kay Akia Tan. Hindi ba alam ni Dad? Tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay na sabihin niya na nauna na siya kay Akia Tan but he was just looking at me with a blank expression.
"Heanndra narinig mo ba ako?" untag ni Dad kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Ah yes. Yes Dad. I'll take note of that.." hindi sigurado kong sagot. We settled everything at lumabas na kami sa library.
"Kuya did you tell Dad about you and Akia Tan?" pabulong na tanong ko sa kanya habang naglalakad sa damuhan sa labas ng library ni Dad. Iilang mga lamp post na ang umiilaw doon.
"I already told Dad about that. You do your part.." seryoso niyang sabi habang nauunang naglalakad sa akin papasok sa bahay. Ilang araw ko na napapansin na palagi siyang galit sa kahit na sino.
Simula noong naaksidente siya at iyong nangyari sa kanila noong babaeng may weird na kulay ng mata sa school clicnic ay mukhang iritado na siya sa mga tao sa paligid niya.
"Kailangan mo bang sumama talaga sa Bacolod?" tanong ni Sarah sa akin habang nakaupo sa cafeteria isang araw.
Kumuha ako ng fries sa dala-dalang supot ni Noel at kinain iyon. Napangiwi siya sa pagkuha ko ng pagkain niya kaya inilayo niya ito sa akin.
Ang OA naman ng isang ito! Isa lang naman ang kinuha ko! Tss. Inirapan ko siya pero mukhang hindi niya napansin dahil nakatuon na ang atensyon niya sa binabasang makapal na fantasy book.
"Kailan kayo aalis?" tanong ulit ni Sarah. Pinagmamasdan ko ang iilang mga estudyante na dumadaan sa hamba ng cafeteria.
"Baka bukas na.."
Huminga siya ng malalim at ginaya ang pang-upo ko na nakatapat sa entrance ng cafeteria.
"Sayang. Hindi ka makakasama sa outing ng section. Kakatapos lang kasi ng exams kaya nagpaplano silang magsaya.." malungkot na sabi niya sa akin.