Kabanata 19

281 11 4
                                    

Kabanata 19

"Damn it Quinn! Will you stop throwing our bags and just put them in the car quietly?" pagalit na saway ko kay Quinn habang nasa kabilang linya at kausap si Kuya Stratus. It's eight o'clock in the morning at naghahanda na kami sa byahe papunta ng Bacolod.

Tumigil siya sa pagtapon ng mga dalang bag namin. Kanina pa siya. Tamad yata siya dahil tinatapon niya na lang parang bola ang mga bags namin sa likod ng dadalhing sasakyan. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan sa may fountain area at tinatanaw sila na nag-uusap usap.

"Yes Kuya. We'll be there later.." sagot ko kay Kuya Stratus sa kabilang linya habang tinitingnan pa rin si Quinn kung sinunod niya ba ang sinabi ko.

Napasulyap ako sa isang bag na naiwan sa sement part ng fountain. It's my bag. Ngumisi siya sa akin at malakas na itinapon ang bag ko sa likod ng sasakyan!

Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko naman siyang tumawa at inaasar pa ako. I made a face at him kaya mas lalo siyang natawa. Asshole.

"Sino ang magmamaneho?" napatigil ako sa pang-aasar kay Quinn nang marinig ulit sa kabila si Kuya Stratus. Nasa Bacolod na siya ngayon. Kahapon siya bumyahe mula Manila.

"Ah si Kuya Commulus po" simple kong sagot.

"Good to know. Don't let Quinn take the wheels or y'all dead" seryoso na sabi ni Kuya Stratus pero hindi ko mapigilan na tumawa. Napatingin sa akin sina Nixon at Kuya Commulus na nag-uusap lang malapit sa akin.

"I'm sorry Kuya. Ibababa ko na po" natatawa kong sabi kaya natawa na rin si Kuya sa kabila.

"Okay. Take care.." he said and then ended the call.

Tumayo ako sa sement na upuan sa fountain at pumunta na sa sasakyan. Sumunod na rin sa akin sina Nixon at Kuya Commulus. Kuya Commulus jogged at nauna na sa amin sa sasakyan.

"C'mon people! Let's go! Let's go!" sigaw ni Quinn na may accent pa. Nakangisi siya habang pinapauna na sumakay sina Seaver. Iyong MU-X ni Kuya Commulus ang gagamitin namin na sasakyan kaya sure ako na magkakasiya naman kami dito lahat. Umupo si Nixon at Seaver sa pinakalikod while kaming dalawa naman ni Quinn ang magkatabi. Si Kuya Cirrus ay nasa front seat umupo.

"Commulus let's stop first sa Diner. I need to get something to Juvy" ani ni Quinn habang sinasara na ang pintuan. Napatingin sa amin si Kuya Commulus sa rear view mirror at tumago kay Quinn.

"Bili na rin tayo ng pagkain doon sa convenience store ninyo.." Kuya Cirrus suggested.

Nakarating kami sa Centro at tumigil kami sa isang maliit na restaurant. Big letters are curved at the top of the mini restaurant.

"Q's Diner" was written on it. It's made of wirings na kapag gabi na ay alam na alam kong iilaw into neon lights. Di kalayuan ay may convenience store na ganoon din ang pangalan.

Bumaba silang lahat kaya bumaba na rin ako. Dumiretso sina Kuya Commulus, Nixon at Seaver sa convenience store.
I was torn kung saan ako sasama pero hinila na ako ni Kuya Cirrus kasama si Quinn. Unang pumasok si Quinn sa diner at agad siyang binati ng mga nagta-trabaho doon.

"Good morning Sir Quinn!" nakangiti na bati noong isang lalaki. He's mopping the floor.

"Good Morning Samuel. Nasaan si Juvy?" he asked habang may kinuha na papel sa counter top at binasa iyon.

Ginala ko ang paningin sa paligid. This diner looks western. Iyong nakikita ko sa mga movies. May mga ulo ng usa na nakasabit sa dingding. Abstract paintings, and lights. Taxidermy huh?

"Sina Quinn may ari nito?" I asked Kuya Cirrus. Natigil siya sa pagbasa ng mga magazines na nasa isang stand at nilingon ako.

"Si Quinn ang may ari nito.." he said while giving an emphasis to the first two words.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now