Kabanata 28

254 11 0
                                    

Kabanata 28

"Heanndra, sige na please! Ngayong araw lang" pagmamakaawa ni Kaz sa akin. Kanina niya pa ako pinipilit na magbantay sa booth namin. Excuse ako sa mga ganoong gawain dahil athlete ako.

"Magbabantay ako pero hindi ko gagawin ang sinasabi mo kanina" pagmamatigas ko pa rin sa offer niya. Sino ba naman ang papayag sa gusto niya?

Gusto niya akong magdala ng sign na "free hugs" or "free kiss on the cheek" habang nagbabantay. Strategy daw iyon para makahatak ng maraming customers na bibili sa booth namin, which I totally find lame.

Pwedi namang makakuha ng costumers sa ibang paraan. Like giving free taste of the foods? Or freebies? Or promos like buy one get one? Bakit kailangan pang may paganito?

"Eh hindi lang naman ikaw ang gagawa non! Dalawa kayo ni Georgina!" pagmamakaawa ulit niya sa akin at itinuro pa si Georgina sa gilid namin na naka costume na. Bagay sa kanya iyong suot niya na black skater skirt at aquamarine plain shirt na may logo ng course namin sa gilid.

Mas lalo pa akong umiling. Kung iyan lang naman ang susuotin mas lalong ayaw ko. Hindi lang costumers ang ma-aattract namin. Bastos na costumers!

"You and Georgina are the only good looking girls I know in our class! Please naman" sigaw niya na.

Napasulyap sa amin si Georgina. She's a white petite girl na may umaalon na buhok. Her dimples showed up. Maganda talaga si Georgina at mapapansin mo siya agad sa klase kahit tahimik lang siya palagi.

Huminga ako ng malalim. Mamayang four o'clock pa ang simula ng training at one thirty pa lang ngayon. Sinulyapan ko ulit si Kaz na nagpa-puppy eyes na ngayon sa akin.

"Fine.." sagot ko at napapalakpak pa siya sa saya.

"Pero hindi ako magsusuot ng tulad noong kay Georgina," pahabol ko kaya biglang nawala ang tawa niya at sumimangot.

"What?! Eh anong isusuot mo? Jersey uniform ng soccer?! Hindi pweding ganoon Heanndra!" hysterical niyang sabi habang umiling.

Hindi naman sinabi na kailangan magsuot ng ganoon kapag magbabantay sa booth! They should thank me na pinagbigyan ko sila kahit na dapat ay excuse ako sa mga ganito. I can actually ditch them but I'm not going to do it because I care for my classmates. Especially ngayong araw ay nasa sophomore na assigned ang booth.

"Kazandra, we can attract costumers kahit wala tayong gawin. Kung masarap ang pagkain natin at kung maganda ang mga binebenta natin they will go on our booth on their own. We don't have to do this," sagot ko sa kanya kaya naman nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at bumagsak ang balikat niya. I didn't mean to hurt her, I'm just stating the fact.

"I know that. It's just that... I don't want to let our classmates down. They've worked hard para maitayo ang booth natin, cooking for the food and trying to think of a new concept na hindi pa namin nagagawa last year. I don't want their efforts to go to waste. I want their efforts to paid off" she said and smiled a bit. Napayuko na lang ako.

"And we also want to help Teacher Japs, iyong teacher natin sa Logic? Nasa hospital kasi siya ngayon sabi ng anak niya. They need money for his operation.." dugtong niya at nanlaki ang mga mata ko.

What happened to Teacher Japs? He's the coolest teacher I've ever met! Everyone loves him dahil masayahin siya at nakakasakay sa trip ng karamihan sa mga students dito sa school.

Mataman kong tiningnan si Kazandra. Pinapaypayan niya ang sarli dahil mukhang maiiyak na siya.

Kaya ayaw ko maging class president. See how their mind works? I always admired Kazandra for everything she's been doing for our section. Nobody deserves to be in that place but her.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now