Kabanata 38

262 8 0
                                    

Kabanata 38

"I didn't took her to that lighthouse okay? Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon sa'yo. You're the first girl I took there." Paliwanag ni Clicko sa akin pagkatapos noong iyakan naming dalawa.

I told him everything na sinabi ni Kiana sa akin at halos umupo na siya sa sahig sa sobrang bagsak ng balikat niya. Kung hindi bumabagsak ang balikat ay kumukunot naman ang noo niya sa mga sinasabi ko.

"I rejected you that day because I want to settle the things first doon sa Uncle at Daddy ni Kiana."

"Kiana also told me she likes me and that she wants us to be more than friends but I know I don't have any for her kaya umiwas na rin ako. That day you confessed to me I also contacted Havex, iyong apo ni General Tetangco. The moment she told me na sasabihin niya sa Lolo niya ang gusto ko kahit wala pang kasiguraduhan iyon, ay umalis na kaagad ako sa kanila ni Kiana."

"Naisip ko rin kasi na baka ano pa ang sabihin ni Kiana sa Uncle at Daddy niya. Kiana is a bit bratty and persuasive kaya nadadala niya ang Daddy at Uncle niya. It's scary that's why I'm trying to be nice to her but that doesn't mean I'm using her to get what I want. Kung ginamit ko siya sana matagal ko ng nakuha ang gusto ko, pero bakit inabutan pa ako ng ilang taon ay wala pa ring nangyayari?" Pagpapatuloy niya.

All this realization hit me. Obsessed lang talaga si Kiana kay Clicko kaya pati ako ay dinadamay niya. Sinisiraan niya si Clicko sa akin para magalit ako at mag-away kaming dalawa. Para ano? Sabay sabay kaming tatlo na maging miserable?

"I'll talk to Kiana." Deklara niya kaya umiling na lang ako.

Hahayaan ko si Kiana na siraan kami dahil naiintindihan ko naman siya. Nasaktan siya tulad noong naramdaman ko noong ni-reject rin ako ni Clicko. They've been together ever since tapos siya lang pala itong nahulog and Clicko doesn't feel anything for her. Masakit na nga iyong sa akin na iilang buwan pa lang kami nagkakilala iyong sa kanya pa kaya?

I'll let her but I have limits. Sa oras na maramdaman ko na hindi na tama ang ginagawa niya, I'm not just gonna sit here and let her do that to us. Hindi naman ako madaling mapuno.

After that talk ay para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik sa puso ko. The remaining school days were just the same as the normal. Sabay kaming mala-lunch kapag libre kami. Minsan naman nanunuod siya ng training ko, or minsan naman sinsamahan ko siya na mag-aral sa library.

When Friday night came ay hinatid niya ako sa bahay. Sabay kaming napatingin sa dumating na sasakyan at lumabas doon si Daddy at Sir Marcus. Napaayos ng tayo si Clicko nang dumapo ang tingin ni Daddy sa amin.

"Dad..." Tawag ko at agad na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. He smiled at me at bumaling kay Clicko.

"Good evening Governor." Bati ni Clicko kay Daddy. Tumawa si Daddy at tinapik sa balikat si Clicko.

Napalunok ako nang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Clicko. Shit. What about Brooklyn? Sasabihin ko na ba ngayon na kami na ni Clicko? Paano iyong usapan naming dalawa?

"Governor, since you're already here. I wanted you to know that Heanndra is my girlfriend." Diretsang sabi ni Clicko kaya halos malaglag ang panga ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilipat ang tingin kay Daddy na wala man lang reaksiyon sa mukha. Napakagat ako sa labi ko nang tumingin si Dad sa akin at huminga ng malalim.

"I'm glad you choose Clicko, Heanndra. He's a good guy, I've been trusting him for years already." Ngiti ni Daddy at tumango pa kay Clicko.

What? Ganoon lang iyon? Paano si Brooklyn? And Dad even smiled. A brighter smile! Simula ng dumating ako dito ay never ko pa siya nakita na ngumiti ulit ng ganyan. The last time I saw it was when they went to California for Mom's birthday. Binigyan nila ng surprise birthday party si Mommy. When he saw mom's teary eyed ay iyon ang ngiti na ipinakita niya.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now