Kabanata 29
"Are you sure you're gonna be fine there?" nilingon ko si Kuya Commulus na nasa tabi ko nakaupo. Papunta na kami ngayon sa school. Maaga pa naman para sa oras na sinabi sa amin sa aming assembly time. Today is the day that we've been waiting for.
Napairap ako. Nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako sumabay sa sasakyan niya. Naka-ojt yata siya ngayon sa company ni Dad sa Bacolod na branch. It's a banking industry. Nakisakay lang ako dahil iyon ang sabi niya. Hindi ko naman alam na papaulanan niya pala ako ng sermon niya.
And another thing is kanina niya pa kasi sinasabi at pinipilit na ipapahatid niya na lang ako sa West at ilang ulit din akong tumanggi.
Sabay sabay kaming lahat na pupunta doon. Kasama namin ang basketball at volleyball team ng school para sa practice game. We're all going to use the three school bus of the school.
"Kuya I'm not a kid, okay? Besides, ayokong maiba sa kanila. May school bus naman eh," tanggi ko ulit sa kanya.
"Bakit ka naman maiiba? You have the means to be there without riding the school bus kaya bakit ka makikisali sa siksikan doon kung pwedi ka namang ihatid ni Kuya Sandro?" pagpupumilit niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating na sa school. I waved him goodbye at saka umalis na.
"Call me when you change your mind.." pahabol niya na binaba ang bintana ng sasakyan kaya napairap ulit ako.
Bakit ba ang tigas ng ulo ni Kuya? Manang mana talaga siya kay Dad. Kumaway ulit ako sa kanya at saka tiningnan siya na makalayo sa gate ng school.
Naglalakad ako sa field nang makita si Sarah na kumakaway sa akin sa booth. Kasama nilang dalawa ni Kaz iyong ibang Juniors. Siguro, ibibilin na nila ang booth sa mga ito. Lumapit ako doon at binati ako ng iilang mga Juniors na nandoon. Hinintay kong matapos sila sa pakikipag-usap at sabay kaming naglakad sa ibang booths sa paligid.
"So how was the booth?" basag ko sa katahimikan naming tatlo.
"It's great. Naorient na namin iyong mga Juniors kung ano ang gagawin.." sagot ni Kaz.
Tumigil kami sa isang bleacher at naupo doon. Tanaw na tanaw namin ang kabuuan ng field. Second day pa lang foundation week kaya marami pa ring mga booths ang nakatayo. Ten o'clock na ng umaga kaya naman parami na ng parami ang mga tao.
"Ang aga mo naman yata? Mamayang three o'clock pa ang assembly time ninyo di ba?" tanong ni Sarah habang kumakain ng cotton candy.
Hindi ko nga rin alam eh. Naisipan ko lang na pumunta dito dahil wala naman akong gagawin sa bahay. I felt like made-drain lang ang buong energy ko kapag nanatili ako doon at walang ginagawa.
"By the way my mom wanted me to give this to you. Kainin mo daw.." napasulyap ako kay Sarah habang may kinukuha siya sa bag niya.
"That's egg rolls. Nabanggit ko kasi na may practice game ka today kaya pinabibigay niya sa'yo" I smiled when I heard it.
Masarap magluto si Tita Carmina kaya naman wala akong pinapalagpas na pagkain na binibigay ni Sarah sa akin. Gusto ko na nga lang minsan tumira sa bahay nila dahil palagi akong busog doon at palaging may makakausap ka dahil nandoon ang mga Tito at Tita ni Sarah. Hindi tulad sa bahay na pwedi mo ng kausapin ang pader sa sobrang boring ng paligid.
"Tell Tita Carmina, thanks" sagot ko at agad kinuha ang lalagyanan na may egg rolls sa loob. Kakainin ko ito mamaya.
"Good thing mamaya pa ang practice game ninyo Heanndra. Makakanuod ka pa ng fancy drill ng mga taga-criminology department!" tili ni Kaz sa gilid ko. Hindi naman halatang excited siya, noh?