Kabanata 43

277 10 4
                                    

Kabanata 43

"What are you doing in my house?"

I stopped from eating the popcorn at sinundan ng tingin si Neil na kakadating lang galing sa trabaho. He looks so hot wearing a polo tucked in his blue jeans.
Ngumisi ako habang isa-isa na sinusubo ang popcorn na kinuha ko sa bowl na nasa harap ko.

"Wala kang trabaho sa Zeal?" Tanong niya ulit sa akin.

Tumigil ako sa pagkain at tiningnan ang suot ko. Isn't it obvious na galing din akong trabaho dahil sa suot kong bandage skirt and a halter top loosely hanging on my body?

"Of course meron. Iyong bahay mo ang pinakamalapit sa opisina ko kaya pumunta na ako dito." Nababagot na sabi ko.

"Pinakamalapit? This is a three hours drive from your office, Heanndra. Niloloko mo naman ako eh." Aniya na kinakalas ang unang tatlong buttons ng kanyang polo.

"Nakakainis kasi iyong mga expat na clients namin! Imbes na matuwa ako dahil pinagkatiwalaan nila ang kompanya ko sa pagte-training ng mga kabataan nila ay halos pumutok pa ang ugat ko sa katawan dahil sa galit. Eh, ambabastos! They're checking me out while the meeting is on going!"

I'm talking about the foreign investors na may ari ng iba't-ibang universities dito sa California. They're trusting us their varsity athletes because our company is one of the leading athletic clothing lines internationally. We sponsor some olympic athletes too and I'm proud to say na isa ako sa founder ng kompanya.

Natigil siya sa paghubad ng kanyang polo at tumawa. Pumasok siya sa kanyang kwarto at pagkalabas ay nagsusuot na siya ng kulay puting t-shirt.

"Their mentality is whack. Just because you wear something like that they must be thinking you are seducing them."

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya at tiningnan ang suot kong damit. This is an office attire. I feel good with what I'm wearing. Well, medyo sexy siyang tingnan dahil naka-deep v-neck ito but my cleavage isn't even showing. Bastos lang talaga iyong mga expat clients namin kanina.

Napapikit ako ng maalala ang nangyari kanina. I'm the CEO but I stormed out of the board room dahil ayaw kong makapatay ng kliyente. Binilin ko na lang kay Olem, my secretary the rest of the meeting.

"Excuse me? I'm wearing a decent clothing. Ito ang mga damit na isinusuot ko araw-araw sa office." Umirap ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang malapad na sofa.

Tanaw na tanaw ko dito sa glass wall ng bahay niya ang kulay asul na dagat. It's one of the reasons kung bakit dito ko gusto pumunta lagi dahil bukod sa malayo ito sa siyudad at tahimik, malapit pa ito sa beach at maraming pagkain si Neil dito. Orange County is indeed one of the best places here in California.

My house is in the city. Although, medyo magkapareho ng interior iyong bahay ko sa kanya but his is way better. I'll tell mom na lilipat na rin ako dito sa susunod. I don't care if it's a three hours drive from the city. I'll just use the chopper then, para thirty minutes lang ang biyahe papunta sa opisina.

"I'm thinking that I should just kill them but they're still clients kaya kailangan pakisamahan." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya at tinatanaw pa rin ang asul na dagat.

Narinig ko ang ingay ng mga pinggan at kubyertos sa likod kaya nilingon ko siya sa counter top ng kanyang kusina. Napangiti ako ng makita siya na naka-apron na at may hawak na na kutsilyo. He's going to cook pasta for me. Iyon ang pinangako niya sa akin noong isang araw.

Good thing, I went here.

"Well you can actually kill them. Kaya mo naman ipagtanggol ang sarili mo sa korte. You're a lawyer afterall." Seryoso na sabi niya habang humihiwa ng mga kailangan sa lulutuin niya.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now