Chapter 3 - HIS side

18 2 0
                                    

"Anak sino yang nasa likod mo?"

Likod? Eh parang wala naman akong nararamdaman nasa likod ko kanina ah? Hindi kaya...

Hindi kaya, nakikita nila si Mike? Pero bakit ako hindi ko sya nakikita?

Lumingon ako sa likod ko para malaman ko ang sagot.

o_O

Anong ginagawa nya dito? Sinusundan nya ba ako?

"Pa hindi ko po sya kilala. Baka napadaan lang po. Hayaan nyo na po sya. Tara na po sa loob."

Pero nakatingin pa din si Papa dun sa lalaking wagas makatingin.

Hay! Ano ba kasing ginagawa nya dito?

Kanina grabe sya makatingin hanggang sa jeep. Tapos ngayon naman sinundan nya ako.

Ano bang ginagawa nya?

"Hijo? Sino ka? Kakilala ka ba ng anak ko?" Tanong ni papa.

"Hindi ko po sya kilala pero gusto ko po syang kilalanin. Sinundan ko po sya para malaman kung saan ang bahay nya. Para po mapupuntahan ko na po sya sa susunod ng ako lang magisa at hindi ko na sya kailangan sundan. Ako nga po pala ang magiging asawa ng anak nyo at magmamahal sa kanya totoo , Ako po si Marcus. Cge ho, Napadaan lang po ako. Alis na po ako agad." at umalis na sya bigla.

Hindi ko naintindihan yung mga sinabi nya. Wala ako sa sarili ko ngayon at medyo magulo. Tss.

"Anak..." Tawag sa'kin ni Papa habang nakatulala pa rin.

"Po?" sagot ko.

Ngumiti sya sa'kin.

"Wala." Sabi nya habang nakangiti pa rin.

Marcus' POV

Haist! Ano bang sinabi ko?

Ang weird ko ngayon. Tinitigan ko na nga sya kanina sa school, sinundan ko na sya hanggang sa bahay nila, tapos nasabi ko pa yung mga bagay na yon!

Masyado ata akong na-attract sa kanya.

Ang ganda nya kasi. Tsk. Hindi ko maintindihan. Love at first sight ba 'to? Ang corny! Putek.

_______

Papasok pa lang ako ng room ay iisa lang ang nasa isip ko.

Kailangan kong makausap si Matthew tungkol sa nararamdaman ko.

Nakita ko sya agad na katabi si Kenneth, kaibigan din namin.

Sa unahan sila nakaupo tapos ako, tumabi ako dun sa babaeng sinundan ko kahapon. Pero hindi nila alam na yon ang dahilan ko kung bakit ako dun umupo.

Nag fist to fist kami ni Kenneth.

"Oy Matteo!" tawag ko kay Matteo na busy sa pagtetext. Tss.

"Tss. 'Matthew' ang pangalan ko. Lagi mo nalang ako tinatawag na 'Matteo'." inis na sagot nya.

"Tss. Pareho din yon. Nga pala, Ano bang feeling pag na-love at first sight ka?" Tanong ko.

Napatigil sila bigla at napatingin sa'kin. Bakit? Anong masama sa tanong ko?

"Pfft---Bwahahahahahahahahahahaha!" Tawa ng tawa si Kenneth.

Ano bang nakakatawa? Tsk.

Binatukan sya ni Matthew at napatigil naman sya.

"Bakit? Kanino ka na-love at first sight?" -Matthew

"Kilala mo ba yung babae singkit na katabi ko?"

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon