PAIN AND LONELINESS
Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Parang nagfaflashback lahat sa'kin yung mga plano sana namin.
"Anak sigurado ka bang handa ka na? Pwede namang bukas ka nalang magstart. Orientation pa lang naman ngayon." sabi sa'kin ni Mama.
Masyado na naman siguro napalalim ang iniisip ko.
"Hindi po. Ok lang po ako." sagot ko kay Mama.
*Sigh* Hindi ko maiwasan na hindi sya maalala.
First day ko bilang isang college student.
Papasok na ako ngayon sa university kung saan nagtatrabaho si Mama. Dapat sabay kaming magaaral dito ni Mike. Ang dami naming plano noon... Plano na nauwi lahat sa wala.
Kinulbit ako ni Mama kaya napansin kong tumigil na pala yung jeep.
"Anak, baba na tayo. Ang lalim na naman ng iniisip mo."
Pumunta na ako sa first period ko.
Pero pagdating ko dun, wala pang tao kaya naupo nalang muna ako.
Ang tahimik. Wala akong makausap. Siguro kung andito lang sya ngayon, kanina nya pa ako kinulit ng kinulit. Alam nya kasing mabilis akong mabored. Lalo na pag sobrang tahimik.
Nakatulala lang ako sa pinto nang biglang may pumasok na lalaking mukhang may tama sa utak.
Nakashades sya at nakashorts na floral tapos naka-sando. Idagdag mo pa ang backpack nya na ubod ng dami ng laman.
Sinong matinong studyante ang papasok sa school na akala mo ay beach ang pupuntahan? Tss.
Kung andito lang si Mike, sabay kaming matatawa dahil sa kanya. Pero sa ngayon, hindi ko magawang matawa.
Haist! Mike! What have you done?
Maya-maya may pumasok ulit. Madami sila tapos puro sila lalaki. Hindi ko alam na marami palang lalaki sa Psych.
Akala ko kasi karamihan ng lalaki ayaw ng course na 'to dahil masyadong serious at walang thrill.
Hindi din nagtagal nagsimula na ang class. Pero hindi yung talagang lesson, parang orientation lang about sa subject tapos info about sa teachers etc.
Pero hindi ako masyadong nakapagfocus dahil may katabi akong lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa'kin. Ewan ko ba, pero natatakot ako.
Nung bata ako merong lalaking matanda tapos tingin din sya ng tingin sa'kin tapos muntik na nya akong mahipuan pero tumakbo agad ako. Pero baka hindi lang yun ang nakuha ko kung hindi ako tumakbo.
Kaya ngayon, hindi ko maiwasang hindi matakot. Pero pinipilit ko nalang na ma-divert yung attention ko.
_______
Nung natapos na lahat ng class ko for today, pinuntahan ko lang si Mama sa office nya para magpaalam na uuwi na ako.
Sumakay na ko ng jeep at naramdaman kong nakatitig sa'kin yung katapat ko.
Tumingin ako sa kanya at...
O_O
Hanggang dito ba naman? Sya yung katabi ko kanina na wagas makatingin.
Ngayon natatakot na talaga ako. Hindi ko intensyon na mambintang pero...
Hindi kaya sinusundan nya ko?
Haist. Umiwas nalang ako ng tingin. Bahala sya.
Dahil madadaanan naman ng jeep ang Memorial Park, I decided na puntahan si Mike dahil hindi ko sya napuntahan kaninang umaga.
Nakarating ako sa puntod ni Mike. Pero pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Andito kaya si Mike? Sya kaya yon?
Mike, kung ikaw yan, Sige. Tingnan mo lang ako. Tingnan mo kung gaano ako nasasaktan... Baka pag nakita mo ako ngayon, baka sakaling bumalik ka para hindi na ko masaktan ng ganito.
At dahil don, Tumulo na naman ang luha ko at nagsunud-sunod na.
Kelan kaya 'to matatapos? Hanggang kelan ako masasaktan?
_______
Pagkatapos nun, umuwi na ko sa bahay.
Hindi ko nga namalayan na nasa subdivision na pala ako. Para akong zombie. Wala akong kabuhay buhay.
Nagdoorbell na ko at nakita kong lumabas si Papa para buksan yung gate.
"Anak sino yang nasa likod mo?"
Likod? Eh parang wala naman akong nararamdaman nasa likod ko kanina ah? Hindi kaya...
Hindi kaya, nakikita nila si Mike? Pero bakit ako hindi ko sya nakikita?
_____
@MeYahzen
BINABASA MO ANG
The Mentior Love
Fiksi RemajaAnong mararamdaman mo kung malaman mong ang 'Almost perfect lovestory' nyo ay peke lang pala?