Chapter 14- Fight

2 0 0
                                    

Third person's POV

Pagkatapos manggaling ni Veriezze sa bahay nila Mike, pumunta naman sya sa puntod nito. Gusto nya lang ito kausapin kahit alam nyang napakalabong sumagot nito.

Umupo si Veriezze sa tapat ng isang malaking palapad na semento... Ang tanging semento na nakakasakit sa kanya tuwing nakikita nya.

Tinanggal nya ang mga duming nakalagay dito pagkatapos ay tinitigan lang ito.

"Ano nang gagawin ko?" Sabi nya sabay Nagpakawala sya ng isang tawa, isang mapait na tawa.

"Araw-araw nalang na yan ang tanong ko Mike. Ano na nga bang susunod kong gagawin? Anong dapat kong gawin?"

"...Sino ba Mike? Sino na?"

"Bakit nga ba hindi nalang ako?"

May biglang nagsalita sa likod ni Veriezze kaya napalingon sya.

At nakita nya si Marcus... Ang taong nagtyatyagang ligawan sya, ang taong nandyan lang sa tabi nya at ang taong nagmamahal sa kanya.

Tumayo sya at tiningnan si Marcus.

"Anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ba ko?" Tanong ni Veriezze

"Bakit hindi nalang ako Veriezze? Kelan mo ko pipiliin? Kelan magiging 'Marcus' ang sinisigaw ng puso mo? Kulang pa ba ang pinapakita kong pagmamahal sayo? Hindi pa ba sapat para piliin mo ako?" Malungkot ang pagkakasabi ni Marcus. Tipong tutulo na ang luha sa mata nya anumang oras. Ngayon lang sya naging ganto kaseryoso at kalungkot.

Ayaw nya mang aminin sa sarili nya, pero nakakaramdam na rin sya ng pagod. Ginagawa nya lahat pero parang kulang pa rin talaga... Parang balewala lang lahat para kay Veriezze.

"Marcus... Hindi ganon kadali... Gulung-gulo na ko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Kung anong dapat piliin... Kung anong dapat gawin. Gulung-gulo na ko Marcus! Alam mo ba yon? Dahil kahit anong gawin mo, kahit anong pilit mo na ipakita sakin yang lint*k na pagmamahal mo, si Mike pa rin ang naaalala ko! Si mike pa rin ang nakikita ko!"

Napatungo si Marcus sa narinig nya.

"...At sya pa rin ang mahal mo diba? Diba Veriezze?" Sabi nya at tumingin sya ng diretso kay Veriezze.

"Ano pa bang kulang?! Sabihin mo kasi para hindi na ko nahihirapan ng ganito! Kung wala talaga akong pag-asa, sabihin mo! Para hindi ako nagmumukhang tanga dahil sayo!" Sigaw ni Marcus.

Nakatanggap sya ng isang malakas na sampal galing kay Veriezze.

Nagulat silang pareho. Si Marcus, nagulat dahil sa mga nasabi nya...Kusa nalang yon lumabas sa bibig nya ng hindi nya namamalayan. At si Veriezze, dahil nasampal nya si Marcus. Eto na nga si Marcus at minamahal sya kahit hindi nya ito masuklian pero anong ginawa nya?

Dahil sa gulat, tumakbo si Veriezze paalis sa harap ni Marcus.

Gustong habulin ni Marcus si Veriezze pero pinili nyang wag nalang itong guluhin muna.

Siguro nga kailangan muna nito ng oras.. Siguro nga kailangan nito marealize kung gaano nga ba sya kaimportante sa buhay nya.. At kung sino nga ba ang dapat piliin sa dalwa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon