Chapter 7 - New friend? New Lover?

13 2 0
                                    

Miella's POV

Andito kami ngayon sa cafe malapit sa school.

Niyaya kasi ako ni Kenneth na pumunta dun. Eh alangan namang iwan ko si Sissy diba? Kaya sinama ko na sya. Hindi ko alam na kasama pala si Matthew at Marcus. Akala ko kasi si Kenneth lang.

I can't explain the feeling whenever I'm with him. Ilang araw palang kaming magkakilala pero ganto na agad kami. Malandi sa paningin ng iba pag ganto. Pero sa'kin? I think it's LOVE.

Anong meron sa'min ni Kenneth?

Well, Mutual Understanding I guess.

Eh si Marcus at Sissy kaya? Kelan kaya magkakaron ng 'Sila'?

Hindi naman sa gusto kong mapalitan agad ni Sissy si Mike. I know it takes time. Pero sana someday magawa nyang magmahal ulit.

Napatingin ako sa part nila Marcus. Nakita kong siniko sya ni Matthew tapos pinanlakihan din sya ng mata. Anong nangyayari sa mga 'to?

Ganto ang pwesto namin ngayon. Pabilog yung table kaya madali lang makita yung mga ginagawa nila.

               Ako - Kenneth 

   Vacant          -              Matthew

              Sissy  -  Marcus

Maya-maya nakita kong parang hindi mapakali si Marcus.

Anong nangyayari dito? Mukha syang natatae na ewan.

"Ah.. Uhm... Veriezze.. Can you be... Can I... Ugh!" paputol putol na sabi ni Marcus na lalong nagpa weird ng image nya. Hahaha! Mukha kasi syang ewan ngayon eh.

Si Sissy naman hindi mo maintindihan ang reaksyon. Hahaha!

"Ano? Ituloy mo Marcus! Hahaha!" Pangaasar pa ni Kenneth.

Tinabig ko sya sabay sama ng tingin sa kanya na parang sinasabing 'Wag mo nang asarin! Kinakabahan na nga eh.'. At parang nakinig naman sya.

"Uhm... C-can... *Inhale* *Exhale* Can we be friends?"

Eh? Dahil lang dun, kinakabahan na sya? Akala ko naman kung ano na. Kakaiba talaga sya!

Veriezze's POV

"Uhm... C-can... *Inhale* *Exhale* Can we be friends?"

Nung narinig ko yon, parang bigla akong nabuhayan ng loob. Ewan ko ba..

Ever since mawala si Mike, wala na akong tinuturing na Kuya. Namimiss ko yung feeling na may isang lalaking alam mong yayakapin at dadamayan ka kahit anong mangyari... Na andyan lagi pag may problema ka.

Alam kong andyan naman si Miella at iintindihin nya ako no matter what. Pero iba talaga ang feeling na bukod kay papa, may iba pang lalaking malabo akong iwanan.

"S-Sure." sagot ko at bigla nalang nagtatalon si Marcus tapos bigla nya akong niyakap.

"Ugh.." Hindi nalang ako makapagsalita dahil sa ginawa nya.

"Dahil kaibigan na naman kita, ok lang naman siguro kung i-hug kita diba? Friendly hug lang naman." sagot nya habang nakayakap pa din sa'kin.

Nung umalis sya sa pagkakayakap sa'kin, napatingin ako sa mga kasama namin na natahimik.

Si Miella nakangiti lang, si Kenneth naglalaro ata sa cellphone nya tapos si Matthew halos patayin sa talim ng tingin nya si Marcus.

Bakit naman kaya?

________

Nakaupo lang kami sa room ngayon at nagiintay ng susunod na prof.

*Sigh* Bakit ba ang tagal nya? Nakakainip naman. Alam nyo namang pag naiinip ako kung anu-ano ang naaalala ko eh. >_<

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon