Chapter 8 -Sudden Changes

13 3 0
                                        

"Ate Veriezze! Andito yung--- Ano ngang pangalan mo?---- Ah. Ayun! Marcus daw! Sinusundo ka ata!"

Kung gusto nyong magtanong kung sino yon, si Jill yon. Alam ko na kasi sa boses ng kambal kung sino si Jack at kung sino si Jill.

Pero ano daw? o.o Sino daw yon?

"Jill sinong andyan?!" Sigaw ko sa kanya dahil baka mali ang rinig ko kanina.

"Marcus daw! Bumaba kana daw ate sabi ni mama!"

So andito nga sya? Bakit ganon? Sanay naman akong may sumusundo dati sa'kin pero bakit parang naninibago ako ngayon?

Dati kasi halos araw-araw sinusundo ako ni Mike kahit nung hindi pa kami. Kahit nung bestfriend ko palang sya lagi na nya akong sinusundo. Tapos ngayon... may isa na namang lalaki ang napapalapit sa'kin. Halos ginagawa nya lahat ng ginagawa ni Mike dati sa'kin.

.....

.....

Possible kayang.... Tss! Ano ba 'tong iniisip ko? *Shakes Head*

Bakit ko naman sya naikukumpara kay Mike?

Iba si Mike at Iba sya.

Pero iba nga kaya?

*Tok tok*

Napalingon ako sa pinto at binuksan yon.

"Veriezze bakit hindi ka pa nababa? Kawawa naman si Marcus kung pagiintayin mo. Baka ma-late yon. 8 ang first class nun." -Mama

"Mama? Alam nyo talaga ang schedule nya? =_="

"Ah... Hehe! Syempre naman! ^_^ Hawak ko kaya schedule ng lahat ng students."

Tss. Bakit naman alam ni Mama schedule ni Marcus? Imposible naman kasing saulo nya lahat ng schedule namin diba? =_=

Bumaba na kami at nakita ko na ang gwapong si Marcus.

O.O Anong sinabi ko? Gwapo sya? Eh totoo naman kasi eh. Pero yun lang yon gwapo lang sya TAPOS. Wala nang kasunod yon. -.-

"Bakit mo ako sinusundo?" tanong ko nung makalapit ako sa kanya.

"Wala lang. :-D Ang aga ko kasi masyado umalis ng bahay eh."

"Hmm? Pwede namang sa iba ka nalang pumunta. Dito talaga samin?"

"Eh dito malapit eh. Oh ano? Tara na?"

Tiningnan ko lang sya na parang sinasabi na 'Mga palusot mo!'.

Teka?! Edi parang nagaassume ako na sinadya nya talagang puntahan ako? Ganon? -.- Ano bang nangyayari sa'kin? *Shakes head again*

"Tara na nga! Ma alis na po ako!"

Sabay lakad ko na palabas dahil nga hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin.

"Tito, Tita alis na po kami. Hatid ko na lang din po mamaya si Veve." Narinig kong sabi ni Marcus. Haay! Bakit ba ganyan sya? Nakakahiya kina Mama at Papa. Tinawag nya pa akong 'Veve'. =_=

"Hoy Marcus wag mong gagawan ng di-kanais nais yang anak ko ha! Kung hindi..." Haay! Nako naman! Isa pa 'to si Papa. Akala mo naman kung ano ko si Marcus kung makapagbilin!

"Opo!" Isa pa 'tong si Marcus! Sumasagot pa! -.-

Nang makalabas sya, Sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Bakit?" tanong ni Marcus na akala mo inaapi dahil sa tono ng boses nya ngayon.

"Tss. Tayo na."

"Huh? Hindi pa kita nililigawan tapos tayo na agad? Sabagay... Ok din yon. :-D"

=_=

"Aiiissh! Sabi ko tara na! Kung ano-ano iniisip mo!"

":333 Cge na. (_ _) Tara na."

Lumakad na sya tapos ngayon ko lang napansin na may kotse sa harap ng gate namin. Lumapit sya don tapos binuksan nya yung passenger's seat. So dala nya nga yon?

"Marunong ka magdrive?" tanong ko dahil wala sa mukha nya na isa syang matinong driver. -.-

"Oo naman. :3 Tsk. Wala ka talagang tiwala sa'kin :-(......

Oh sakay na." sabi nya habang nakabukas ang pinto ng kotse.

Pumasok na ko dahil baka malate na kami.

"Araw-araw na kitang susunduin ha?" Sabi nya nung nakapasok na sya.

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"Alin? Yung pagsundo ko sayo? Ewan ko din eh. Marami yata kasi kaming pang gas. Kaya ata ginagawa ko 'to."

=_= Hindi na nga ako magsasalita. Wala din naman akong makukuhang magandang sagot.

_____

Pagdating namin sa school, kinuha nya yung bag ko tapos sya ang nagbitbit nun.

Ako lang ba?

o talagang para syang boyfriend ko kung umasta ngayon?

Scratch that... Manliligaw muna pala bago boyfriend.

______

"Sissy bakit kayo sabay dumating tapos bitbit nya pa yung bag mo?" nagtatakang tanong sa'kin ni Miella.

"Hindi ko din alam." Sabi ko nalang dahil hindi ko naman talaga alam.

"Is there something going on between the two of you?" -Miella na may nakaka ewan na ngiti.

"Wala! Ano bang dapat magkaron kami?"

"Hmm... Wala? Ata? Hihi! ^_^"

"Bakit para kang kinikilig?"

"Wala ulit? Hehe!"

Tss. Ang labo nya ngayon. 'Nila' pala! Ang labo NILA ngayon.

_____

Nandito lang ako sa kwarto ko ngayon at ginagawa ang mga dapat gawin.

Pero sa totoo lang, hindi ako masyadong makapagconcentrate. Iniisip ko yung mga nangyaring 'Kakaiba' kanina.

Pakiramdam ko nasa isa akong palabas kung saan perfect ang lahat. Yung tipong wala ka nang hihilingin pa.

Tsk. >_< Ano ba 'tong sinasabi ko? Kasalanan 'to lahat ni Marcus eh. Kung ano-anong ginagawa nya sa'kin... Ayan tuloy.

Pero kahit kakaiba yung mga nangyari, bakit pakiramdam ko sobrang saya ko? Nasasabi kong perfect ang lahat pero hindi ko din alam kung bakit. Katulad nga ng sinabi ko kanina, parang wala na akong mahihiling pa.

Haay! Isa na namang imaginasyon 'to. Baka nagiging OA lang ako.

*Door opens*

"Veriezze..." Narinig kong tawag ni mama na kapapasok palang.

"Bakit po?"

"Kamusta kayo ni Marcus?"

"Kami po ni Marcus? Ayun... Weird pa din sya. Tapos mas naging weird sya kanina. His acts... The way he treats me... Kakaiba mama. Tapos parang ako, nababaliw na. Masyadong nagiging perfect sa paningin ko ang lahat kahit hindi naman talaga."

Ngayon nalang ata ulit ako nakapagkwento ng ganito kay Mama pagkatapos mawala si Mike. Simula kasi nun, parang hindi na ako lagi makapagsalita.

"Edi maganda... Maganda kasi hindi ka na nadedepress diba? Hindi ka na masyadong malungkot. Ibig sabihin maganda pala ang epekto ni Marcus sayo? Bakit hindi mo subukan?" Sabi ni Mama na may nakakalokong ngiti.

Eto na naman sila. Subukan? Sinubukan ko na dati pa... Sinubukan ko nang makipagkaibigan sa kanya kahit medyo naghehesitate pa ko.

May iba pa ba akong dapat subukan bukod sa pagiging magkaibigan namin?

_____

@MeYahzen

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon