Chapter 9 - You need to change

9 1 0
                                    

Marcus'  POV

(Several months after)

*Kriiiing*

Napatingin ako sa phone ko na nagriring.Natawag si Mama kaya sinagot ko yun at ni-loudspeaker. Nagdadrive kasi ako ngayon papunta kila Veve.

"Yes Ma? Need anything?"

(I just want to remind you about the dinner later. Don't be late!)

Sh*t. Oo nga pala. Balak ko pa man din itakas saglit si Veve para magdate kami. Balak ko mamayang gabi yon. Paano yan?

"Uh... Mama nalimutan ko kasi talaga.. May nakaset akong pupuntahan mamaya. Pwede bang next time nalang ako?"

(No! Stated yan sa rules. According to House rule no. 1234, If family date is set, Everyone is REQUIRED to attend. At nakalagay din sa House rule no. 0123, Whoever tries to disobey House rules will be given a punishment. Punishment will depend on the disobeyed house rule.)

"Yes Ma.. Hindi ko nakakalimutan ang mga yan. No need to mention it. Basta Ma, I'll try."

(Don't try Thiel... Do it.)

"Bye Mama."

Dinner date... Bakit ko ba nakalimutan? Inis naman oh. Every month kasi may Dinner date kami.

Tsk. Isama ko nalang kaya si Veve sa dinner mamaya?

Hmmm... pwede.. Wala namang rule na bawal magsama ng outsider sa dinner date eh.

Bumaba na ko dahil andito na ko sa tapat ng bahay nila Veve.

Nung nakapasok na ko, syempre agad kong hinanap si Veve. Pinagpaalam ko na din siya kina Tita at Tito.

Sinabi ni Tita puntahan ko nalang daw si Veve sa kwarto nya. Pero bago yon, tinanong muna nila ako kung bakit daw 'Veve' ang tawag ko kay Veve. Ang sinabi ko lang naman ay...

"Veve- Short for Veriezze lang po. Wag po muna kayong magassume na may endearment na ako na sweet sa anak nyo dahil hindi pa po kami. Hayaan nyo po... Magiging kami rin balang araw. :-D"

Sinamaan lang naman ako ni tito ng tingin. Hindi ko alam kung bakit. :(

At ayon nga. Umakyat na ko sa kwarto ni Veve at kumatok na. Binuksan nya naman agad yung pinto.

"Bakit ka andito?" tanong nya nang mabuksan nya yung pinto.

"Sinusundo ulit kita. :-D"

"Sa baba ka nalang maghintay. Bababa na ko."

"Dito muna ako. :3 Pwedeng papasok?"

Tutal tapos na naman ata syang magbihis kaya pwede na siguro akong pumasok.

"Tsk. Hindi ako nagpapapasok ng lalaki sa kwarto ko."

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba nalang.

_____

Veriezze's POV

Natagalan ako bago bumaba kasi iniisip ko pa kung bakit ako naguguluhan.

Hindi ko alam kung bakit madaling nakuha ni Marcus yung loob ko.

Dahil ba sa sya talaga si Marcus?

O dahil nakikita ko si Mike sa kanya?

Lahat kasi ng ginagawa ni Mike dati sakin, ginagawa nya din ngayon.. Lahat ng makakapagpaalala sakin kay Mike, ginagawa nya.

Tulad nalang nung Superman na kanta. Mike also used to sing that for me. At yun ang kinanta nya nung nagconfess sya sakin. Tapos yung paghalik sa kamay, Ganon si Mike sakin dati. He never kissed me on the lips... Laging sa kamay at noo lang. Tapos yung pagpapadala lagi ng bouquet at ang hindi paglalagay ng pangalan nya dun sa 'From:' kahit sa kanya talaga galing. Pati na rin yung pagtawag sakin ng 'Julia' dahil mas maganda daw yun.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang madidiscover ko na ugali nya na ugali din ni Mike.

Pagbaba ko nakita kong nakikipagusap yung mga kapatid ko kay Marcus.

Napakaclose nya na ata masyado sa pamilya ko? Sabagay, ganyan din si Mike eh.

Tsk! Nacocompare ko na naman sya kay Mike! Tsk.

"Tita, tito alis na po kami ni Veve. Hatid ko nalang po sya ulit mamaya." paalam ni Marcus kay Mama at Papa

"Cge. Ingat kayo ha?" sabi ni Mama

"Opo."

At umalis na kami. Nang makasakay na kami sa kotse nya.

Sinabi ko na ang gusto kong sabihin kanina pa.

"Marcus... Pwede bang baguhin mo yung way ng pagtrato mo sakin?"

Halatang naweirduhan sya pagkasabi nun. Expected ko na ang reaction nya kasi kahit ako man nawiweirduhan din sa sarili ko.

"Huh? Bakit? Ayaw mo ba ng ganito?"

"Hindi. In fact, ang bait mo nga eh. Oo.. Weird ka minsan pero mabait ka naman. It's just that... your acts, your style and everything that you do... It reminds me of someone."

Weird... Weird nga ba sya? O baka naman weird lang sya minsan dahil hindi ko alam yung nasa isip nya. Yung tipong hindi lang talaga kami pareho ng taste pagdating sa mga bagay bagay kaya nasasabi ko na weird sya. Tsk. Magulo ba? Ewan... Naguguluhan din ako eh.

"Weird ba ako? Naging ganto lang naman ako simula ng makilala kita. Parang naapektuhan mo yung utak ko."

"Bakit naman kita maaapektuhan? Importante ba akong tao sa buhay mo para maapektuhan kita?"

"Hindi... Dati hindi. Pero ngayon, Oo. Isa ka sa pinakaimportante." sabi nya sabay titig sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na naman nagugustuhan ang mga natakbo sa utak ko.

"M-Magdrive ka na nga lang... baka mabangga pa tayo sa ginagawa mo eh."

And through my peripheral vision, I saw him smiling at me. Ewan... but I feel something... Weird?

Tsk. Sino bang dapat magbago? Sya ba talaga? O ako?

_____

Anong gusto nyo? Weird Marcus? O Serious Marcus?

@MeYahzen

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon