Chapter 10- Dinner Date

13 3 0
                                    

Sa wakas uwian na. Hindi ko kasabay si Miella dahil kasama nya si Kenneth. Pupunta muna ako ngayon kay Mike bago umuwi.

Naglalakad na ko nang....

"Aray! Ano ba naman yan!" napasigaw ako dahil may natakbo na bumunggo sakin. Nalaglag tuloy yung book ko sa sahig na may basa. ~_~ Tiningnan ko kung sino yung bumangga sakin. At nakita kong nakangiti sya ng nakakaloko sakin.

"Maaarcus! Yung libro ko! Ano ba kasing trip mo at binunggo mo pa talaga ako?!"

Pinulot nya yung libro ko at inabot sakin. Buti nalang hindi masyadong nabasa. Tsk.

"Sorry... (_ _)"

"Tsk. Bakit kasi nangbubunggo." sabi ko nalang at nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad.

"Uy wait! Ihahatid na kita!" Sabi nya sabay takbo papunta sakin.

"Wag na."

"Hindi pwede! Sinabi ni tito na ihatid kita eh."

"Edi kunwari nalang hinatid mo ako."

"Hindi pwede. Tsk. Mapapagalitan ako. Baka mapahamak ka pati. Concerned lang ako."

Humarap ako sa kanya. Yung mga mata nya naman parang nagmamakaawa na.

Kaya lumakad na ako papunta sa tapat ng kotse nya, alam ko naman kung alin dito yung kotse nya. Sumunod naman sya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nagdrive lang sya at napansin kong hindi ito ang daan papunta sa bahay namin.

"Hoy! Ano 'to? Saan mo ko dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ah?!"

"Eh... Isasama muna kita sa family dinner namin. Napagpaalam na kita kay Tito at Tita."

"Ayoko nga. Bakit mo naman ako isasama? Part ba ko ng family nyo?" pagtanggi ko pa rin

"Hindi. Pero magiging parte ka din ng pamilya namin balang araw."

"Bakit naman?" tanong ko. Kunwari hindi ko nakuha yung banat nyang yon kahit naintindihan ko naman talaga kung anong gusto nyang iparating. Hindi ko lang talaga alam kung anong irereact ko.

"Wala... Alam ko namang naintindihan mo."

"Hindi ah. Ibaba mo na nga ako. May pupuntahan pa ko mamaya eh."

"Cge na naman! Pumayag kana Veve oh!"

"Eh bakit ba kasi isasama pa ako?"

"Eh kasi gusto kong makasama yung special someone ko sa family dinner namin..."

Tsk. At nagpatuloy ang pagtanggi ko sa pagpunta sa family dinner nila pero sa huli...

"Uy! Wag nalang kaya? Bakit kasi kasama pa ako?" sabi ko habang naglalakad na kami papasok ng bahay nila.

Hindi ko alam kung bakit ako napapayag ni Marcus na sumama sa kanya. Basta ang tanging natatandaan ko lang papunta na kami sa bahay nila. Ni hindi nga lang kami nagpalit ng damit eh.

"Hindi yan. Baka nga matuwa pa sila dahil may kasama ako eh." Sabi nya habang nakatitig na naman ng kakaiba sakin. Tapos ngumiti sya at naglakad na ulit.

Hindi nalang ako umimik dahil ayoko nang tingnan nya ulit ako. Lagi kasi yung nauuwi sa pagtitig nya sa akin at may nararamdaman akong kakaiba. At ayokong maramdaman yung pakiramdam na yon... ewan ko kung bakit.

"Veve? Pasok na." narinig kong sabi ni Marcus at tsaka ko lang namalayan na nakatayo lang pala ako sa harap ng main door nila.

Naglakad na ako papasok. Kinakabahan ako... Ewan ko kung bakit. Siguro hindi lang talaga ako sanay na pumunta sa Family dinner ng iba.

Nang makita ko na ang dining table lalo akong kinabahan.

Teka... Bakit ba sobra ang kaba ko? Daig ko pa ang girlfriend na ipapakilala sa pamilya ng boyfriend nya. Tama... Dapat kumalma lang ako dahil sa mga panahong ito, ako ay isang simpleng kaibigan lang na ipapakilala sa pamilya ng kaibigan nya.

Nakita ko silang nakaupo na dun. Parang hindi nila napansin na dumating kami.

Niyapos ni Marcus yung medyo matandang babae dun. Mommy nya ata yun. May isang babae pa na nandito ngayon. Mukhang kapatid sya ni Marcus kasi magkamukha sila at parang mas bata sya samin. Tapos may isa ding medyo may edad na lalaki, parang sya naman yung daddy ni Marcus.

"Thiel... I said don't be late! Late ka pa rin." Sabi nung niyakap nya.

Thiel? Bakit Thiel ang tawag sa kanya?

"Sorry Ma." sabi nya na lang. Edi Mommy nya nga.

Lumapit naman sya sa daddy nya at niyapos din ito. Pero yung panlalaki na hug.

Tapos lumapit din sya dun sa kapatid nya ata at hinalikan nya sa noo.

Bigla kong naalala si Mike. How I missed him kissing me on my forehead. Hindi ko alam.. Pero parang unti unti ko nang nalalagay sa isip ko na wala na talaga sya.

Naramdaman kong hinawakan ni Marcus yung kamay ko at hinila ako para makita nila ako. Nakatalikod kasi sila sa pwesto ko kanina kaya hindi nila napansin na andun ako.

"Louisse, Mom, Dad, this is Veriezze, My friend... Well actually, special friend."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya ngumiti nalang ako sa kanila. Ngumiti lang din naman sila sakin.

"Hi! I'm Louisse." sabi nung kapatid ni Marcus.

"Just call me Tita Belle and call him Tito Miguel." nakangiting sabi nung Mommy ni Marcus.

"Thiel, Why don't you take a sit. Kanina pa kayo nakatayo dyan." sabi nung daddy nya kaya naman inalalayan ako ni Marcus para makaupo.

Nang makaupo kami ay nilagyan ako ni Marcus ng pagkain sa plato ko. Uhm.. Nakakailang. Nagsimula na kaming kumain.

"So... Paano naman bilang kaibigan itong si Thiel?" biglang tanong ng Daddy ni Marcus na nakatingin sakin.

"Uh... Weird po... At times."

Biglang silang tumawa lahat.

"Paano mo naman nasabi Hija?" tanong ng Daddy nya.

Kinuwento ko sa kanila nung sinundan ako ni Marcus pauwi at yung sobra syang makatitig sakin.

".... at nung tinanong po sya ng papa ko kung sino sya, ang sabi nya po ay..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Marcus.

"Hindi ko po sya kilala pero gusto ko po syang kilalanin. Sinundan ko po sya para malaman kung saan ang bahay nya. Para po mapupuntahan ko na po sya sa susunod ng ako lang magisa at hindi ko na sya kailangan sundan. Ako nga po pala ang magiging asawa ng anak nyo at magmamahal sa kanya totoo balang araw , Ako po si Marcus. Cge ho, Napadaan lang po ako. Alis na po ako agad."

Sinabi nya yung ekstaktong sinabi nya din nung araw na sinundan nya ko.

Bigla silang natahimik at napansin kong nakatingin silang lahat samin ni Marcus. Pero si Marcus sakin nakatingin.

"Ang galing... Tanda mo pa?" Nasabi ko nalang out of the blue dahil sa sobrang pagkailang.

"That was the most unforgettable line of my life... Kasi totoo lahat ng sinabi ko dun." sabi nya habang nakatitig pa din sakin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin... Kung anong dapat kong ireact... Kung dapat ba kong magreact kung paano talaga dapat ang reaksyon ng isang kaibigan,

O dapat ba kong magreact kung ano dapat ang reaksyon ng isang nililigawan.

_____

Please keep reading! :-))

Vote, comment and Be a fan. :-D

@MeYahzen

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon