A/N: Sorry sa typo and Grammatical errors kung meron man.
___
Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad.
Sobrang saya ko ngayon. Parang dati lang... Magkasama kami.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
Hindi sya sumagot at humarap lang sa'kin.
"Julia..."
Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Kailangan mo nang maging masaya. Pilitin mong maging masaya... Para sa'kin... Para sa'tin. Palayain mo na ko para maging malaya ka na. Ayokong mawala ka sa'kin pero kailangan. Kailangan tanggapin natin na hindi na tayo pwedeng magkasama ulit. Mahal na mahal kita Julia. Hinding hindi magbabago yan."
Bumitaw sya at lumakad na palayo.
Ewan ko pero...
Kahit gusto ko syang habulin ay hindi ko magawa.
Hindi ko alam kung bakit pero wala akong magawa kundi tawagin sya... Tawag na hinding-hindi na nya maririnig pa.
"Mike... Mahal na mahal kita..."
Binuksan ko ang mata ko kahit ayoko.
Dahil alam kong pag binuksan ko ang mata ko, hindi ko na sya ulit makikita. Wala na sya.
Napakahirap tanggapin na wala na ang mukha ng lalaking mahal ko pagmulat ko.
"Anak Magandang umaga! Bumangon kana dyan. Maraming naghihintay sayo sa baba!" Masiglang bati ni Mama sa'kin. Pero alam kong ginagawa nya lang yan dahil alam nya ang pinagdadaanan ko ngayon.
Umupo na ako sa kama ko at humarap sa kanya. Umupo lang sya sa kama ko at tiningnan din ako.
Nakangiti lang sya sa akin.
"Mama ganon pala 'yon noh? Akala ko noon, *sniff* kami na... Kami na hanggang huli. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Na akala ko hindi na kami maghihiwalay. Pero... *Sniff* Pero pinaghiwalay kami sa ibang paraan. Mama parang hindi ko na ata kayang mabuhay. Ang sakit... Sobra... *Sniff* Bakit hindi nalang ako nakasama sa kanya? Ngayon pa lang masakit na... Paano pa kaya sa mga susunod? Parang ayoko na..."
Niyakap ako ni Mama. Naramdaman kong kahit papaano, may mga taong andyan pa rin sa tabi ko.
Alam ni Mama lahat ng nangyayari sa'kin. Hindi ako nagtatago sa kanya ng kahit ano kaya tingin ko, Sya lang ang masasandalan ko sa mga oras na 'to.
"Wag mong sabihin yan anak.Marami kaming handang damayan ka. Kung wala ka nang lakas, andito lang kami. Basta wag kang susuko ha anak? Kaya mo yan!"
Limang araw pa lang...
Limang araw pa lang simula ng kunin sya sa akin.
'Julia, Mahal na Mahal kita ha? Tandaan mo yan!'
Yan ang mga huling salitang narinig ko sa kanya.
Nakakatawang isipin na hanggang sa huli, pinapatunayan nya pa din sa akin kung gaano nya ko kamahal.
Hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya dahil wala akong maisumbat sa kanya.
Wala akong naging pagdududa sa pagmamahal nya sa'kin. Alam ko kung gaano nya ako kamahal.
Sana nagkasakit man lang muna sya bago kinuha sa'kin. Para sa ganong paraan, maparamdam ko kung gaano ko sya kamahal hanggang sa huli.
Pero hindi... Masyadong mabilis lahat.
Hindi ko man lang namalayan na kukunin na pala sya sa'kin.
____
Pumunta ako sa puntod ni Mike. Kahit kahapon lang sya nailibing, gusto ko agad syang dalawin. Hindi ako sanay na hindi ko sya nakakausap sa isang araw kaya gusto ko syang puntahan.
Jan Michael Salcedo
November 14, 1998 - May 27, 2014
Nakikita ko yan ngayon sa harap ko.
Hindi ko mapigilang umiyak na naman. Talagang wala na sya.
Simula ata ngayon, araw-araw na kong iiyak dahil sa kanya. Araw- araw na akong masasaktan.
"Nakakainis ka Mike! *Sniff* Alam mo yun? Basta basta ka nangiiwan! *Sniff* Sana man lang nagpasabi ka na aalis kana. Hindi yung iiwan mo nalang ako. *Sniff* Alam mo naman na halos yung buhay ko nakadepende na sayo tapos aalis ka basta. Paano nalang ako ngayon? *Sniff* Ha? Sagutin mo ko!" Sinabi ko yan kahit nahihirapan akong magsalita dahil naiyak pa rin ako.
"Akala ko noon ikaw na hanggang huli. Akala ko ikaw yung kasama kong bubuo ng pamilya balang araw.*sniff* Paano nalang ako? Sino nalang ang makakasama ko? Hindi ko alam Mike... *sniff* Hindi ko alam kung kaya ko pang humanap ng higit sayo."
Pagkatapos nun, nakaramdam ako ng malamig na hangin. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba 'yon o ano.
Pero tingin ko nararamdaman ko sya..
Nararamdaman ko si Mike.
_______
Pagkatapos kong dalawin ang puntod ni Mike ay pumunta akong mall para kumain.
Gusto ko din na kahit papaano ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.
Pumunta na ako sa isang fastfood chain.
*Sigh* Naaalala ko na naman si Mike. Madalas kaming magpunta ng mall pag wala kaming magawa parehas.
3rd year kami ni Mike nang maging boyfriend ko sya. Sya lang ang natawag sa'kin ng 'Julia'. Kaya isa 'yon sa mamimiss ko.
*Sigh*
Wala atang oras na hindi ko mababanggit si Mike. Halos lahat ng gawin ko, naaalala ko sya.
Napakalaking parte na nya talaga sa buhay ko.
______
@MeYahzen

BINABASA MO ANG
The Mentior Love
Teen FictionAnong mararamdaman mo kung malaman mong ang 'Almost perfect lovestory' nyo ay peke lang pala?