Veriezze's POV
So ako pala ang kinantahan nya kanina? Sa dami ba naman ng kanta bakit yon pa? Haist!
Eto kami ngayon at naggagala kasama yung dalwang lalaking ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Si Matthew kasi umalis na eh. May date pa daw sila ng girlfriend nya.
So ang nandito nalang ay yung Kenneth at yung weird na lalaking grabe makatitig. =_=
Hay! Nagiintay pa din ako sa sign na pwedeng ibigay ni Mike. Sabi ko kasi, bigyan nya ako ng sign kung dapat pa ba akong magmahal ulit... Kung kakayanin ko kayang palitan sya.
Masyado akong naapektuhan nung tanong ni Miella kanina. Ewan ko ba! Basta naguluhan ako. Kanina pa nga ako occupied dito eh.
"Sissy? Sissy?" Nagulat ako nung bigla akong tapikin sa balikat ni Miella. Aish!
"Huh? Ah... Sorry I spaced out."
"*sigh* Sabi ko kung gusto mo na bang umuwi? Kung gusto mo, uuwi na tayo. Parang kanina ka pa hindi ok eh."
Uuwi? Gusto ko na sana kaso parang nageenjoy si Miella kasama si Kenneth eh. Nakakahiya naman kung ako ang magiging dahilan kung bakit mauudlot ang 'date' nila.
"Hindi... Ok lang. Wala din naman akong gagawin sa bahay."
At nung sinabi ko yon, biglang lumapad ang ngiti nya at ni kenneth.
So may namamagitan sa kanila? Bahala na si Miella. Alam nya na ang mga dapat nyang gawin. It's her time to be happy.
Eh ako? Ano nang mangyayari sa'kin? Tsk! Mike kasi eh!
"Julia?" May tumawag sa'kin nyan pero hindi ko alam kung sino. Isa lang ang natawag sa'kin nyan.
"Mike?" Lumingon ako sa likod kasi baka andun yung tumawag sa'kin.
Pero paglingon ko...
Hindi pala si Mike kundi yung weird na lalaki ang tumawag sa'kin. Aish. Nalimutan kong kasama nga pala namin 'to.
"Bakit mo ko tinawag na 'Julia'?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Wala. I think that suits you more. Mas magandang pakinggan pag ikaw ang tinatawag."
"Don't you dare call me by that name again!"
"Huh?" parang nagulat sya sa sinabi ko.
"Sissy? Anong nangyayari sa inyo?" lumapit si Miella sa'min nung narinig nya ako na medyo sumigaw.
"Wala. Wala yon. Miella, mauuna na pala ako. May kailangan pa pala akong gawin." Sabi ko kay Miella.
"Huh? Cge. Sabay na din ako."
"Hindi. Kaya ko na. Nakakahiya naman kung iiwan mo si Kenneth dahil sa'kin."
"Huh? O-Oh Cge. Ingat ka ha?" Tumango nalang ako sa kanila at umuwi na.
Ugh! Bakit ba hindi ko mapigilan ang emotions ko ngayon?
_______
"Anak, balita ko may nang harana sayo kanina ah." biglang nagsalita si Mama habang nakain kami.
Napatingin ako sa kanila para malaman kung sino sa amin ang kinakausap nya dahil hindi lang naman ako ang anak dito. May dalwa pa kasi akong kapatid. Kambal sila at parehong lalaki.
"Harana? Baka naman po hindi harana yon. Trip lang po siguro nya yon." sagot ko kay Mama.
"Paano kung hindi anak? Paano kung may gusto sya sayo?"
BINABASA MO ANG
The Mentior Love
Fiksi RemajaAnong mararamdaman mo kung malaman mong ang 'Almost perfect lovestory' nyo ay peke lang pala?