Chapter 11- First day of Courtship

10 3 0
                                    

Louisse's POV

"Mom you know what? Ito ata ang first time na narinig kong may nagsabing weird si Kuya. Possible pala?" Sabi ko kay Mommy habang pareho kaming nakatingin kay Kuya Thiel at Ate Veriezze na naglalakad sa Garage namin. Ihahatid na ata sya ni kuya.

"Everything is possible anak. Look at your kuya, dati parang wala lang sa kanya ang love. Look at him today, it seems like he's so inlove with Veriezze."

I agree to what Mommy said. Dati parang isang napakalaking joke lang kay Kuya ang love, Pero ngayon isa na ata yon sa pinakaseryosong bagay para sa kanya. Kaya siguro sya nagiging weird cause its his first time to be inlove and he don't know yet what to do. Hindi nya pa alam kung paano imamanage ang feelings nya. Teka? Bakit para akong love expert dito?

:3 Ako kaya? Kelan sya dadating?

"I know that expression Louisse. You're too invisible... You're too young for love you know that, don't you?"

:3 Bakit nabasa ni Mommy yung iniisip ko?

__

Veriezze's POV

"What do you think? Kamusta para sayo ang parents ko?" biglang tanong ni Marcus habang nagdadrive pa rin. Ihahatid nya na kasi ako pauwi.

"Mabait sila."

"Good to hear." sabi nya sabay ngiti.

"Marcus?" itatanong ko ba? Kanina ko pa gustong itanong 'to eh.

Tumingin lang sya sakin na parang nagtatanong ng 'Bakit?'

"B-Bakit 'Thiel' ang tawag nila sayo?" tsk! Bakit hindi ko maitanong yung gusto ko talagang itanong?

"Marcus Thiel Maurell" sabi nya lang at naintindihan ko naman na second name nya yon.

Tumigil na kami sa tapat ng bahay namin pero hindi pa rin ako nababa dahil gusto ko talagang itanong yon.

"Veve?"

"Uhm... Ano ba talaga ako para sayo? Naguguluhan na kasi ako minsan."

Biglang nagiba yung facial expression nya. Sabi na nga ba eh. Dapat hindi ko nalang tinanong.

I heard him sigh tapos tinitigan na naman nya ako.

"I am not gonna ask you the same stupid question other boys ask. Kasi alam kong mas maguguluhan ka lang lalo. I want you to take your time... To move on. Kasi alam kong hindi naging madali para sayo ang pinagdadaanan mo... Ugh... Why can't I say it directly?!" Mahina yung pagkakasabi nya dun sa huling salita na parang sinasabi nya lang talaga sa sarili nya.

Hinawakan nya yung kamay ko at tinitigan muna ako bago sya ulit magsalita.

"Ready or not, Whether you want it or not, I will court you no matter what."

That time feeling ko nagmalfunction na naman yung utak ko.

"ah.. Cge. Pasok na ko." Yan nalang ang nasabi ko at bumaba na ko.

Hanggang ngayon nga na andito na ko sa kwarto, hindi pa rin ata nagana ng ayos ang utak ko.

*Bzzt bzzt*

Napatingin ako sa phone ako. Ang tagal na rin na walang nagtetext dito ah.

Kinuha ko yun at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: 09152345678

Goodnight Veve!

-Marcus

_

Kung dati pag tinatawag nya kong 'Veve' hindi ako naiilang, parang nagbago bigla lahat ngayon. Parang nailang ako bigla.

The Mentior LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon