chapter 2

12.9K 288 2
                                    

2

Lianne pov

"Pwede mo na halika ang asawa mo"  sabi ng judge. Pinihit niya ako paharap sa kanya at dahan dahan niya nilapit sa akin ang labi niya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya nakangiti habang sila mommy yun panay palakpakan at subrang saya. Hinablot ko yung kamay ko sa pagkahawak niya.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pintoan sa kotse at sumunod siya pumasok. Habang binabaybay namin ang daan kung saan hindi ko alm kung saan kami pupunta basta sabi ni daddy magcelibrate daw. Nilingun ko siya. Bakit napakaseryoso niyang tao? Kung tingnan mo siya masasabi mo talagang super strict niya imagine. Straight ang tingin niya sa labas. Hindi ba nangangawit leeg niya. Duh bakit ko ba yan iniisip inaksayahan ko lang ng time. After a mintue dumating na kami sa isang restaurant at dahil syempre boss niya ako. Ah hindi anak ng boss niya pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at nauna na akong pumasok sa loob duh wala akong oras para maghintay sa kanya may paa naman siya para sumunod pumasok at yun nga pumasok narin siya.

"Oh hija umupo na kayo" sabi ni mommy na nakangiti. Yeah dumiretso na akong umupo at tumabi naman siya sa akin. Kung hindi dahil sa kanila ni mommy ayoko siya makatabi noh kahit saan.

Nasa gilid ni mommy si daddy naglalagay ng wine sa wine glass. "So dahil kasal na kayo Vincent, starting today dad na itawag mo sa akin" 

"Yes sir, i mean dad" sagut niya.

"Of course sakin rin hijo mommy na itawag mo sa akin.okay dahil simula ngayung araw na ito parte kana sa pamilya namin" biglang sabi ni mommy.

Pagkatapos sa kainin usap usapan nila umuwi narin at pagkarating namin sa bahay.

"Lianne and Vincent may nakalimutan kami sasabihin sa inyo. Aalis kami ngayun siguro mga month kami abutin sa ibang bansa dahil sa business"  sabi ni daddy na dumiretso umupo sa sofa.

"Okay no problem dad, mom" sagut ko sabay akyat ko sa taas.

Napahinto ako ng nagsalita si daddy ulit. " kayo lang maiwan dito at Lianne si Vincent na magbabantay sayo hatid o sundo sa school" nanlaki mata ko sa sinabi ni dad.

"Dad, hindi na ako bata para bantayan haler dad i'm 19 years old" kakainis paano ako nito makakilos pagmay nakabantay.

"Papayag ka man o hindi wala ka parin magagawa. O' siya Vincent kayo na bahala dito" sabi ni daddy.

"Bye baby girl Hija, bye hijo" humalik si mommy dali dali sakin at kay sino yun? Hindi ko alam ang pangalan niya. Saka umalis na sila mommy. At ako pumasok na diretso sa kwarto ko. Kung nagtaka kayo bakit hindi ako nagreklamo sa pag alis nila mommy. Well ayoko talaga kaya lang anung magagawa ko nagtrabaho sila para sa business namin. Humiga na ako diretso sa kama ko ng nagvibrate ang phone ko sa bag kaya kinuha ko ito.

May message from Katelyn.

"Girl club  tayo mamaya okay lang ba"?

Reply: to katelyn.

"Yeah sure sige hintayin niyo ako." Mabuti ito gumala tayo paminsan minsan.

Tumayo ako para maghanda sa susuotin ko mamaya at dahil maaga pa magbabad muna ako sa bath tub. Para mabawasan yung stress ko.

Nagising ako parang may kumot kasi nakatakip sa akin. Pagmulat ko "anu?paano ako napunta dito sa bed?"  Gosh anu ba kasing nangyayari wait ang naalala ko lang nasa bathtub ako nagbabad pagkatapos pinikit ko ang mata ko waaaa hindi kaya? Oh no hindi pwede no? Hindi pwede? Bigla bumukas ang pintuan at tumingin ako sa wallclock 5:30 pm na?

At pumasok siya? Napatingin siya sa akin "mabuti gising kana, kanina pa kita ginising sa bath tub hindi ka nagigising kaya binuhat kita papunta dito sa kama mo" sagut niya uminit yung mukha ko.

"Teka lang, anu yung sinabi mo? Binuhat mo ako papunta dito sa kama ko? Waaahh langya ka?!!!!!!!!!" Mas lalo uminit ang mukha ko at halos mapaiyak sa hiya.

Pinagsusuntok ko siya. Langya talaga siya. "Bakit mo yun ginawa ha? Wag mong sabihin"? Tiningnan ko siya ng masama.

"Okay. " tinaas niya dalawang kamay niya. "Wala akong ginawa sayo at wala akong nakita okay pinikit ko ang mata ko" sagut niya na parang natatawa siya.

"Anung kinatuwa mo diyan"? Kainis na tao grrrr... ng napatingin ako sa wallclock. Malapit ng 6:30 pm? Kinuha ko agad ang damit ko.

"Saan ka pupunta"? Tanung niya.

"Wala kanang pakialam doon" sagut ko sa kanya. Umupo siya sa may sofa ko dito sa kwarto. "Hindi ka pwede umalis" sabi niya nakadikwatro ang paa at naka cross arm ang kamay niya.

Hinarap ko siya. "At sino naman nagsabi sayo niyan aber? As i remember wala sila daddy dito sa bahay."   Kinuha ko na ang damit ko at pumasok sa banyo.

"Ako? Bakit? Ako ang magbabantay sayo at responsibility kita" sagut niya.

"Well kung ganun hindi moko ngayun responsibility dahil wala sila mommy dito" sagut ko ulit.

"Maldita" 

Napalingun ako sa sinabi niya.

"Anu? May sinabi ka ba"?  Wala siyang pakialam basta hindi niya ako mapipigilan.

"Ang sabi ko hindi ka pwede umalis"  hindi ko na pinansin sinabi niya dahil pumasok na ako sa banyo. Pagkapasok ko sa banyo napatingin ako sa salamin. Binihisan niya pala ako? Well thank you kung ganun at sana wala siyang nakita ni maskin maliit dahil kung hindi lagut talaga siya sa akin. Pagkalabas ko nagmake up lang ako kunti at kinuha ko na ang bag ko. Messy hair lang ginawa ko sa buhok ko. Lalabas na ako ng paghawak ko sa doorknob hindi mabuksan? Wait seryoso ba talaga ito? Hindi talaga eh. Nilock ng walang hiya.

May naisip ako kumuha ako ng matatas na tela sa closet ko ang bed sheet pinagdugtung dugtung ko ito at sa may bintana ko ginawa. Haha akala niya hindi ako makakalusot hinubad ko ang sapatos ko ng aakma na ang  humakbang para sa paglabas ko sa bintana gamit ang bedsheet ng bumukas ang pinto sa kwarto ko.

Nakita niya ako kaya tumakbo siya papunta sakin.

"Wag kang lalapit kung hindi tatalon ako" ayoko pa mamatay noh. Saka takot ako sa matataas. Bakit ba kasi hindi niya ako payagan umalis.

"Anung ginawa mo miss Lianne bumalik kana dito sa loob mahuhulog ka"  sabi niya.

"No. Ayoko. Saka bakit hindi moko payagan umalis ha?" Instead sagutin niya ako binuhat niya ako at binalik sa kwarto ko.

"Dahil gabi na" yun lang sagut niya?

Binaba niya ako at binitiwan niya pagkahawak sa beywang ko.

"Hintayin mo" bigla siya lumabas sa kwarto at bumalik ulit.

"Okay payagan kita lumabas pero samahan kita" 

"What? No. Ayoko may chaperon ako, hindi na ako bata " sagut ko sa kanya.

"Don't worry hindi kita pakialaman basta wag kang lalayo sa akin" bodyguard ko ba siya? Daddy o bf? Ang taas ng concern niya.

"Anu ba talaga kita? Hindi naman kita bf ah para makaconcern ka sa akin wagas. Bodyguard lang naman kita"  hindi na siya nagsalita at lumabas na sa kwarto ko. Sinundan ko nalang din siya anu pa ba magagawa ko bantay sarado ako sa kanya pero sa susunod siguruhin ko na makatakas ako sa kanya. Pagdating namin sa labas pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse at sumunod narin siya pumasok. Pinaandar na niya ang makina. Wala kaming imikan hanggang sa dumarting kami sa bar at syempre madaming tao. Nagsayawan sa gitna. At may second floor nakita ko kaagad sila Katelyn nasa tabi. Kaya agad ko sila nilapitan. Nakita ko hindi na siya sumunod sa akin dumiretso siya sa counter at ako sa kanila ni Katelyn.

Pinagbayaan ko nalang siya maya maya pagtingin ko ulit may kausap na siya isang babae nakatalikod.

"Bess mabuti dumating kana, kala ko hindi ka darating. " sabi ni Katelyn hawak hawak ang glass wine niya.

"Loko syempre darating ako noh ako pa" sagut ko sa kanya.


I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon