ISMTMB - BK - 2 - 17

5.1K 156 16
                                    

Lianne  

Tumabi ako sa kanya dito sa sofa.

"Vincent di ba hindi pa huli ang lahat?"  Kinakabahan ako sa posibleng sagut niya sa tanung ko. Nakatitig lang kasi siya sakin.

"And what do you expect Lianne? Laruan ba ang pagmamahal ko sayo?"  

Napakagat labi ako sa tanung niya. "Vi-Vincent mali ang inisip mo. Hindi ganun"   kinabahan kung sagut sa kanya.

"Din bakit moko iniwan Lianne?"   Seryoso niyang tanung sakin. Nilingun niya ako at tiningnan sa mata pagkatapos binalik niya sa tv ang tingin niya. 

"Kung mahal moko bakit moko pinaniwala na patay ka na?"  Sa tv lang siya nakatingin ng deritso ng seryoso.

"Dahil kailangan dahil hindi moko minahal at nasasaktan ako ng husto kaya umalis  ako. Nung nasa state's ako. Akala ko magiging okay na ang lahat pero hindi pala. Nung pumunta ako sa birthday party ng kakilala kung kaibigan pag uwi ko. May nakasalubong ako na malaking truck deri deritso lang takbo nito. Kaya tinabi ko ang kotse at sa gilid ng daan. Dahil yung truck nakasalubong wala ng preno. Ang akala ko okay na, yun pala  mahuhulog ang kotse ko minaneho sa bangin. At first akala ko mamatay na ako. Kung mangyayari man yun okay lang kasi hindi mo naman ako hinanap. Kaso hindi eh, nagising ako ng hindi ko nakilala ang pamilya ko. At ang sabi ng doctor nagkaroon ako ng temporary amnesia. Kaya nakalimutan ko ang mga pangyayari na bago sa paligid ko. At yung panahon na yun buntis ako kay Marky. Nakilala ko si Dexter dahil siya ang tumutulong sakin. Even kay Marky gusto niya itong angkinin pero hindi ako pumayag. Nung nasa hospital ako. Kahit kompleto yung pamilya ko naroon pakiramdam ko may kulang. Hindi ko alam kung anu yun. Kahit nasa hospital sila mom that time nakatingin lang ako sa isang pinto. Pakiramdam ko yung buong katawan ko may hinihintay na hindi ko alam. That time ang palagi nagfaflashback sa isip ko ang mukha mo lang Vincent. Kaya ng nakalabas ako sa hospital. Parang hindi kompleto ang araw ko. Pati sa bahay. Palagi ako nakatingin sa may pinto. Gustong gusto ko na tanungin cla mom tungkol sayo pero hindi ko naman masabi sa kanila kung sino ka at anung pangalan mo. Until nanganak ako kay Marky.. si Dexter ang tumutulong sakin kay Marky pumupunta lang siya sa bahay but sad to say ayaw ni Marky sa kanya. Palagi itong iyak ng iyak.. and then one day sinama ako nila mom dito sa pilipinas nung nagsimula ng maglakad si Marky"  

Nakatingin lang siya sa tv habang nagkwkwento ako sa nangyayari sa buhay ko.

Bumuntung hininga muna ako. "I'm sorry kung iniwan kita ng walang paalam" 

"Kasalanan ko kung bakit nagkaganito tayo dahil sa pride ko."  Dagdag ko pa. Nilingun ko siya nasa tv parin ang tingin niya. Ni walang salita.

"Sinagut ko si Dexter ng nasa state's pa kami dahil ang alam yun ang tama at siya makatulong sakin sa pagpapalaki kay Marky kahit ayaw ni Marky sa kanya. "  nagsimula ng nangingilid ang luha ko.

"Pero mali pala ako dahil din sa kanyang ginawa. Pinaniwala niya akong mahal niya ako pero hindi ko pala alam na  nagkabalikan sila ng ex niya"  dagdag ko.

"Vincent pwede pa naman bumalik sa dati di ba? I admit mahal parin kita hindi naman yun nagbabago"   pinatay niya ang tv at tumayo siya.

Nilingun niya ako at tinitigan sa mata. "I'm sorry Lianne may iba na ako"  saka tumalikod siya sakin.

Anung sabi niya? 

Parang sinaksak ako ng libong beses sa sinabi niya. Sinundan ko siya sa kwarto niya habang nagpapalit ng shirt niya.

"Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit bigla nagbago ang feelings mo skin? Vincent naman?" 

Umupo ako sa sahig at tinakip ko sa mukha ko ang dalawang kamay ko. "Ganun nalng ba yun Vincent?" 

Napaangat yung isang labi niya. "Bakit Lianne anu bang inasahan mo? Ganun nalang ba kadali sayo yun?" 

Tuluyan na akong umiyak sa harap niya. Bahala na kung nakikita niya ang sakit na talaga eh. Tumayo ako at pinahiran ang luha ko sa kamay ko. Nakatingin parin siya sakin.

"O-okay kung yan ang gusto mo"   sabay talikod ko sa kanya. Hindi pa ako nakahakbang palabas ng may bigla yumakap sakin mula sa likod ko. "Saan ka pupunta?"  Hindi ko siya nilingun.

"Bitiwan mo ako pwede ba!?"   Sinusubukan ko tinatanggal ang kamay niya sa pagkayakap sakin sa tiyan ko.

"I love you hon, wag mo na akong iwan okay?"   Sabi niya sa gilid ng tenga ko pero hindi parin kumibo.

"Sorry kung nasabi ko yun kanina. Naniniwala ka kaagad? Thank you hon sa pagbalik mo sakin."  Mas lalo niya hinigpitan ang yakap sakin.

"Kung ganun bakit ka pa bumalik kung meron ka palang dexter?"  Nakatalikod parin ako sa kanya.

"Da-dahil na-mimiss kita. Bawal na ba ako na mamimiss kita?"   Nakanguso kung tanung sa kanya.

Pinihit niya ako paharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Bakit?"

Nakapout kung tanung sa kanya. "Totoo ba na mahal mo pa ako at namimiss moko?" 

Bahala na total naamin ko na sa kanya kanina lang. Tumango ako na parang bata nakatitig sa kanya.

Hinapit niya ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong siniil ng halik... nakatingin lang ako sa kanya na nakapikit ang mata niya. Mas lalo niya pa ako siniil ng halik na parang kinakain niya ang labi ko.

Tumigil siya at tiningnan ako. "Ito ang tandaan mo at ipasok diyan sa utak mo"  nilagay niya sa gilid ng tenga ko ang buhok nagkalat sa mukha ko.

"Kahit hindi ko sabihin sayo na mahal kita. Pero dito"  tinuro niya ang dibdib niya gamit ang kamay ko. "Hindi yan nawawala. Okay. Ang isang pagmamahal hindi lang yan nakabase sa salita kung di sa pinapakita nito kung anung laman ng puso"  

Sinampal ko ang braso niya at tinalikuran siya. "Lianne naman"  sabi niya sabay lakad ko palabas ng kwarto niya.

"Kahit anu nalang man kasi ang pinagsabi mo"  sabay irap ko sa kanya.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon