chapter 8

7.5K 216 5
                                    

8

Third person pov

Kaylangan ni Lianne ng panahon at makapag isip subrang madami siyang nalalaman sa nakalipas ng ilang araw simula nung sumama siya kay Vincent sa lugar nito. Gusto niya malinawagan ang sarili niya kaya hindi siya dumiretso sa isang bahay kung saan doon din nakatira si Vincent.



Si Vincent naman hindi niya maiintindihan ang sarili niya kung bakit hindi nagpaalam si Lianne sa kanya. Kahit anung gawin niya at ibaling ang isip niya sa nobya niyang si Natalie sadyang babalik ang isip niya kay Lianne. Kagaya ngayun nag aaway sila ni Natalie ang nobya niya. Pagkalipas ng ilang minuto humupa din ang away nila.

Gusto man tawagan ni Vincent si Lianne hindi niya magawa dahil unang una anak ng boss niya ito kahit tapos na sila nag usap sa daddy ni Lianne. At gusto man niya tawagan si Lianne hindi niya magawa dahil wala naman siyang number kay Lianne. 

Kahit pumapasok na si Lianne sa pinasukan nito hindi parin ito umuwi sa bahay. Nilipas muna niya ang isang linggo bago siya umuwi sa bahay nila at para kausapin ang mga magulang niya sa video.

At si Vincent bumalik na rin siya sa manila.










Vincent pov

Saan kaya siya pumunta isang linggo na nakalipas simula ng umalis siya sa bahay at hindi nagpaalam sa akin. Andito ako sa terrace umupo. Napatingin ako sa gate bigla bumukas at nilabas doon si Lianne ang hagard ng hitsura niya. Kaya tumayo ako para lapitan siya kaya lang parang hindi niya ako nakita dumiretso lang siya sa loob ng bahay.















Lianne pov

Pagkapasok ko sa gate kanina dumiretso na ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Vincent nasa terrace, nakapagdesisyon na ako. Para din naman ito sa sarili ko.

Umakyat ako diretso sa taas ng napansin ako ni yaya. "Hija andito ka na pala? Oh bakit ganyan ang hitsura  mo"? Ningitian ko lang si yaya.

"Medyo pagud lang ako yaya" sagut ko sa kanya.

"Oh siya nga pala andito na si Vincent" dagdag ni yaya. Nakita ko siya nakatayo sa gilid ng pintuan nakapamulsa ang dalawang kamay niya. "Sige yaya akyat muna ako magpahinga muna ako" tumalikod na ako.

"Sige hija" pagkarating ko sa taas binuksan ko na ang kwarto ko at nilock ko pagkapasok ko. Gusto ko magpahinga. Kinuha ko ang towel ko para maligo  nagbabad ako sa bathtub ng ilang minuto. Tinapos ko maligo after an hour tapos na ako lumabas na ako para magbihis at gusto ko na matulog medyo antok narin ako.

Kinabukasan nagising ako ng maaga bumangun na ako at dumiretso naligo pagkatapos ko ligo nagbihis na at bumaba para kumain. Hindi ako kumain ininom ko lang gatas timpla ni yaya.  "Hija hindi ka ba kakain"? Umiling ako sa tanung ni yaya.

"Busug pa ako yaya siguro pag nagugutom ako sa school nalang akk kakain. Bye yaya" saka lumabas na ako sa bahay nakita ko siya nakasandal sa gilid ng kotse. Ng nakita niya ako pinagbuksan niya ako ng pinto pumasok na rin ako diretso at umupo. Sinara niya ang pinto at sumunod siya pumasok. Nilagay ko sa tenga ko ang earphone at pinalakasan para wala akong marinig mula sa kanya. Habang nakabyahe kami bigla ko naman naalala yung sinabi Jake sa akin sa palengke kaya pinikit ko ang mata ko. Hindi ko alam kung may sinabi siya sa akin o wala importante hindi ko narinig ang sinabi niya.

Pagdating namin sa school ginawa nya ang trabaho niya. Saka sinara ang pinto pagkalabas ko. "Wag mo na akong hintayin, umuwi kana"  saka iniwan ko siya sa parking lot timing dumating si Lester kaya hinalikan ko siya sa labi ng torrid kiss alam kung nakikita niya sabay lagay ko sa kamay ko sa braso ni Lester. "Hi babe i miss you" at hinalikan ulit ako ni Lester. Masama man ang ginawa ko pero wala na akong paki doon importanti ang sarili ko na hindi niya nalalaman. Hinatid ako ni Lester sa room  at hinalikan sa noo pagkatapos umalis na siya.
















Vincent pov

Kababaeng tao makipaghalikan sa harap ng ibang tao? Napailing iling nalang ako. Pero teka may napansin ako sa kamay niya wala yung wedding ring namin? Balak namalik mata lang ako kanina. Ang sabi ng yaya niya hindi umuwi si Lianne sa bahay nila. Nung umuwi siya galing sa amin? Kung ganun saan siya pumunta sino kasama niya? Mabuti okay lang siya. Pero bakit pag uwi niya ang hagard niya tingnan saan naman siya pumunta? Haist sakit sa ulo tong anak nila sir.  Hintayin ko nalang siya dito. 

Nakatulog ako dito sa kotse sandali lang naman siguro. Pagtingin ko sa relo ko uwian na pala nila pero bakit hanggang ngayun wala pa siya. Lumabas ako sa kotse para hanapin siya. Medyo madilim na rin. Kaya lang saan ko siya hanapin malaki ang school nila. Inikot ko ang paningin ko ang paningin sa buong school. Nakita ko si Katelyn kaya nilapitan ko siya kaagad.

"Katelyn"? Tawag ko sa kanya lumingun rin naman siya. Gulat niya ng makita ako.

"Nakita mo si Lianne? Di ba tapos na ang klase niyo"? Tumango siya.


"Ah si Lianne? Kanina pa umalis kasama si Lester. Hindi ba siya nagpaalam sayo"?  Umalis?

"Ah sige salamat" saka tumalikod na ako.

"Wait?" Napalingun ako sa kanya sa pagtawag niya lumapit siya sa akin.

"Parang pumunta sila sa bar. Hmmn pwede magtanung may problema ba si Lianne"? Kumunot ang noo ko sa tanung niya.

"Bakit"? Problema?

"Since kasi galing siya sa bakasyon palagi nalang siya naglalasing gabi gabi nalang. Don't worry hindi siya pabayaan ni Lester"  saka tumalikod siya.

Umalis na sana ako ng maalala ko wala akong number. "Hmmn Kate pwede makahingi ng number niya"?

"Sure wait. "Sinulat niya at binigay sa akin.

"Salamat" saan ko siya hanapin? Umuwi muna ako sa bahay hintayin ko muna siya doon. Pagkarating ko "Vincent si Lianne"? Tanung ni yaya.

"May pinuntahan pa yaya" sagut ko sa kanya. "Ganun ba, kain ka muna ipaghanda kita ng mesa o mamaya nalang pagkarating ni Lianne"? Umupo ako sa sofa.

"Mamaya nalang yaya" sagut ko sa kanya.

"Ok sige" umalis narin si yaya.


"Pre, pwede ba umupo ka? Ako ang nahihilo sa ginawa mo" reklamo ni Denzel. Hindi kasi ako mapakali 11:00 pm na hindi pa rin siya umuwi. Dinial ko ang number niya kaso out of coverage ang linya niya. Bumalik na sa pagtulog si Denzel at ako nalang gising dito sa bahay. May narinig akong kotse huminto sa harap ng gate. Napatayo ako ng makita ko sino ang lumabas sa kotse. Si Lianne inalalayan ni Lester. Maya maya bumukas na ang pinto at pumasok siya.

Sinara niya ang pinto. Tinakbo ko siya ng muntik siya matumba. "Wag mokong hawakan" sabay taas ng kamay niya.

"Hindi pwede halika na dito" inalalayan ko siya paakyat papunta sa kwarto niya. At pinahiga ko sa kama niya. Nakapikit na yung mata niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin"?  Anung pinagsabi niya? Haist kababaeng tao niya. Tinanggal ko ang heels suot niya at ang bag niya. Nilagyan ko siya ng kumot. "Tigilan mo na ang pag inom Lianne, hindi maganda sa isang babae naglalasing"  alam ko naman yun hindi niya naririnig yun.

Tumayo ako para lumabas ng hinawakan niya ang kamay ko. Nilingun ko siya nakapikit parin ang mata niya.  Ng may napansin ako sa gilid ng mata niya may luha lumabas.


























A//N:  manhid si Vincent huhuhu

Don't forget your vote and comment.

















I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon