Chapter 12

7.4K 173 6
                                    

12

12

Lianne pov

Pagkatapos namin sa mall umuwi na kami sa bahay. Pagkarating namin agad ko siya iniwan sa parking lot at umakyat na ako diretso sa taas.

Kainis na tao bakit ba niya pinakialaman ang pananamit ko kanina. Alam ko subrang mababaw ang gawin kung reason pero kaylangan ko itong gawin para sa sarili ko. Maya maya bumukas ang pintuan at pumasok siya. Umupo sana siya sa tabi ng bigla akong tumayo pumasok sa banyo. Hindi ko hahayaan na tuluyan mahuhulog ang loob ko sa kanya. Pagkalabas ko wala na siya saan kaya siya pumunta.

Bumaba ako, nauuhaw din ako ng may natanaw ako sa terrace nakaupo siya pala. Sino kaya kausap niya? Dahan dahan ko nilapit ang tenga ko. Hindi naman ako chismosa but this time kaylangan ko ng kaunting alam. Dahil simula nung kinompronta ko siya wala naman pagbabago sa kanya. Napangiti ako ng mapait one of this day hindi na niya ako makikita kahit kailan man.

"Wow talaga congrats love" sagut niya sa kabilang linya. Girlfriend niya pala ang kausap niya.

"Love, yung ibang mga ninang napagbigyan mo na ba ng mga invitation"? Muntik ng natumba ang isang vase. Sa pag galaw ko mabuti naayus ko kaagad.

Umalis na ako doon at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig parang hindi ako makahinga. Pagkarating ko agad ako kumuha ng tubig sa ref at ininom ng diretso. Siguro sunod sunod yun hanggang sa naubos ko ang laman ng (pitchel). Pinikit ko ang mata ko.

"Miss Lianne okay ka lang"? Tumango ako sa tanung ni Denzel.

"Lianne anung nangyayari?" Tiningnan ako ni yaya at ni Denzel saka tiningnan nilalagyan ng tubig.

"Okay ka lang"? Tumango ako sa kanila.

"Akyat muna ako" paalam ko sa kanila.

"Anung gusto lutuin ko"? Napahinto ako sa tanung ni yaya.

"Wag na yaya busug naman ako. Pagkain niyo nalang lutuin mo" sagut ko sa kanya. Pagkapasok ko sa kwarto dumiretso ako sa banyo saka nilock ko yun. Hinubad ko ang damit ko saka nagbabad sa bathtub after ng isang oras nagbabad ulit ako sa shower para mawala yung nararamdaman ko. Ito lang ang paraan. Siguro naabutan ako ng apat na oras sa banyo pagkatapos lumabas na ako. Nakita ko siya pabalik balik sa paglalakad niya.

Lumingun siya sakin saka humakbang papunta sakin. "Ghad Lianne anung ginawa mo sa banyo? You know what 11:00 pm na."? Niyugyug niya ang balikat ko habang nakatingin siya ng diretso sa mata ko.

Tinanggal ko ang kamay niya sabay pagkuha sa damit ko sa closet. "Okay lang naman, hindi ako natulog" sagut ko sa kanya.

"Galit ka ba sakin sa ginawa ko kanina"? Umiling ako.

"It's okay" iniwan ko siya para magbihis ako.

Pagbalik ko nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Pinilit ko gawing casual ang kilos ko.

"Musta ang preparation niyo sa kasal niyo"? Tanung ko sa kanya saka humiga na ako sa kama.

"Well okay lang, okay naman ang lahat actually excited na nga kami. Kaunti lang din invite namin para hindi masyado magastos" hindi ko na siya hirap.

"Ah okay" yun lang nasagut ko sa kanya.

"Gusto ko na nga sana magpaalam sa daddy mo magleave ako ng 1 month" bigla niyang sabi.

"Pwede ba kita gawing isa sa mga abay ko total. Friends naman tayo" napahigpit ang hawak ko sa kumot tsaka pinikit ko ang mata ko.

"Ganun ba tingnan ko lang" sagut ko.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon