chapter 21

7.1K 160 2
                                    

21

Lianne pov 

Wala akong nagawa kahit ayoko na sumama si Vincent wala na akong nagawa dahil nauna na siya kinausap ni Luke. Mabuti nga hindi nagtanung si Luke kung bakit nasa unit ko si Vincent naabutan niya.

Ni hindi nga niya ako kinausap sa byahe at tsaka parang iniwasan niya ako. May sakit ba ako? Pagkarating namin dito sa batangas wala ang may ari ng resort umalis daw kaya naglibut libut muna ako sa paligid na mag isa. Gusto pa sana ako samahan ni Luke hindi ako pumayag dahil masakit ang ulo niya kaya ito ako naglakad lakad sa dalamsigan. Maganda ang buhangin white sand siya at ang tubig subrang linaw makikita mo ang mga bato na kulay puti sa ilalim ng tubig. Medyo kaunti lang mga tao

dito ngayun, working days kasi kaya medyo tahimik kaunti. Sa dagat may mga nagboat, nagjetski, nagsurf. Ang ganda tingnan nila pero wala akong balak maligo dahil unang una iwan ko parang nabobored ako. Pangalawa ako lang mag isa.

Napahinto ako sa paglalakad ng may nahagip ang mata ko. Hindi ako nagkamali si Vincent yun ah? Yun yung color ng damit niya kanina. May kasama siyang babae? Sino yun girlfriend niya? Yan ba yung sinabi niya kanina? Mataas ang buhok niya maputi, maganda. Palangiti hindi kagaya sakin nakasimangut palagi. Ang bilis naman nakakita niya ng babae? Lapitan ko sana siya wag nalang baka madisturbo ko pa ang moment nila tsaka baka magalit si Vincent sakin ng tuluyan. Iniiwasan na nga niya ako buong araw pagkatapos guluhin ko pa siya.

May nakita akong malaking bato sa gilid umupo ako. Saka tiningnan ko ang dagat masarap kasi tingnan sila parang ang saya saya lang nila, walang problema. Samantala ako ito, nakapagtaka lang pagdating ni Vincent kanina maganda ang mood niya. Ng dumating si Luke nag iba na.

Bakit naman ganun? Hanggang sa nakarating kami dito sa resort hindi niya ako kinakausap. Bakit ko problemahin yun? Haist hindi talaga ako mapakali sa ginawa niya sakin. Pero yung sinabi niya may girlfriend siya? Hindi naman yun girlfriend niya kung hindi asawa niya.

Ng sinabi ko kanila kay Luke na may asawa na siya bigla niya pinatakbo ng mabilis ang kotse. Nagreklamo na nga ako na ayoko pa mamatay.

Ito naman kasi si Luke kahit anu nalang pinagsabi niya at yung tungkol sa sinabi niyang kasal hindi ko pa yun alam kausapin ko pa siya tungkol doon.

Nilagay ko sa tuhod ko ang mukha ko at pinikit ko ang mata ko. Bago ko pinikit ang mata ko lumingun ako sandali sa likod ko baka hinanap ako ni Luke pero iba ang nakita ko. Si Vincent naglakad lakad gilid sa dalampasigan kasama niya yung babae kausap niya kanina. May asawa na nga siya naglalandi pa. Nilagay ko ulit sa tuhod ko ang mukha ko saka pinikit ko ang mata ko.

Nagising ako ng may kumalabit sa likod ko. "Bebz"? Tawag niya sakin. Pag angat ko ng tingin si Luke pala. Nakashort siya at nakapangtsinelas pang beach mukhang handa na siya ah.

"Hi" inalalayan niya akong tumayo.

"Bebz, magpaalam lang ako may importante lang akong pupuntahan. Iwan muna kita dito. Nasabihan ko na rin si Luke na samahan ka sa cottage. Baka bukas pa ako babalik or mamaya pa depinde." Hinawakan niya ang kamay ko. Pababa sa bato kung saan ako umupo kanina.

"Sorry bebz, pero  promise pagbalik ko itour kita dito. But this time importante kasi sorry"  ningitian ko siya.

"It's okay. Kung anu ang aasikasuhin mo unahin mo muna yun okay" sagut ko sa kanya.

"Thank you" hinalikan niya ang kamay ko. Saka umalis narin.

Bumalik na ako sa cottage ng makita ko si Vincent papasok sa cottage. Hinabul ko siya.

"Wait" huminto siya sa pagtawag ko sa kanya. At nilingun niya ako.

"Yung tungkol sa text SORRY! Hindi ko yun sinadya"  baka kasi dahil doon hindi niya ako kinausap.

"Okay, yun lang sabihin mo"? Tanung niya sa akin.

"A-anu kasi...... wala"  hindi ko nalang siya tanungin. Humakbang na siya papasok sa pinto ng nagsalita ako.

"Iniiwasan mo ba ako?galit ka ba sakin"? Kumunot yung noo niya nakatingin sakin.

"Iniiwasan? Di ba ikaw lang naman nagsabi may asawa na ako"?  Napatahimik ako sa sinabi niya.

"Kung wala ka ng sasabihin papasok na ako"  papasok na sana siya ng may tumawag sa kanya kaya lumingun na din ako isang babae? Sino siya.?

"Vincent?"

Palihim ko tiningnan si Vincent nakangiti sa babae dumating. Magkakilala ba sila?

"Alice"? Palihim ko tiningnan ang babae. Bakit ang lapad ng ngiti niya?

"Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina" sabi ni Alice.

"So how are you"? Tanung ni Vincent.

"Well i'm good. Hindi na kita nilapitan kanina dahil may kausap ka. Oh by the way andito ako kung hindi ka busy pwede ba kitang imbitahan sa party. Birthday ko" ah kaya pala andito siya.

"No problem Alice basta ikaw. Kaylan pa ba ako hihindi sayo"  saka ngumiti siya kay Alice.

"Alam ko yan, kaya nga. Thank you asahan kita mamaya. At isama mo narin siya ang girlfriend mo" nakangiti siya sakin.

Tiningnan ako ni Vincent. "Ah hindi ko siya girlfriend" reklamo niya.

Tumango tango lang ang girl " ah okay basta hintayin kita sa party"  saka umalis na siya.

Pumasok narin siya. Sumunod na rin ako para pumasok.

"Sino yun"? Bigla kung tanung sa kanya. Huminto siya sa may kusina at humarap sakin.

"Bakit mo tinatanung? Oh well paano kung sabihin ko sayo na ex ko siya? Anung gagawin mo"? Natahimik ako sa sinabi niya.

"Wa-wala"  sagut ko sa kanya. Dumiretso ako sa kwarto ko. Napahinto ako. Ng nagsalita siya.

"Mabuti naman dahil boss lang kita at bodyguard moko. Pakipirma narin sa papers para maprocess na yun at magpakasal na kayo ni Luke" saka umalis siya.

Napahawak ako gilid sa pinto. Tama lang siguro yun para sa ginawa ko sa kanya. Iniwan ko siya walang paalam.

Umalis ako sa cottage naglakad lakad ulit ako sa gilid ng dagat medyo masikip na kasi ang dibdib ko sa sakit. Dapat hindi niya nalalaman na nasasaktan ako sa ginawa niya. Medyo madilim narin kaya hindi ako makikita kung dito ako sa gilid nakaupo.




I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon