ISMTMB - BK 2 - 12

4.8K 128 11
                                    

Lianne pov

Nanlaki ang mata ko ng bigla akong hinalikan ni Vincent sa labi. Pagkatapos ko siyang sinundan dito sa kwarto niya.

Napakapit ako sa leeg niya dahil sa ginawa niya sakin. Aminin ko man o hindi namimiss ko rin naman siya lalo na pag ganito siya sakin. Inihiga niya ako sa kama ng dahan dahan. At pumaibabaw siya sakin habang ang dalawang kamay namin pinagtiklop niya. Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.

"Mommy, daddy kain na daw tayo sabi ni mama"

"Sabihin mo susunod lang kami"

Bumaba na siya at iniwan na niya ako dito sa kwarto.. napabuntung hininga nalang ako sa ginawa niya. Sumunod na rin ako. Pagkalabas ko nasa dinning na sila.

"Oh hija halika na"

Tawag ni mama sakin umupo narin ako sa tabi ni Marky pero siya sa harap ko bali magkaharap kami nasa kabilang side siya ng mesa.

"Mommy i want that" kinuha ko yung cereals at nilagyan ng fresh milk.

"Tao po"

"Tao po"

Nagkatinginan kaming lahat. "Ako na" sabay tayo ni Vincent.

Agad tinungo ni Vincent ang gate. Napalingun ako sa pumasok. Kasunod si Vincent isang babae.

"Hi po tita" nakangiting bati niya kay Mama.

Lumingun kaming lahat. "Oh Sabrina dumating ka na pala"

"Anung atin? Halika maupo ka muna. Ah teka lang kailan ka lang dumating?"

"Hi Shaira, Hi Brex, hi tito" sabay kaway niya sa kamay niya. Saan ba siya pupunta para kumaway lang bumati. Kasama na ang kamay? Tss'.

Nilingun ko ang dalawa. Ngumiti lang ng fake smile si Shaira at Brex sa babae.

"Oh hija kamusta ang byahe? Si kumpare kamusta?"

Kumpare? Magkakilala na pala sila. Palihim ko tiningnan si Vincent. "Okay lang naman si papa tito. Actually dumaan lang ako for this. I hope pupunta kayo" sabay bigay niya sa white envelope.

"Ikaw din Vincent"

Hindi ko naiwasan mapataas ang isang kilay ko. Binawi ko naman kaagad.

"Sabihin mo pasyal naman siya minsan dito sa bahay"

"Sige ho tito sasabihin ko kay papa"

"Nako hija subukan lang namin kung makapunta kami alam mo naman" sagut ni Mama.

"Sige ho tita, tito hindi na ako magtatagal malalate na kasi ako sa trabaho ko." Paalam niya.

"Sige hija mag ingat ka" sabi ni mama.

'Sipsip'

Rinig kung sabi ni Shaira kahit mahina lang.

"Ah ma hatid ko lang si Sabrina sa gate" saka tumalikod na siya.

Tahimik lang ako pinagpatuloy ang pagkain ko. Siguro aalis nalang kami mamaya ni Marky total naman nakilala na niya ang mga grandma niya.

"Kuya pwede mo ba layuan mo yun si Sabrina?" Napatingin kaming kay Shaira. Nakabalik narin pala si Vincent.

"Shaira bakit ayaw mo kay Sabrina? Mabait naman yun na bata"

"Mommy i'm done" napalingun ako kay Marky.

"Magtootbrush ka"

"Okay mom" saka umalis na.

"Sipsip" saka tumayo na si Shaira.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon