ISMTMB - BK - 16

4.7K 149 11
                                    

Lianne pov

Pagkatapos siya nagluto pinakain niya ako pagkatapos tinungo ang kwarto niya kaya sinundan ko siya.

"Aalis lang ako dito ka lang" pagkalabas niya sa banyo. Dumiretso siya kumuha ng damit niya sa kabinet.

"Pwede ba akong sumama? Medyo nabobor din kasi ako dito ako lang mag isa sa bahay nato. Natatakot lang ako" habang hinawakan ko ang damit ko. Alam ko naman na ayaw niya akong isama dahil sa ginawa kung desisyon kaya lang natatakot ako dito mag isa.

Inangat ko ang tingin ko at tapos na siya nakabihis. Humakbang na sana ako ng magsalita siya. "Okay. Dalian mo" sabi niya kaya agad ko kinuha ang towel ginamit niya at pumasok sa banyo. Pagkatapos ko nagquick shower lumabas na kaagad ako. Wala siya dito sa kwarto pagka labas ko galing banyo. Nagbihis na ako.. kinuha ko na ang bag ko at cellphone pagkatapos lumabas na. Nakita ko siya sa sala nakaupo nakadikwatro busy sa cellphone niya. Nararamdaman ata niya ang presensiya ko kaya inangat niya ang tingin sakin.

"Let's go" sabi niya nauna na akong lumabas at sumunod na siya.

Tinungo niya ang motor niya. "Vincent magmotor tayo?" Nilingun niya ako. "May problema kung magmotor tayo?" Kunot noo niyang tanung sakin na kina iling ko.

"Wala naman kaso lang mas maganda kasi kung sa kotse nalang tayo" hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

"Okay" binigay ko sa kanya ang susi sa kotse pagkatapos sumunod na ako sa kanya lumabas sa gate. Nilock naman niya pagkatapos tinungo ang kotse ko at ng mabuksan pumasok narin ako.

Pagkapasok ko inayus ko na rin ang sarili ko. Nilingun ko siya pinaandar na niya ang kotse at sinimulan pinatakbo.

"Vincent?"

Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako sinagut o nilingun man lang. Galit parin siya sakin. "Alam ko hindi nakukuha sa isang salita ng SORRY ang ginawa kung desisyon pero sana Vincent mapatawad mo lang ako. At darating ang araw na magiging masaya ka na" sa labas lang ako nakatingin.

"Fuck! Pwede ba tumigil ka Lianne? Tapos na ginawa mo na ang gusto mong desisyon. Sana man lang tumigil ka na diyan" hininto niya ang kotse sa tabi.

Hinarap ko siya. Nakapagdesisyon na ako eh anu naman kung babae ako?. Napangiti ako kahit galit siya mas lalo tuloy siya nagiging gwapo sa paningin ko. Hehe.. kinuha ko ang cellphone ko at tenext si Chia.

'Nakapagdesisyon na ako' may ngiti akong binalik sa bag ang cellphone ko. Napapansin ko rin huminto ang kotse sa isang building at pinark niya ang kotse sa gilid. Pagkatapos niya pinatay ang makina binuksan na niya ang pinto. Dali dali akong sumunod sa kanya. Pumasok siya kaya sumunod narin ng hinarang ako ng guard.

"Ma'am hindi ho pwede kayo pumasok" sabay harang guard. Lumingun sakin si Vincent.

"She's my wife guard" sabi niya sa guard. Dito pala siya nagtrabaho.

"Sorry ma'am pwede na kayong pumasok" dali dali ko sinundan si Vincent. At ng makapasok siya sa isang office hindi naman masyado kalakihan nakatingin sa kanya ang ibang empleyedo.

"Ah sir Vincent mabuti dumating kayo. Si Mrs. Cruz sir hindi na tinuloy ang invest sa company natin dahil hindi ka raw dumating kanina" sinundan ko lang sila hanggang makapsok sa office ni vincent.

Tumango lang si Vincent. At pinalabas ang empleyado na akala mo maganda. Umupo siya sa upuan niya at hinilamos ang dalawang kamay sa mukha niya. Manager? Manager pala ang trabaho niya dito?. Binuksan niya ang laptop nasa harap niya. Hindi ko naisip na may meeting pala siya kanina. Hindi ko naman alam bumalik siya sa trabaho niya ngayun na araw. Umuwi pa siya ng bahay. Para icheck ako?. Imposible.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon