ISMTMB - special Chapter

6.5K 132 21
                                    

Napangiti ako sa harap ng malaking salamin. Suot ang pinangarap ko na puting wedding gown. Hindi ko kasi inakala na ngayun na ang kasal namin ni Vincent. Hindi ko inakala na mauuwi kami sa ganito, akala ko kasi dati hanggang doon lang ang dream wedding ko sa kabila ng pag iwan ko sa kanya.

"Baby wag kang umiyak sige ka masisira yang make up mo, hindi na talaga itutuloy ni Vincent ang kasal niyo. Gusto mo ba yun ha?"

Si mommy hindi ko namalayan nakapasok pala siya dito sa kwarto at nasa likod ko nakatayo. Kumuha ako ng tissue at dahan dahan pinahid sa mata ko. "Ako na baka masira pa yan" inagaw ni mommy ang tissue nasa kamay ko.

Napangiti ako, "ito na yung pinakahihintay mo hija, at masaya ako para sayo kami ng daddy mo."  Saka pinahid ni mommy ang pisngi ko.

"Wag kang iiyak"  tumango lang ako at ngumiti sa sinabi ni mommy.

"Ikaw talaga mommy kahit anu nalang pinagsasabi mo. Alam ko hindi  yun magagawa ni Vincent na hindi ituloy ang kasal namin"  sagut ko kay mommy.

May kumatok "ma'am Lianne magready napo kayo aalis na tayo"  tumayo lang ako sa organizer. Sinara ulit ni mommy ang pinto.

"So anu hija mauuna na kami sa simbahan? Again baby congrats"  saka niyakap ako ni mommy ng mahigpit.

"Mommy hindi na ako baby, may anak na nga ako magdalawa na sila baby parin tawag mo sakin? Mom naman baka pagtawanan ako niyan mamaya sa simbahan?"  Pagrereklamo ko sa kanya saka kumalas siya.

At tumingin sakin. "I know hija, hindi na kita baby but ikaw parin ang nag iisang baby monica hija ko kahit ilan pa ang magiging anak niyo ni Vincent"  napangiti nalang ako sa sinabi ni mommy.

"Thanks mom,"  sagut ko. Hinalikan niya ako sa pisngi saka lumabas na siya. Minutes after sumunod narin akong lumabas para pumunta sa church kung saan kami ikakasal ni Vincent.

Sa totoo lang tatlong linggo lang ang handa sa kasal namin at ng sinabi namin sa kanila ni mommy nagulat sila at ng sinabi ko na buntis ako mas lalo silang nagulat but ang subrang nakikita kung masaya si Marky dahil magkaroon na daw siya ng kapatid.

Sa tatlong linggong pag aayus sa kasal namin wala namang problema nagiging okay ang lahat.

"Ma'am dito napo tayo"

Napatingin ako sa labas hindi ko namalayan dumating na pala kami, tumango lang ako sa assistant ng organizer. Madaming nakapark na kotse na iba't ibang desinyo. At ang simbahan puno ng mga magagandang bulaklak.

"Are you ready ma'am?"  Tumango lang ako at ngumiti pero sa totoo lang kinabahan ako.

"Relax lang ma'am ganun lang talaga pag ikakasal puno ng excitement at kinakabahan hindi mo naiintindihan ang nararamdaman mo. Pero kapag tapos na ang lahat worth it ma'am. Kaya smile ka lang diyan, okay?"  Nagbigay pa siya ng thumbs up sakin ang assistant ng organizer.

Pumuwesto na ako sa may pinto, pinikit ko ang mata ko at bumuntung hininga. At ng bumukas ang pinto dahan dahan akong pumasok sa flower crown design na headband na puti. Mas lalo bumilis ang kaba ko ng lahat ng tao nakatingin sakin. Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng napatingin ako sa unahan? Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko, tibok ba ng puso ko ang naririnig ko habang naglakad ako sa gitna o si Vincent ang boses niya narinig ko kumanta? Imposible? Marunong ba siya kumanta? Ni kahit kailan hindi ko naririnig ang boses niya na kumanta. Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya mas lalo ko tuloy narinig ang boses ni Vincent. Mas lalo tuloy siya nagiging gwapo sa paningin ko. Pakiramdam ko isa siyang king of handsomeness, mas lalo siya nagiging gwapo sa white suit bidge color at black necktie ribbon sa gitna. At yung buhok niya., ng tumigil kami at binigay ni mommy at daddy ang kamay ko sa kanya. Pakiramdam ko nasa alapaap ako nakasakay at yung puso ko, parang hindi mapakali parang gusto niyang lumabas sa subrang tuwa.

Kinuha niya ang kamay ko na nakatingin sa mata ko na may ngiti sa labi. At sabay kami umakyat sa altar,.

"Hon okay ka lang? Bakit ang lamig ng kamay mo?" Nararamdaman din niya pala ang panglalamig ng kamay ko.

Nilingun niya ako kaya ngumiti lang ako at tumango.

Siguro mga one hour after natapos din ang ceremonyas wala lang naman ginawa kundi nag exchange of vow's lang kami pagkatapos picture taking, pagkatapos pumunta na kami sa reception.  Mas maganda rin kasi ang maikasal sa simabahan yung may blessing's talaga. Kahit alam natin hindi lahat ng marriage perfect.

Wala naman talagang perfect na marriage kung hindi niyo rin alam paano ayusin ang problema niyo. Lahat ng marriage may away lahat dahil part yun sa isang relasyon na bilang mag asawa. Hindi magiging maayus ang pagsasama niyo kung hindi niyo pakikinggan ang bawat isa sa inyo.

"Pre, pwede magtanung total kasal na kayo sa pangalawa. Anung magandang paraan o advice kagaya sa inyo na kahit anung pagsubok dumating matatag parin ang pagsasama niyo?"

Napatingin ako kay Vincent at binigay sa kanya ang mic. Kinuha niya ang mic at tumingin muna sakin bago nagsalita. Tumayo muna siya.

Si Marky namin nasa lamesa nila mommy. Sila daw muna magbabantay.

"Perfect marriage?= walang perfect na marriage. Nasa sa inyo lang yan kung paano niyo solusyunan ang problema niyo. Pero kung gusto niyo ng magandang pagsasama kahit magnobya o nobyo kayo ngayun. Bawat away niyo dapat may matutunan ka, dapat pinapakinggan niyo ang bawat isa sa inyo, kung mag away man kayo wag niyong salubungin ang init ng ulo isa sa inyo. Bago ka magsasalita dapat matapos muna ang isa sa inyo nagsasalita para malinawagan kayo kung sino may mali sa inyo,.. yan lang"

Tumahimik ang lahat.

Napangiti ako ng lihim sa sinabi ni Vincent. Hindi ko inakala na sa kanya ko matatagpuan ang isang buhay na masaya puno ng pagmamahal galing sa kanya. Sa bawat araw araw na dumating at lumilipas mas lalo ako nagiging masaya. Pakiramdam ko pagkasama ko siya wala akong problema kundi ang pagmamahal lang niya angbinigay niya sakin, samin ng mag ina niya. At nagsipalakpakan ang mga tao.

NatApos ang reception hanggang gabi kaya ito pagud na ako.

"Mommy, mauna na ako matutulog? Can i?"

Si Marky lumapit sakin dito sa sofa at umupo sa tabi ko at ginusot gusot ang mata niya. Pati itong bata napapagud din.

"Okay, but first maghalf bath muna and?"

"Magtootbrush" sabay tayo niya.

"Ako na hon magpaligo kay Marky magpahinga ka na. Alam ko pagud kana buong araw"  si Vincent galing sa kusina.

"Little bro si daddy na magpapaligo sayo kasi si mommy need na magpahinga silang dalawa ni baby"  umangat ang tingin ni Marky sakin at lumapit sabay kapit sa leeg ko.

"Goodnight mommy, goodnight baby" hinalikan niya ang pisngi ko at ang tummy ko na maliit pa. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko.

"Okay baby goodnight" sagut ko sa kanya. Sinabayan na siya ni Vincent kaya sumunod narin ako sa kanila at pumasok sa kwarto namin. Tapos narin ako naligo at nakapagbihis na ng pangtulog. Napangiti ako sa ng nakatingala sa kisame. Hanggang ngayun kahit pagud ang katawan ko hindi parin ako makatulog.

Halos lumulutang yung isip ko sa nangyayari ngayun na araw.

"Hindi ka pa natutulog hon?"

Napalingun ako sa gilid hindi ko namalayan nakapasok na pala si Vincent at humiga narin sa tabi ko.

"Nakatulog na si Marky ikaw hindi pa, hindi ka ba inaantok hon?"

Tumagilid siya sakin at ngumiti ng matamis tamis. "Hindi ko kasi inakala na may ganito ka palang ginawa na hindi ko alam. And thank you dahil pagmamahal at intindi mo sakin."  

Hinawakan niya ang kamay ko. "Basta para sayo at sa magiging pamilya natin na darating hon. Gagawin ko ang lahat."   Sagut niyang nakatitig sa mata ko.

Bumangun siya ng patagilid dahan dahan at nilapit ang mukha niya sakin.

"I love you hon" sabi niya.

Sasagutin ko sana siya ng bigla niya akong hinalikan sa labi ng dahan dahan hanggang sa hinalikan na niya ako ng husto.

Ng tumigil siya. "I love you too Vincent" sagut ko sa kanya. At niyakap ko siya ng mahigpit.

Kung may natutunan man ako sa buhay ko ay yun ang pagtitiwala sa taong mahal mo.

THE END!

🎉 Tapos mo nang basahin ang I'm Secretly Married To My BODYGUARD Completed 🎉
I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon