ISMTMB - BK 2 - 8

4.5K 131 7
                                    

Lianne

"Hija kamusta ka na?"

bumuntung hininga muna ako tsaka ngumiti kay mama. "Okay lang ho. Kayo kamusta na? Pasensiya na kung hindi ako nakadalawa sa inyo"  

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay lang naman kami hija. Nag alala lang kami sayo kung saan ka pumunta. Alam mo hinanap ka ni Vincent no'n" 

Ngumiti ako at nilingun si Marky nakipaglaro sa kay Marie.

"Ga-ganun ho ba?"

"Hija kung anung problema niyo ni Vincent wag niyong idamay ang bata" 

"Kailangan din ng bata ang ama niya hija sa paggabay ng paglaki niya."

"Pero ma, meron naman akong katulong sa pagpalaki kay Marky at alam kung magiging mabait din siya kay Marky"

Ngumiti siya at hinawi ang buhok ko nilagay sa gilid ng tenga ko. "Hija kung anung desisyon ginawa mo sana hindi mo pagsisihan"  

Binigyan ko ng ngiti si mama.

"Marky come" 

Agad siya kumaripas ng takbo papalapit samin. "Aalis na si grandma. Say goodbye to her and kiss"  sabi ko sa kanya.

"Aalis na po kayo? Mommy can i sama?" 

Kinarga ni mama si Marky. "Sorry sweetheart hindi pwede e, pupunta nalang kayo ni mommy sa bahay kung kailan gusto niyo" 

Saka hinalikan niya ang noo nito. "Okay po."

Bumaba siya sa pagkakarga ng grandma niya. "Mommy pwede pa kami maglaro?"  Tumango ako at ngumiti. Agad naman siya kumaripas hila hila si Marie.

"Hija, kung may oras ka dalaw ka naman sa bahay. Namimiss ka na namin"  tumango ako at ngumiti.

Tumayo na si mama ng may naalala ako. "Ma, wait"  pigil ko sa kanya.

"A-anu kasi?"

Paano ko ba ito tatanungin?. "Kung anu ang nasa isip mo o gusto mo malaman mas maganda pumunta kayo sa bahay"   ngumiti siya sakin.

"Si-sige ho" 

Yun lang ang nasagut ko at umalis na siya.

Pagkatapos sa paglalaro ni Marky umuwi na din kami sa bahay.

"Mommy are you okay?" 

Tumango lang at ngumiti. Agad siya kumaripas ng papasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para sa pag arrange ng mga pinagbili namin.

Papalabas ako ng kusina para umakyat sa taas para magbihis ng napahinto ako ng narinig ko nag uusap si Marky at Marie.

"Ate naalala mo yung pumunta tayo sa mall with tito boy?"

"Oo. Bakit anung meron doon?"

Hinubad ni Marie ang shirt ni Marky. "Nakita ko kasi that time si tito Dexter  may kasamang ibang girl" 

"Ah. Baka friend niya lang yun o di kaya pamangkin o kapatid niya na babae nagpapasa sa kanya dahil may binili sa mall"  sagut ni Marie habang pinunasan si Marky.

"Kung pinsan niya, siter, and pamangkin bakit ganun sila? I heard love ang tawag niya sa girl. Narinig nga yun ni tito boy"

Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Marky.
"Ha? Anung sabi ni tito boy mo?"

"Tiningnan niya"

"And kanina nakita ko din siya ulit sa mall" 

Natapos na si Marie sa pagbihis ni Marky.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon