SECOND

13 1 0
                                    

SYJ

"Are you sure you'll be fine by yourself?" Lakas maka-repeat one ng tanong nito ni Kuya Dust.

Sa totoo lang ay lahat sila ay may lakad at hindi daw ako masasamahan sa paglabas namin ng mga baby ko.

"Oo. Sure na sure! Sige na, baka ma-late ka pa P're. Go!" Tulak ko sa kanya pasakay ng kotse. Hinatid nya lang kasi kami dito sa Mall.

"Be safe."

"Yes, Sir!" Sumaludo pa ako sa kanya tapos nginuso ko ang kotse nya para pumasok na sya sa loob.

"Okay, okay. Bye, babies. Behave lang kay Mama. Tapos hinalikan nya ang mga baby na nasa stroller at saka tumigin sa akin at iniayos ang hoodie ng jacket ko. ... Message us if there's any problem, Bunsoy."

"Opo. Ingat ka din ah." Tumango lang sya at saka sumakay ng maka-pasok na kami sa Mall.

Habang nandito kami ng kambal sa flower shop ni Boss, isa-isa na akong naka-tanggap ng mga Message nila kung, 'ano na ginagawa ko?', 'musta daw kami?', at marami pa'ng iba.

Nag-send na lang ako ng pictures para wala ng tanung-tanong, tapos!

Makalipas ang-hindi ko alam kung naka-ilang oras kami dito, basta around quarter to four p.m na pag-tingin ko sa relo at nag-paalam na din para umuwi.

Dumaan na muna ako sa grocery dito dahil ubos na ang gatas ng mga Baby ko.

Pag-tapos ko na makabili ay umakyat kami para doon na lumabas sa may taxi-lane pero may umeksena at nabundol ako dahil tumatakbo.

Parehas kaming natumba.

Bakit ba natakbo 'to? Inis!

"He stole my wallet!" Biglang may sumigaw. Pag-tingin ko ay humahangos na matanda.

Kaya bago pa maka-takbo ay dinamba ko na.

Pumunta naman agad sa kanya ang guards.

Pag-kuha ko sa stroller ay agad ako na lumapit sa matanda at tinulungan na maka-upo sa isang coffee shop.

"Ito po tubig at wallet ninyo."

"Salamat Hija." Sabi nya at uminom ng tubig.

Hala?! Paano nya nalaman na Babae ako?

"Ahh... Wala po 'yun. Wala po ba kayong kasama? Dapat hindi na kayo pinapayagan na mag-isa Lolo Pogi. Tsk!" Natawa naman sya sa sinabi ko.

"I'm not that old not to be alone. And besides, tumakas lang ako sa bodyguards ng apo ko. I'm bored at exercise ko na rin ito." Sagot nya ng maka-hinga na sya ng maayos.

"Bakit kasi hindi na lang po iyong apo ninyo ang sumama sa inyo?"

"He's at work."

"Sus! Mas may ii-importante pa ba sa inyo. Salbaheng apo! Workaholic! Paluin nyo sa pwet! Pasaway! Okay na ba kayo Lolo Pogi?" Tanong ko at saka ngumiti.

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon