FIRST

23 1 0
                                    

Mamay, Papay... Kailangan ko na umalis na muna ah. Hindi ko gusto ang ikasal. Sira-ulo talaga kasi si--

"Ms. Syj!" Speaking of the devil's guard. Ang bilis nila akong makita ah.

Kita ng nagmo-moment ako eh! Tsk! Panira talaga sila!

Sebastian! Mag-hanap ka sa wala!
Hindi ako papayag sa gusto n'ya. At isa pa...

Hindi kami talo!

Bye na po muna. Matatagalan bago ako makaka-dalaw ulit sa inyo.

...

Hello MAKATI! Woah! Nakarating din ako. In fairness ang tagal ng byahe ko ah.

Mabuti at may mabuti akong kaibigan na tumulong sa akin na makahanap ng pan-samantalang trabaho.

Biglang nag-ring ang phone ko.

" 'espren Syj! Nasa Makati ka na ba?"

"Oo Biggs! Wala pa si Makung eh. Takte! Ang init dito!"

"O kalma lang peluka mo malaglag, masundan ka pa dyan ng kampon ni Sebastian. Haha!"

"Tsk! Salamat nga pala at sinabi mo kala Makung na pwede ako sa Banda nila kahit pan-samantala lang. Buti kailangan nila ng drummer sa band nila Makung ngayon."

"Drama mo! Hahaha! Sige na at may klase pa ako. Tawagan mo lang ako kapag pinagti-tripan ka ni Makung ah. We can trust him. He's our childhood friend naman eh. Bye 'espren, Love you!"

" 'ge! Bye 'espren!"

Salamat at drummer lang ako. Hindi ko kailangang ilantad ang Mukha ko. Baka kasi - alam nyo na... May maka-kilaka sa akin.

Kailangan ko pa ng isa pa na trabaho. Kailangan ko pa na rumaket pa, para naman sapat ang kita ko sa mga gastusin ko araw-araw.

...

"Syj, dito yung kwarto mo ah, katapat lang ng pinto ko. Pag may problema, andiyan lang ako sa tapat, sumbong ka lang."

"Si Tulfo ka na pala ngayon Makung? Pffft!"

"Sira! O sige na, you better fix your things first then paki-kilala kita sa ibang band mates natin. Nauna na sila sa RestauBar eh."

Di naman nag-tagal ng makapag-ayos na kami at umalis na rin papunta sa Gig namin ngayon.

Sabak agad!

...

"Guy's this is Syj, new drummer natin. Remember, sya yung sinasabi ni Biggs?"
Sabi nya sa mga kasama namin.

Sa totoo lang, walang tulak kabigin o sipain 'man lang sa mga 'to! Gwapo mga 'pri.

"Ow...yes! I remember that... Nyle, 'bro, pianist." The swagger says..

"Dust-" Gwapo naman maging alikabok. ... Short for Blaire Dustine, guitarist!" Okay, ako na mali. Masyado naman syang tahimik, tapos grabe maka-titig eh. Tagos hanggang bone marrow mga 'pri.

"Yow! Gabriel Hideous, Ghid na lang, Bass guitarist." He's obviously the chik-magnet. ...hindi rin. That guy beside you is the notorious playboy. Hahaha! Be careful lahat ng may magandang mukha ay pinapatulan nyan." Sabi nya habang tumatawa. Masyadong halata ang iniisip ko.

Tumingin tuloy ako sa katabi ko. Si Makung?... Maniwala?... Eh uhuging bata yan eh, tapos notorious playboy na ngayon?

"Hey, Syj! Huwag mo akong tingnan ng ganyan ah. Hindi ka yata convinced na crush ng bayan 'to na mukhang ito!" Sabi ni Makung at inakbayan pa ako.

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon