ELEVENTH

25 2 0
                                    

SYJ

More than a month na ako bilang PA. Enjoy naman dahil madaming mababait na mga empleyado dito sa kumpanya nitong bipolar na panget na unggoy na 'to!. Hindi man kami nag-uusap ay maganda ang pakiki-tungo nila sa akin. Pero ang bakulaw kong alaga?

'ku! Talaga naman! Akala mo parating may PMS. Akala ko nga okay na kami eh... Iyong open na kami or vibes na kami like my other Kuya. Sa bahay naman nag-iiba din ang ugali. Tahimik pero pag sa kambal naman, okay naman sya—yung normal. Pero pag wala na... Ay na'! Na abnormal na sya.

Pero hindi sya umuubra sa akin. Nasa akin ang huling halakhak! Wahahaha!

Nasa kontrata kasi na gagawin ang lahat ng gusto kung gawin bilang PA nya at kasama na dun ang disiplinahin sya, ang karapatang ko na humindi sa kanya, ilayo sya sa mga taong bagyo ang dala at pang-huli—ito ang sikretong malupit...dahil ako lang naman bukod sa Lolo, nya ang hindi nya dapat suwayin sa mga gusto ko'ng ipagawa sa kanya. Lalo't gusto ko syang parusahan.

O di ba? Ako na talaga! Pero hindi kasama ang pag-lantad ko ng sarili ko. Ganun pa rin naman ang disguise ko. Okay lang naman At mas mabuti dahil bawas sakit sa ulo, at bawas away pa daw.

At ang pinaka-ayaw nya sa ginagawa ko. Ang kumain sa loob ng opisina nya. Hahaha! Wala naman syang magagawa.

Nakaka-ganti lang sya kapag may reports, project presentations na pinagagawa nya at company paper's na kailangan e-revise na dapat naman talaga parte ng trabaho ko ang mga itinatambak nya sa akin. Kailangan naman kasi iyon kaya hindi din naman ako maka-hindi dahil si Ate Marian, ang mahihirapan lalo. Kaya kahit tambakan nya ako ng gagawin, tatapusin ko na lang kahit hindi naman kailangan gawin.

Pero dahil anak ako ng mga magulang ko. Alangan naman ng magulang nyo. Tapos ko lahat iyang mga 'yan sa deadline. Ha! He know's nothing about me. Nga-nga sya dahil tama lahat ang mga ginawa ko at walang tulak kabigin sa mga pinagawa nya. Angal pa sya at ng mapantukan.

Ang sabi ko nga kay Lolo, ay baka masamain ng apo nyang unggoy kapag nalaman nya ang tungkol sa akin dahil nagtatrabaho ako sa kumpanya nya. Ang sagot nya lang ay okay lang. Mas makakatulong pa nga daw ako sa apo nya dahil sa mga experiences ko. Alam na ni Lolo, ang laha-lahat tungkol sa akin. Ako mismo ang nag-sabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak sya noon. Sabi pa n'ya, he knew my Father personally not because they'd been a business partner but because they're good friends daw, dahil may pagkakataon daw na tinulungan sila ni Papay, at may utang na loob daw sya. Hindi ko alam kung ano iyon pero, humingi sya sa akin ng tawad at pina-salamatan nya ako.

It is still a puzzle to me but Lolo, said he'll tell me when the right time comes.

Nabulabog naman ako sa pag-iisip ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng opisina ni Boss at hingal na pumasok si Ate Marian. Oh! By the way, she knows I'm a girl.

"Tulong Syj! Diyos ko! Si Sir. Ryj, may trouble! Baka maka-patay yun! Syj!"

"Umupo ka nga muna Ate." iginiyak ko sya pa-upo at pina-hinga ko ng malalim. "... So, ano nga ulit 'yun? Trouble ba? Gusto nya ng referee?" sino kaya sa mga bagyo ang tumama sa perimeters ni Boss? Nasa top ten list kasi ang meron sya.

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon