Tula para sa kanya.

8 0 0
                                    

Pano ba mag mahal ?
Kailangan ba swak ang asal
Kailangan ba ganito
O baka naman kailangan ganyan

Di ko alam kung paano mag mahal
Kasi di pa naman ako tumagal
Sa relasyon na akala ko mauuwi na sa kasal
Pero mali eh , bakit sya nasakal ?

Hinanap ko ang asero
Na pumutol sa kandado
Ng mga pangako natin na napako
Na ngayon ay mahirap na mabuo dahil sa mga nawawalang piraso

Hinanap ko ang dating tayo , gamit ang mapang binigay mo
Na akala ko syang mag tuturo ng daan sa puso mo , pero bakit ngayon akoy napapalayo

Hanggang ito na nga , akoy tuluyang nawala , nawala sa mapa ng buhay mo , di ko alam ang pabalik sa dating tayo

Ngayon akoy lumalaban,  sa tinahak kong daan , ng mag isa , ng wala ka , ng wala ang pag ibig mo , na dating kasa kasama ko

Buwan na ang lumipas
ng akoy mawala sa iyong landas
Patuloy parin ako lumalaban
Sa nadaramang sakit at kabiguan

Hiling ko sana itoy matapos na
Dahil gusto ko nang sumaya
Sawa na akong lumaban
Sa mga bagay na ako mismo ay sinukuan...

—» KARM

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon