SYJ
Alam ko na susundan nila ako dahil alam ni Kuya Biggy, na pag galit ako ay gusto ko ng adrenaline rush. Yung tipong nagdi-drift sa zigzag road. Basta malakas na hangin at mataas na lugar ang nagpapa-kalma sa akin, basta may thrills, dahil wala naman ako'ng pwede na maka-sparing kung hindi ang Tatay, ko lang.
Kaya bago ako maka-alis ay binutas ko ang mga tires ng mga sasakyan nila.
Papay ko? Masama na ba ako sa ginagawa ko kay Kuya Biggy?
Is it too much?... Am I?
Nasa may mataas na lugar na ako banda. Ang alam ko ay kita ang lugar sa ibaba mula dito. Maganda dito sa gabi. Kaya naman hinintay ko na. Maganda nga at nakaka-relax.
Sa sobrang tahimik ng lugar, pati bigat ng kalooban ko ay medyo naalis na.
Ten minutes before Ten o'clock na pag tingin ko sa relong suot ko. Ganoon na pala katagal na nandito ako?
Marahil ay hinahanap na ako ng kambal.
...
Nang makarating na ako sa Mansion, nakita ko na naghihintay sa salas si Atty. Vanajo, a family lawyer and a true friend of my Father. Mabuti na lang na malayo ang pinanggalingan nito ni Tito Dads, dahil kung hindi ay mapapa-hiya ako sa mas huli ko'ng pag dating. Miller Vanajo ang pangalan nya pero dati ko pa'ng tinatawag sya ng Tito Dads, American-Filipino nga sya eh at gwapo. Hindi lang halata na nasa thirties na ang age nya. Mas matanda si Papay sa kanya ng mga 15 years.
"Good evening Tito." Sabi ko matapos mag-mano tanda ng pag-galang. "Sorry po, pinaghintay ko pa kayo." Paumanhin ko pa.
"Do not mind it my little sweetheart." Balik naman niya saka ako niyakap. Na missed ko din sya. Parang Kuya, na kasi ang turing nya kay Papay. Kaya parang Tatay, na rin ang turing ko sa kanya.
Pagka-upo pa lang namin ay binigay nya na agad ang papers na ipinaki-usap ko. Habang nag-uusap kami ay kita ko na agad sa gilid ng mata ko ang mga Kuya, ko na nakasilip sa pasilyo ng bawat palapag.
"Are you sure you wanted to block all of his card?"
"Yes po, immediately. I didn't want this. But I have to."
"I know Hija. I understand. I've heard what happened and I already punched Bistro Gillian, for doing that to Keith Ana. Anyway, who'll manage the business while... You know?"
"May tatawag po sa'yo mamaya Tito. That's the person who'll handle it for a while."
"Is that all?"
"Opo, salamat. Ay! Tito, kumain na po kayo? Hindi ko 'man lang kayo natanong, pasensya na po."
"Still as my sweet and caring little sweetheart. Hahahaha! Pinakain na ako ng mga tsismosong mga lalaki kanina. Kaya nga nasapak ko na si Biggy kanina."
Sabi nya at tumawa ulit. So nandito sya sa mansion.
Pero wait lang... Tsismoso?
Tumingin ako kay Tito at nakuha nya naman ang ibig sabihin ng tingin ko. Ngumuso sya sa direksyon ng hagdan. Pagtingin ko ay parang nagulat pa ang mga lalaking tinutukoy nya at nag sipulasan lahat. Nag kanda dapa pa sila. Mga baliw.
Oo nga pala.
"Hayaan nyo po sila. Hindi naman nila narinig eh. Oo nga po pala, dito na rin po kayo matulog. Delikado na po ang mag byahe lalo na at pagod at antok po kayo."
"Thanks Hija. Gusto ko din maka-laro kahit sandali lang bukas ang kambal. Bukas na ako uuwi."
"Saan nyo po gusto? Sa guest room or sa kwarto ko?" Tanong ko dahil minsan katabi ko sila ni Papay, na matulog nung bata-bata pa ako.
BINABASA MO ANG
My Lovely Not So Lady • • •
Teen FictionA story that will make you realize that whatever ideal things that you want to have of that person that you will fell in love with will be gone when Cupid's arrow digged into your heart and put that red string to connect you to your beloved destine...