Choices of Love

10 0 0
                                    

Naalala ko 'nun sabi ng teacher ko, "May dalawang klase ng pagmamahal. Iyong pagmamahal na nanatili, at iyong pagmamahal na umalis pero bumalik." and then she asked the class, "Alin sa dalawang pag-ibig kayang iyon ang totoo?" and then all of my classmates answered, "Iyong nanatili po!" ngumiti lang yung teacher namin and then she tell us a story. Sabi niya, "May dalawang magkasintahan. Iyong unang magkasintahan ay labis na nagmamahalan. Iyong tipong hindi nila kayang pakawalan ang isa't-isa. Iyong isang magkasintahan naman, they both believe that love isn't just about holding on at kaya nilang palayain ang isa't-isa for them to be a better person for each other. One day, pareho silang na involved sa isang banggaan ng bus at truck. Nahulog yung sinasakyan nilang bus sa bangin. Yung dalawang babae, nasa bingit ng kamatayan at tanging mga kamay nalang nung mga lalaking mahal nila ang kinakapitan nila. Yung naunang magkasintahan na hindi kayang pakawalan ang isa't-isa ay nanatiling magkahawak ang kamay. Ayaw pakawalan nung lalake yung babae kasi takot sya na mahulog ito nang tuluyan sa bangin. Kahit alam niyang hindi niya kakayanin na hawakan nang matagal ang kamay ng babae, pinilit niya parin kaya sa huli, nang hindi niya na nakayanan, nadulas na ang kamay ng babae at tuloy-tuloy itong nahulog sa bangin. Iyong pangalawa namang magkasintahan, alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pagbitaw. Kaya inutusan nung lalaki ang babae na pansamantalang kumapit sa ugat ng puno dahil kailangan niyang bitawan ang kamay nung babae dahil alam niyang hindi na niya kakayaning hawakan iyon. Nangako ang lalake na babalik ito. Kahit nasa bingit na nang kamatayan ay pinagkatiwalaan siya ng babae. Sa muling pagbabalik nito, may dala na syang lubid. Ginamit niya iyon para matulungan ang babaeng mahal niya at sa huli ay nailigtas nya ito. Ngayon sabihin niyo, kaninong pagmamahal ang dakila? Doon sa nanatili kahit hindi na kaya? O doon sa umalis at bumalik dahil alam na niya kung paano kang hawakan nang mahigpit at mailigtas?" A moment of silence. Walang nakasagot. And it teaches me a lesson.
Minsan, nasasabi natin na "Ang tunay na pagmamahal ay iyong pagmamahal na nanatili." not even realizing na hindi lahat ng pagmamahal na nananatili ay busilak, totoo at dakila. That's why, if someone leaves you, don't ever try to stop them from leaving. Kasi pag bumalik yan, doon mo malalaman na mahal ka niyang talaga. Minsan kasi akala natin mas dakila yung pag-ibig na nananatili. Eh paano kung nanatili nalang kasi nasanay na? Nanatili nalang kasi natatakot lang na mag-isa? Nanatili lang kasi naaawa sayo? Do you think true love parin yun? If someone leaves you and mouthed you a reason such as "Hanapin ko lang sarili ko." "I want to change for you." "I'll just make my self better" you don't have to believe them. Saka ka maniwalang mahal ka talaga nila kapag bumalik sila. Because the only way for you to know if a person really loves you is to set them free. Para rin yan silang mga asong kalye, pakawalan mo man, babalik at babalik sa tunay niyang tahanan. If they really see you as their home, babalik at babalik yan. In the right time. Wag kang magpaka selfish na hahawakan mo sya till the end just because you believe it's true love. Di lahat nang nanatili ay totoo at hindi lahat nang nang-iwan ay manloloko.

-Glydel Sual

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon