Isang Tula Para Sa Relasyon Nating Biglang Nawala

5 0 0
                                    

Isang Tula Para Sa Relasyon Nating Biglang Nawala 💔💔

Ito na nga ba ang katapusan ?
Ng relasyon nating iningatan
Lahat talaga ay may hangganan
Ngunit di parin handa sayong paglisan

Naalala ko pa
Yung mga panahong kay saya
Mga oras na ikaw ang kasama
Ngayon ay isa nalang ala-ala

Mga kulitan at asaran
Kaligayahang walang pag lagyan
Mga pangarap na sabay nating binuo
Pero bakit ngayon ay gumuho

Tawanan ng tawanan
Asaran ng asaran
Kulitan ng kulitan
Kay sarap namang balikan

Akoy nangungulila
Dahil Sayong pag ka wala
Sana may bumagsak na tala
Ng akoy makahingi ng himala

Di ko man alam ang dahilan
Kung bakit mo ako iniwan
Pero isa lang ang kasiguraduhan
Mananatili ako at di ka iiwan

Lumuluha man ako ngayon
Nag papasalamat parin sayong pabaon
Dahil Naging masaya ako ng tatlong bwan at isang taon
Ng dahil sa ikaw ang rason

Hanggang dito nalang ata talaga
Akoy mag papaalam na
Sana ikaw ay sumaya
Dahil di na ako ang kasama .

To Nicole my Chubbysexy :)

KARM

My Lovely Not So Lady • • •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon