Chapter Four
SYJ
(Symphony Javier)Nagising ang diwa ko kahit parang antok na antok pa ako at kahit feeling ko na ang tagal ko ng natulog.
Matagal nga ba?
Sinubukan ko na magsalita pero parang may bara sa bibig ko.
Parang malaki ang dila ko? Hmmm... Weird.
Nang sa wakas ay nadilat ko ang mga mata ko ay tiningnan ko ang paligid. Puro kurtina ang nakapalibot sa akin at napansin ko na may nakahawak sa kamay ko at nakatungo dito sa kama.
Si Kuya Ghid. Hinaplos ko ang tenga nya at pinisil-pisil. Nabigla pa sya ng bigla nya akong tiningnan na nanlalaki ang mata. Sinenyasan ko na huwag itong maingay. Tumango naman sya at hinalikan ako sa noo at bumulong na babalik daw sya.
Paglabas nya ng kurtina, dinig ko pa nga ang pagsara ng pintuan kung saan ako at paglabas nya ay may mga sumigaw at may sumigaw din na 'manahimik kayo!'.
Mukhang pinagalala ko ng sobra ang mga matatanda. Hahaha!
May pumasok na doctor na Babae at dalawang nurse.
"Hi sweetie. I'm your personal Doctor, Doc. Hanson. Good thing that you're awake now. Almost three days ka ng tulog kung hindi ka pa nagising ngayon." Sabi nya habang eni-eksamin ako. Tinanggal nya na ang tubo sa bibig ko kaya parang nakahinga ako ng maayos. I need to put this to help you to breathe because your allergy is Asthmatic. Namaga ang dila mo at labi mo, but don't worry dahil hindi naman na gaano. Iyon nga lang ay dahan-dahan lang sa pag-sasalita because your tounge is slightly swollen. Wear this bonnet dahil papasok na silang lahat oras na lumabas ako dito sa kwarto mo. Nandoon sila lahat sa living room at naghihintay na matapos ako. They're all worried to death and a bit mad to someone. Ikaw na ang bahala sa kanila little girl, for I know that they will listen to you. Pwede ka na lumabas bukas. You can go back to your doings but take it slowly dahil over fatigue ka rin kaya matagal ka natulog. I'll intruct those idiots about your foods and the intakes of your medicine. Take a rest sweetie." Ang ganda nya naman. Pinisil nya pang pisngi ko at sinabing magandang bata daw ako.
"Salamat po, Doc. Ganda."
Ngumiti naman sya sa akin.
"You're so cute and sweet. Call me Tita Therese, baby girl. Bye."
"Bye, Tita Therese. Thank you po ng madami." Paalam ko ng may malapad na ngiti kahit nahirapan ako na magsalita. Ngumiti naman ulit sya bago tuluyang lumabas.
Bukas na ang kurtina na nakapalibot sa kama ko kaya kita ko ang sunod-sunod na pumasok.
Mukhang may dagdag na sa mga Kuya, ko.
Mga tagapag-mana at kasama sa youngest hottest billionaire bachelor in the world. Inukupa ang top 15 dahil lahat sila ay nandoon. Sila na talaga.
I just remembered them dahil sa pinakita-pinagmalaki pala na magazine ni Kuya Nyle sa akin. Sila-sila daw kasing halos magka-kaibigan ang nasa magazine.
Lalo lang tuloy dumami ang mga babaeng nababaliw sa mga Kuya Pare 'ko. Tsk! Damay ako eh.
"H-Hey, Bunsoy. Okay ka lang ba? You need anything?" Napabalik ang ulirat ko sa nagtanong at humawak sa kamay ko. Si Kuya Makung talaga. Ganito sya sa akin dahil lagi n'yang naa-alala ang mga nangyari noon sa kapatid nya na si Makino, ang kababata at matalik kong kaibigan. Si Ate Kambal ko.
BINABASA MO ANG
My Lovely Not So Lady • • •
Teen FictionA story that will make you realize that whatever ideal things that you want to have of that person that you will fell in love with will be gone when Cupid's arrow digged into your heart and put that red string to connect you to your beloved destine...