Kabanata VIII

81 19 0
                                    


Naglakbay si Ursula. Hindi niya alam kung saan siya patungo, basta ang alam niya lang ay makaalis siya sa bayan na iyon at subukang maghanap ng ibang paraan upang makabalik sa panahon niya. Ang panahon sa kasalukuyan.

Isa rin sa dahilan niya kung bakit siya umalis ay upang makaligtas siya sa pananakop ng mga Espanyol. Sapilitan siyang umalis upang hindi madamay sa kaguluhang nagagaganap sa bayan.

Pilit naglakbay kasabay ng init ng araw, pawis at gutom si Ursula. Saglit na magpapahinga sa ilalim ng malalaking puno at kasabay niyon ay pag-inom ng preskong tubig mula sa batis. Sa gitna ng kanyang paglalakbay ay marami siyang natutunan.

Una ay ang pagiging likas na pursigido sa isang bagay. Napagtanto niya na kapag mayroon kang isang bagay na gustong abutin, kailangan mo itong paghirapan. Dahil naniniwala siya na masarap lasapin ang bagay na pinaghihirapan at pinagpapawisan.

Pangalawa ay ang kaibahan ng kapaligiran sa kasalukuyan at sa panahong kinalalagyan niya ngayon. Kay sarap lasapin ang bawat tubig na dumadaloy sa batis sapagkat malinaw at kay linis na nagmumula sa gubat. 'Di katulad ng sa kasalukuyan na napupuno ng mga basura na kay rumi na nagiging dahilan kung bakit nasisira ang yamang mineral sa tubig. Ang paligid ay napupuno ng mga mayayabong na puno 'di katulad ng kasalukuyan na iilan na lang ang hindi nakakalbo dahil sa nagsusulputang inprastraktura. Napupuno ng alikabok na nagiging dahilan kung bakit marumi ang hangin.

Ibang-iba talaga ang noon kaysa sa kasalukuyan.

Sana may magagawa pa ang mga tao upang maibalik ito.

'Yun ang kahilingan na nasa isip-isip ng maldita na may tinatago palang kabutihan sa puso.

------------------------------------------------------

LUMIPAS ang ilang araw ay namamayat na si Ursula. Tanging prutas na bayabas at saging na nakikita niya sa daanan ang pagkain niya. Sa oras ng pagtulog ay aakyat sa mababang puno upang dokn matulog. Gasgas ang natamo niya dahil sa hirap na pag-akyat. Bawat gabing lumilipas ay iiyak siya sa hirap na dinanas niya. Kagat ng lamok ay minsan ay takot at pangamba na baka anumang oras ay may mabangis na hayop ang kumain sa kanya. Iniisip pa lang niya ay nasusuka na siya paano pa kaya kung nangyari na? Hindi niya yata iyon makakayang isipin. Pagod at hirap ang dinanas niya ngunit pursigido pa rin siyang mahanap ang paraan upang makabalik siya.

Ano nga kayang paraan ang dapat hanapin niya upang makabalik siya sa kasalukuyan?

Gumugulong tanong sa isipan ni Ursula. Hindi niya alam kung anong paraan iyon basta ang alam niya lang ay malalaman niya rin ito bukas. Kundi man bukas baka sa susunod na araw. Basta natitiyak niyang malalaman niya rin ito sa tulong ng pananalig at dasal sa Diyos.

Isinandal niya ang katawan sa isang malaking puno ng Acacia upang magpahinga sandali. Nakaramdam siya ng kaunting antok na dahilan upang lamunin siya upang makatulog. Nagising na lamang siya sa lakas na simoy ng hangin at huni ng mga ibon. Napabalikwas siya ng bangon at nilingon ang kapaligiran kung anong nangyayari.

Nakita niyang mangitim-ngitim ang ulap sa kalangitan. Mayamaya pa ay unti-unti na itong nagsibagsakan. Buong lakas na tumakbo si Ursula at naghanap ng masisilungan. Basang-basa na siya ngunit wala pa siyang nakitang masisilungan.

Laking pasalamat siya ng may naaninag siyang isang mumunting kubo. Doon siya sumilong at nakituloy. Pinasok niya ang kubong iyon at napagtantong walang nakatirang may-ari. Doon siya nagpalipas magdamag at hinubad ang basang suot.

"Siguro wala namang tao rito. Kaya walang makakita sa'kin. Magiging choosy pa ba ako? Kesa magkasakit. Wala pa namang gamot."

Bigkas ni Ursula habang isinampay ang basang damit sa lubid. At mayamaya ay inayos niya ang tulugan at naghanap ng tela o anumang bagay na makapagbabalot sa seksing katawan niya.

Kinabukasan ay madaling nagising si Ursula. Agad niyang sinuot ang nakitang damit sa kaban sa kubong tinuluyan niya. Pagkatapos niyon ay lumabas upang maghanap ng makakain sa agahan ngunit biglang natigilan siya nang pagbukas niya ng pinto ay may tumutok na baril na shotgun sa tapat ng mukha niya. Dahil sa sobrang kabang naramdaman ay biglang nahimatay si Ursula.

Walang-malay na dinala sa isang mansyon si Ursula. Dinala siya ng isang lalaking sundalo-militar. Sundalong nasa ilalim sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.
Doon niya dinala ang hindi kilalang babae upang suriin kung kalaban ba ang babae. Matapos matingnan ni Emilio ang walang malay na si Ursula ay dinala niya ito sa isang silid upang doon hintaying magising habang binabantayan ng apat na sundalo na kung saan kabilang siya nito.

Ang Pananaliksik Ni Ursula (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon