Wakas

130 19 0
                                    

ISANG malaking buntong-hininga ang pinakawalan ni Ursula. Kasabay niyon ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Sa mahaba-mahabang proseso, natapos din. Naging Filipino rin ang opisyal na wika sa bansa." Masayang sambit ni Ursula pagkatapos tiningnan at nasaksihan ang pagpupulong ng mga opisyal. Pagpupulong kung saan pormal na pinagtibay na ang Wikang Filipino ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas.

"Ngayon nalaman ko na rin ang kasaysayan ng ating wika. Ang Wikang Filipino. Hindi pala talaga madali ang pinagdaanan nito. Maraming proseso ang pinagdaanan makamit lang ang hinahangad nito."

Maligayang wika ni Rex na nakaharap kay Ursula. Doon nalaman niya ang kasaysayan at ang mahirap na proseso ng Wikang Filipino.

"Nalaman ko rin na sa pamamagitan ng wika, naibubuhos mo lahat ng saloobin at hinanakit mo. Nang dahil sa wika, nagkakaunawaan at nagkakaintindihan ang isa't isa. At dahil din sa wika, naipahayag ko ang aking damdamin sa taong mahal ko."

Isang malaking ngiti ang ipinakita ni Ursula na may kasabay na pagpatak ng luha. Masayang-masaya siya ngayon dahil nalaman niya sa kanyang pananaliksik na hindi pala ito madali katulad ng inaasahan niya. Pananaliksik na nagtulak na bumalik sa nakaraan upang iparanas kung paano ito nabuo at nangyari. Upang malaman ang buong kasaysayan nito.

Nang dahil sa pananaliksik din ay natagpuan niya ang matagal na niyang hinahanap. Ang taong hindi inakala niyang napunta rin sa nakalipas na panahon. Ang buong akala ni Ursula ay aksidente ang pangyayaring 'yon ngunit nalaman niyang nakaplano iyon. Plano iyon ng tadhana upang maranasan niya na ang lahat ng bagay ay hindi madali at dapat pinaghihirapan. Plano iyon upang matagpuan din ang taong nawalay sa kanya.

"Naaalala ko na ang lahat, Ursula. Maraming salamat! Binalik mo lahat ang aking alaala."

Buong pasasalamat na sabi ni Rex dahil ngayon ay naaalala na niya lahat. Ang lahat ng nangyayari sa kanya dati at kung bakit siya napadpad sa taong nakalipas.

"Kung may dapat ka mang pasalamatan, hindi ako 'yon. Kundi ang Panginoon. Dahil siya ang dahilan kung bakit bumalik lahat ang alaala mo. Siguro plano niya ito upang ipaalala na ang wika ay dapat pahalagahan. Dahil alam naman nating dalawa na nagbabago na ito sa panahon natin." Paalala ni Ursula na may bahid na kalungkutan. Kalungkutan na ang wikang kinagisnan ay unti-unti ng napalitan.

"God planned this to realized how language really important...to us." Pagkatapos sambitin iyon ni Ursula ay mahigpit siyang niyakap ni Rex at doon pinagsaluhan nila ang matamis na halik.

Nagulat na lamang sila ng biglang may narinig sila iba't ibang klase ng lingguwahe. Gay language, Enchanta Language, Ang wika ng mga katutubo, Mga Millenial words at iba pang salitang bago sa modernong panahon.

Inikot nila ang buong paningin at doon nila napagtanto na nakabalik na sila sa makabagong panahon. Sa taong 2017. Kung saan doon sila nararapat. Taong unti-unti nagbabago salik sa modernisasyon. Modernisasyon na nagtulak upang baguhin ang nakasanayan na siya rin ang dahilan kung bakit nag-iiba na ang lahat. Hindi naman ito masama ngunit hindi dapat kalimutan kung ano ang tama at mali. Ang nakakasasama at nakakabuti.

Tunay nga'ng mahalaga ang wika dahil ito ang nagbubuklod sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Ipinakita at ipinaliwanag ni Ursula Manabat kasama ang kasintahan niyang si Rex Dela Vega ang kasaysayan ng Pilipinas at ng Wikang Filipino. Wikang patuloy na nagbabago salik sa panahon at nangangailangan nito.

Sa pag-usbong ng panahon, sana'y hindi makalimutan natin ang kahalagahan at kasaysayan nito. Dugo't pawis ang inalay ng mga bayani natin makamtan lamang ang hinahangad nito. Ang kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Ito ang pananaliksik ni Ursula.




-WAKAS-

Ang Pananaliksik Ni Ursula (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon