"You're rude!" Sigaw niya kay Travis nang marating nila ang opisina ng kaniyang ama. "Lance is my visitor tapos palalayasin mo ng ganon ganon lang?!"
"Bakit masyado bang madami ang pag-uusapan niyo at hindi pa sumapat ang tanghalian para dalhin mo pa siya dito?" Maaskad nitong balik sakanya.
The irksome sound of his voice made her shut her eyes as she hold her temper. Muli siyang nag-mulat ng mga mata at matalim parin ang tingin nito sakanya. "Look, Cavallero. I don't need to explain anything to you."
"You don't have to explain, just don't bring your boys here." Parang bata na iningusan siya nito, he stepped near her and pointed her sketchpad. "Kanina pa ko dito, I was actually thinking of asking you out for lunch but you're not around. Nilibang ko ang sarili ko at pinakialaman ang sketchpad mo, papalitan ko nalang."
Bago pa siya makapag-bigay ng anumang reaksyon ay natalikuran na siya nito at nag-tuloy-tuloy na papalabas ng opisina.
"That oaf!" Padabog na naupo siya sa swivel chair, binalingan niya ang kaniyang sketchpad.
Wala sa loob niyang inabot iyon at inisa-isang buklatin ang mga pahina pagkatapos ng designs niya. Napasinghap siya nang makita ang iginutin nito doon.
Isang lighthouse. Malaking lighthouse sa tuktok ng mataas na tore. The exterior design is a mixture of modern and vintage, maging ang pagkaka-shade nito ng bawat brick ng tore ay detalyado. She can even imagine herself standing in that huge balcony looking high and all mighty two hundred feet from the ground. Where you can see everything that surrounds you, hear the ocean crashing, smell the salt water, touch the cold railing and feel the excitement at your highest point.
Nang matanto ang kung anong tumatakbo sakanyang isipan ay tila napasong binitawan niya iyon pabalik sa lamesa. She shook her head and took a deep breath.
Mas naging mabilis ang pag-daan ng mga araw, simula ng naging sagutan nila ni Travis ay hindi na niya ito muling nakita, ang sabi sakanya ni Mrs. Simpson ay umalis ito patungong Vancouver dahil nagkaroon ng problema ang pamilya nito doon.
Mas napanatag naman siya dahil alam niyang tuwing nasa paligid si Travis ay ipinagkakanulo siya ng kaniyang sarili. Oh how she hates it!
"Gift! You're missing so much in your career! The Milan Fashion Week will start next week and you're still not back." Si Pedrigo iyon, a gay designer who's also an organizer of IMG na siyang kinabibilangan niyang ahensya. "You have to go back here, Gift! I thought you'll be gone for days? It's counting six months now, honey."
"Pedrigo, stop demanding for my time. The last time I checked I didn't renew any contract in the agency so I'm free to do whatever I want." Masungit niyang sagot dito.
"But Gift, you can't miss the fashion week-"
"I can and I will," Iyon lamang at pinutol na niya ang tawag.
Mahalaga naman sakanya ang kanyang career, oo. How she blossomed in modeling brought a hard slap on Cinderella's career. Cindy became nothing compared to her when it comes to it. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit iyon ang daan na kaniyang tinahak, to let Cindy know that it will always be her above anyone.
Sa kahit anong larangan o aspeto.
"Morning." Bati sakanya ni Atticus nang lumabas siya ng kaniyang silid. "Anong oras ka umuwi kagabi? Madaling araw na ko nakaalis ng Bulacan, pag dating ko dito chineck kita sa silid mo good to see that you're already asleep."
BINABASA MO ANG
ZWCS#7: Back To December
RomansaZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#7: Back To December -Gift Briana Vito